CHAPTER 22

5.2K 125 12
                                    

Nightmares

Marie Lyssa Point of View

~
I was waiting alone in our house and Verro hasn't come home yet. Lampas kalahating gabi na at wala pa rin siya.

Sobra na akong nag-aalala sa kaniya na kung napano na siya o kung nasaan na siya.

Kanina ko pa siya tinatawagan ngunit hindi naman siya sumasagot sa mga tawag ko. Sobra na talaga akong nag-aalala sa kaniya.

Bigla akong napatayo ng may tumigil na sasakyan sa mismong tapat ng bahay namin kaya nagmamadali akong lumabas ng bahay para tingnan kung sino iyon.

"Thanks for the ride Aze. Till next time." Parang pinipiga ang puso ko habang nakatingin kay Verro at sa babaeng nginitian niya.

Iminuwestrya ako ng babae dahilan para lumingon sa gawi ko si Verro. Kita ko ang pagka-disgusto sa mukha niya pagkakita sa akin.

"Ingat sa pag-uwi Aze." Sabi ni Verro at nagpaalam sa babae.

Nang makaalis na ang babae ay nakatayo pa rin si Verro doon sa gilid ng daan.

Kahit na pinipiga ang puso ko sa nakita. Naglakas loob pa rin ako na lumapit kay Verro para ayain itong pumasok.

"Hon, pasok na tayo sa loob. Gabi na kasi masyado." Pinipigilan ko ang aking sarili na humikbi dahil sa sobrang sakit na nararamdaman.

"Tss." Iyon lang ang naging reaksyon ni Verro at nilampasan ako tyaka pumasok sa loob ng bahay.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan na akong napaluha.

Even if he keep on treating me like this. I will still love him. And there's nothing can change that.

Pinahid ko ang mga luha sa aking magkabilang pisngi at pumasok na rin ako sa loob ng bahay.

Kakasarado ko pa lang ng pinto ng may humablot na sa akin at hinalikan ako.

Hindi ko na magawang tumutol ng hinigpitan ni Verro ang paghawak sa magkabilang braso ko.

Umungol ako sa sakit dahil sa pagiging marahas niya sa akin. Natigalgal lang ako at hinayaan siyang gawin ang kung ano man ang gusto niyang gawin.

Napaigik nalang ako ng kagatin niya ang ibabang labi ko at marahas akong hinila paakyat sa kwarto naming dalawa.

Natikman ko nalang ang pinaghalong lasa ng dugo at alak sa sarili kong bibig ng paakyat na kami sa kwarto.

Lagi nalang ganito. Sa tuwing nalalasing lang siya nagkakaroon ng lakas na loob na hawakan ako. At puro pasa naman din ang natatanggap ko mula sa kaniya dulot ng pagiging mapusok niya.

Itinapon niya ako sa ibabaw ng kama at nagsimula na siyang maghubad sa harapan ko. Habang ginagawa niya iyon ay nakamasid lang ako sa kaniya.

Sa mga ganitong pagkakataon dapat ay natatakot na ako at nababahala. Dapat tumututol ako sa mga pinaggagagawa niya. Ngunit hindi ko magawa iyon.

Sa ganitong panahon ko lang din kasi siya nahahawakan at nayayakap. At kapag nagmatigas ako hinding-hindi ko siya mararamdaman. Hindi ko maipapramdam sa kaniya ang pagmamahal ko.

Kahit masakit sa akin itong ginagawa niya ay kaya ko iyong lunukin dahil mahal ko siya. Kahit kasuklam-suklam ang ginagawa niya. Kahit na binababoy niya ang katawan ang pagkatao ko kaya ko iyong tanggapin kasi mahal ko siya. Hindi ako mapapagod na mahalin siya.

Love Me Verro Duko Ybañez (COMPLETE) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon