Verro Duko Ybañez

6.6K 111 5
                                    

Pinalaki si Verro na may nakaatan na sa kaniyang malaking responsibilidad. At the age of 10 he started to train and know things that grown person supposed to know. He didn't enjoy his childhood. Naiinggit nga siya sa kapatid niya dahil malaya nitong nagagawa ang lahat ng gusto.

Lumaki si Verro na sinusunod lagi ang gusto ng mga magulang nita at sinasalubong ang mga expectation ng mga ito sa kaniya. Sanay na siya sa ganun pero ng magbinata siya ay doon na siya nagsimulang magrebelde sa mga magulang.

Paminsan-minsan na niyang sinusuway ang mga magulang hanggang sa makasali siya sa grupo ni Kean. And they established their own brotherhood kasama ang walo pa nilang kaibigan.

Nagsimulang sumiway si Verro sa mga magulang na naging dahilan para itakwil siya ng mga ito. Ini-expect na niyang mangyari iyon kaya walang pag-aalinlangan na umalis siya ng bahay nila at nanirahan kasama ang grupo nila Kean.

Simula noon ay doon niya din nakilala si Marie na siyang nagpabighani sa kaniya.

"That's my cousin. Honor the codes bro." Sabi ni Kean isang araw sa kanila na magkakaibigan. Pero walang pakialam si Verro sa kung ano mang codes meron sila. Ang alam niya lang ay gusto niya ang dalaga.

Nang malaman ni Verro kung saan nag-aaral si Marie ay doon na din siya nag-aral. Palagi niyang sinusundan ito araw-araw. Tumitiim nalang ang bagang niya sa tuwing may lumalapit na mga lalaki kay Marie at umaamin na may gusto ang mga ito sa talaga.

Dahil doon ay nabubugbog niya ang mga lalaki kahit wala naman ginawa ang mga ito sa kaniya. Hanggang sa hindi na siya makatiis at kusa ng lumapit kay Marie.

"Fvck the code!" Mura niya isang araw ng tabihan niya si Marie sa isang klase nito. Sobrang saya niya ng mga oras na iyon dahil nagawa niyang kausapin ang babaeng gusto niya.

Ginawa niya ang lahat para mapalapit sa dalaga. Gumawa pa siya ng sarili niyang facebook account para lang mas mapalapit pa kay Marie.

Palagi niyang ini-stalk ang facebook ni Marie at natutuwa siya sa tuwing nagre-react ito sa lahat ng mga post at status niya.

At nang maganap ang dinner sa bahay nila Marie ay mas lalo pa siyang natuwa dahil hindi niya ini-expect na matalik pa lang magkaibigan ang mga magulang niya at magulang ni Marie. Kahit na hindi pa sila magkasundo ng magulang ng mga oras na iyon. Nagawa niya pa ring magpasalamat sa mga ito.

Simula ng araw na iyon nakapagpasya na si Verro na ibibigay alam na niya sa kaibigang si Kean ang tunay niyang nararamdaman para sa pinsan nito at liligawan niya ang dalaga.

Ngunit hindi natuloy iyon dahil pinatawag siya ng mga magulang ni Marie.

Hindi alam ni Verro kung ano ang kailangan sa kaniya ng magulang ni Marie pero kung ano man iyon ay malalaman niya din.

--

Gabi na ng magpunta si Verro sa bahay ng mga Alecante at grabe ang kaba na nararamdaman niya sa mga oras na iyon.

Kabadong pumasok si Verro sa loob ng opisina ng tatay ni Marie. Naghihintay na sa loob ang mag-asawa. Pasimpleng pinalibot ni Verro ang mga mata sa paligid nagbabakasakali na makikita niya si Marie. Ngunit nadismaya siya ng mapagtanto na wala sa loob ang dalaga.

Tinanong ni Verro ang mag-asawa kubg ano ang kailangan ng mga ito sa kaniya at laking gulat ni Verro ng tungkol kay Marie ang pag-uusapan pala nila.

Rinig na rinig ni Verro ang tambol ng kaniyang dibdib habang nakikipag-usap sa mga magulang ni Marie Lyssa.

Natapos ang pag-uusap nila na hindi makapaniwala si Verro sa pinag-usapan nilang tatlo. Hahayaan ng mga ito na makasama niya si Marie sa iisang bubong ngunit kailangan niyang gawin ang pinapagawa ng mga ito sa kaniya.

Love Me Verro Duko Ybañez (COMPLETE) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon