Right Here Waiting
Marie Lyssa Point of View
I don't know how I survived for the past months without Verro by my side. My tummy is already bulging like a ball. I unconsciously rubbed my belly when I felt my baby kicked from the inside.
Nang magising ako ng araw na iyon ay si Verro kaagad ang hinanap ko ngunit laking dismaya ko ng malamang umalis siya at nagpaalam na ng tuluyan. Ni hindi ko man lang siya nakausap ng matino.
Hindi ko alam kung kakayanin ko bang mabuhay na wala siya sa tabi ko. Ang dami kong gustong gawin kasama siya. Ang dami kong plano para sa aming dalawa. Pero hindi na matutupad lahat ng iyon.
Ilang buwan na din ang nakakalipas ng malaman namin na anak ni Verro si Vexer. Pero sa kabila ng balitang iyon hindi pa rin bumalik si Verro. Nasasaktan ako. Aaminin ko pero wala na naman akong magagawa. Nakapagdesisyon na si Verro at kailangan ko nalang tanggapin iyon.
Hinaplos ko ang malaki kong tiyan at pinilit na ayusin ang sarili.
"Kahit iniwan na tayo ng daddy niyo makikilala niyo pa rin siya. Kahit na sa picture o salita lang ipaparamdam ko kung gaano niya tayo kamahal. He saved us both from danger at ipinagpapasalamat ko iyon sa Diyos. So hang in there baby. Malapit kanang makasa ni mommy. Naghihintay na din sila lola at lolo sayo." Pagkausap ko sa sanggol na nasa sinapupunan ko.
Napaluha na naman ako ngunit mabilis ko itong pinahiran. Hindi magugustuhan ni Verro kapag nagmukmok lang ako dito.
Dapat hindi puro sarili ang iniisip ko. May mga anak akong maaapektuhan kapag naging mahina ako. I should live and survive for them, at least.
Kahit na iniwan na ako ng lalaking pinakamamahal ko. I should continue my life and move forward because I know that's what Verro want me to do.
To continue my life even without him. Sa loob ng ilang buwan ngayon lang ako natauhan. Ngayon ko lang narealize ang mga bagay-bagay. Ngayon ko lang tunay na naunawaan ang sitawasyon.
Pinili ni Verro na magkahiwalay kami upang mapatawad at mas makilala pa namin ang mga sarili namin. We should set our priorities right. Dapat maging mature na kami.
Napangiti nalang ako ng mapagtagpi ang lahat. Tumingin ako sa labas ng bintana na may ngiti sa labi.
"Thank you Verro." Sinsero long saad sa hangin. Sana marinig niya ang pasasalamat ko sa kaniya.
Naliliwanagan na bumangon ako sa kama at lumabas ng kwarto. Bumaba ako at nagpunta sa sala. Laking gulat nila mommy ng makita akong lumabas na sa wakas ng kwarto.
"Mamma!" Masayang turan ni Vexer at tumakbo palapit sa akin. Sinalubong ko siya ng yakap at pinaulanan ng halik.
Nakangiti kong hinarap sina mama pagkatapos at tumabi sa kanila.
I will live my life like what Verro wanted me to. And I won't fail him.
Three Years Later
"Vexer! Vexianne! Come on kids! Grandma and grandpa are waiting for us!" Sigaw ko mula sa sala.
Jusko! Konti nalang at malelate na kami. Ang babagal naman kasing gumalaw ng mga anak ko. Kung pumayag lang sana silang tulungan ko sila sa pagbihis edi wala ng problema.
"We're coming mommy!" Si Vexianne na siyang bibo.
Lumipas ang ilang segundo at nakalabas na rin ang dalawang bubwit.
"How do we look mom?" Tanong ng aking panganay at nginitian ko siya.
Habang palaki ng palaki si Vexer ay mas nagiging kamukha niya ang ama niya.
BINABASA MO ANG
Love Me Verro Duko Ybañez (COMPLETE) ✔
Ficción GeneralPAGMAMAHAL Iyan ang gustong makuha ni Marie Lyssa mula sa nag iisang lalaki na naglalaman ng kaniyang puso. Ano kaya ang mangyayari kapag ipinilit niya ang kaniyang gusto. Mamahalin ba siya nito dahil sa pilit o kusang loob siya nitong mamahalin? Wi...