CHAPTER 8

6.2K 143 6
                                    

Days have passed at masasabi kong maayos naman ang takbo ng mga araw ko. Nothing so special happened during those days. Palagi ko lang kasama sila Anna tuwing nasa school. At habang nasa bahay naman ako ay nakaharap lang ako sa monitor ng laptop ko at ini-istalk si Verro. Ewan ko ba. Nakagawian ko na kasing gawin iyon. I don't mind doing it naman. Kahit na ba minsan nasasaktan ako sa mga pino-post niya tungkol doon sa babaeng nagugustuhan niya.

Curious talaga ako kung sino ang babaeng iyon. Maganda kaya siya? Matalino? Mayaman? O kaya talented dahil nagustuhan ni Verro?

Mababaliw na ako kakaisip kung sino ba ang babaeng iyon. Gustong-gusto ko na talagang malaman. Pero wala akong clue para malaman kung sino iyon. Nakakasira ng bait alam niyo ba yun?

Minsan nga naiisip ko nalang na ako ang babaeng iyon kahit na alam kong malabo namang mangyari. Hindi talaga mawaglit sa isip ko ang tungkol sa babaeng iyon. Kung ano ba talaga ang itsura niya. Ilang taon na ba siya. Saan ba siya nakatira at iba pang mga impormasyon tungkol sa babaeng iyon ngunit wala akong makita o mahanap. Masyadong maingat si Verro tungkol sa babaeng iyon.

And I envy that girl so much. Dahil napansin at nagustuhan siya ni Verro. Samantalang ako, wala. Nganga lang. Kaya nakakainis din iyong babaeng iyon eh. Sino ba kasi talaga siya?

Hindi ko tuloy maiwasan na huwag guluhin ang buhok ko kakaisip tungkol dun.

Nabalik lang ako sa aking ulirat ng may kumatok mula sa labas ng aking kwarto.

"Sino yan?" Tanong ko habang inaayos ang aking sarili.

"Kakain na hija. Pinapatawag kana ng mama at papa mo." Si manang iyon.

"I'll be there in a minute. Maraming salamat po manang." Sigaw ko mula sa loob.

Agad akong tumayo at nagsuklay ng buhok. Ayaw ko namang humarap kina mom na gulong-gulo ang buhok. That just so embarassing.

When I finished fixing myself I went downstairs to the dining area where my parents are already eating.

"Hi mom. Hi dad." I greeted them to get their attention.

"Take a seat dear and dig in." My mom told me smiling and I did what she told me.

We are now eating our dessert when my mom called me.

"Yes mom?" I asked out as I finished my own dessert.

"Do you have any plans later? May lakad ba kayo nila Anna at Jack?" I shooked my head with her question.

"Wala naman po. Dito lang po ako sa bahay. Bakit po?" Pag-usisa ko kay mommy.

"That's good to hear. May bisita kasi tayo mamayang gabi. Your father's best friend is coming over for dinner with his family. At kailangan ko ang tulong mo sa pagluluto. Is that ok with you sweety?" I automatically nodded my head for approval.

"Sure mom. Wala naman akong ibang gagawin. I'll help you po later." Nakangiti kong saad kay mommy.

Ngumiti din si mommy at bumaling kay daddy na nakangiti din na nakamasid lang sa amin ni mom.

"What dad?" I used my baby tone voice as I asked my dad.

Ngumiti lang si daddy at iniling ang kaniyang ulo.

Nagkibit balikat nalang din ako. My father is acting weird today. Ano kayang meron? Hmm.

Oh well. Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa na mauuna na ako dahil tapos na akong kumain at para umakyat na din muli sa kwarto ko.

"Nasa kwarto lang po ako." Bilin ko at nilisan ang hapag kainan.

Hindi na rin naman ako pinigilan nila mommy. At alam ko din na mag-uusap pa sila. Alam ko din kasi na puro kachesihan lang ang gagawin nila doon. And I don't want to witness that.

Hindi naman malaswang tingnan kapag nagla-loving loving sila mom at dad. Ayaw ko lang makita kung gaano sila kasweet kasi naiinggit ako sa kanilang dalawa.

My parents sweetness and their love for each other is ideal. Gusto ko rin na ganun kami ng magiging boyfriend o asawa ko hanggang sa pagtanda namin. At kapag nag-iisip ako ng tungkol doon ay hindi ko maiwasang huwag isipin si Verro.

Verro is my ideal man and I am really wishing na siya ang makatuluyan ko. If that woukd happen I could be the happiest woman in this world.

--

When evening came. My mother told me to get dress after we finished cooking. So I did what I was told and immediately went upstairs to take a shower and get dressed.

All the dishes were already served in the dining table except for the desserts. And we are now waitinh for my dad's best friend with his family to come.

I don't why but I feel so nervous. Hindi naman ako ganito noon. Ngayon lang ako kinabahan bigla. Dati naman tuwing may bisita sina mom at dad na pupunta dito sa bahay namin ay ok lang. Parang normal lang. But now, i don't know why I am feeling nervous. Its kind of weird, actually.

Bahala na nga. Hindi ko nalang papansinin itong nerbyos na nararamdaman ko. Ayaw kong mapahiya sina mommy at daddy ng dahil sa akin. Kaartehan lang siguro ito.

Nagpaalam na muna ako kay mama na aakyat lang ako sandali sa kwarto ko dahil amy kukunin lang ako at hindi din naman ako magtatagal na sinang-ayunan naman ni mom.

Kaya nagmamadali akong umakyat sa taas at tiningnan saglit ang laptop ko kung meron na bang recent update si Verro. Nang makitang wala naman ay bumaba na din ako kaagad.

Mukhang nandyan na ang bisita ni daddy. Pababa pa lang kasi ako ay rinig ko na ang tawanan at tuksuhan sa may sala.

Inayos ko ang sarili ko at nakangiting nagpunta kanila mommy.

Agad akong nakita ni mommy at pinalapit niya pa ako sa kanila.

"Anyway, here's our beautiful daughter, Marie." Nakangiting pagpapakilala ni mommy sa akin.

"Good evening po." Magalang kong hayag sa mga ito. Nakipagbeso at nakipagkamay din ako sa mag-asawa.

"Such an adorable child. Nice to meet you hija." Nakangiting saad ng asawa ng best friend ni daddy. Ngumiti nalang din ako bilang tugon.

"Asan na ba ang mga anak niyo?" Tanong ni mommy.

"Nagpasabi na malelate muna sila. Pero susunod naman sila dito." Sagot ng ginang kay mama.

Tumango-tango si mom at inaya na ang mga ito na pumunta na sa dining area.

We were about to go to the dining when the main door was open and two man entered.

"Sorry we are late." Untag ng mga bagong dating.

Nanlaki ang mga mata ko ng mapagsino ang isa sa mga ito.

Is this real? Or am I just hallucinating or imagining things?

--
Hi 🤗 sorry for the late update. Hope you enjoy :) love lots ❤

Love Me Verro Duko Ybañez (COMPLETE) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon