(Naomi's POV)
Hahahahah! Hanggang ngayon di pa rin ako maka get over dun sa sinabi ni Trake kahapon
'What are you staring at? Are you gay?'
'What are you staring at? Are you gay?'
'What are you staring at? Are you gay?'
HAHAHAHAHAHA. Everytime na maaalala ko yun di ko mapigilang matawa. Yung mukha ni Xander epic!
Actually naiinis nga ako kay Trake kahapon pero nawala lahat ng inis ko nung sinabi nya yun!
Napadaan ako sa isang office at narinig kong may nagsisigawan
"Ano toh Xander? Ano tong bali-balitang bading ka?!"sabi ng isang lalaki na kung pagbabasihan ang boses alam kong matanda na. Saka Xander?
"What dad? You actually believed that? Bakit ba hindi nyo ako magawang pagkatiwalaan?"
Wait....Boses ni Xander yun ah. Sya nga
"Fix that attitude of yours Xander. Ikaw ang magmamana ng school na toh. Pero kapag hindi ka nagtino kay Rixx ko na lang ito ibibigay. You always give me headache. Buti na lang talaga at napili ko si Rixx ang mag-handle ng company natin. Bakit hindi mo gayahin ang kapatid mo?! Bakit hindi mo piliting maging kagaya nya na talented?!"
Ay ang harsh naman magsalita ng tatay nya. Kung ako yon masasaktan ako ng bongga
"DAHIL HINDI AKO SYA DAD! Magkaibang tao kami! Magkaiba! Lagi nyo na lang akong kino-compare sa kanya! Dad bakit hindi nyo ako ma-appreciate bilang ako? Anak nyo rin ako!"
Nakita kong lumabas na sya kaya nagtago ako
Napatungo ako at biglang nakaramdam ng guilt
Yung lalaki palang pinagtatawanan ko may ganitong pinagdadaanan .___.
Nakaka-guilty
Nung lunch break na dali-dali akong umuwi. Di naman talaga ako nauwi pag lunch kasi sa school cafeteria ako nakain pero may gagawin kasi ako
Pagkauwi ko nagpahanap agad ako kay Hanah ng information about Xander. Syempre magaling ang babaitang iyon kaya wala pang isang oras marami na akong alam tungkol kay Xander
Si Xander pala simula preschool maraming awards. Laging nasa honor roll. Pero parang wala lang daw yun sa daddy nya kasi ang laging napapansin ng daddy nya ay si Rixx. Kaya ayun, naging loko-loko
Nung hapon dahil hindi na ma-take ng konsensya ko pumunta ako sa office ng daddy ni Xander. Nung una hindi ako pinapasok pero nung sinabi kong about kay Xander pinapasok din naman ako
"So hija. Your name is Noemi Tachibana huh? Your surname sounds familiar... Oh by the way kaya ka ba pumunta dito ay dahil may ginawang masama sayo si Xander? That child never learn. Tsk"sabi nung dad nya at umiling-iling pa
"No sir. Uhm.... Sir.....Ganun po ba kasama ang tingin nyo kay Xander? Na kada may taong pupunta dito dahil kay Xander ay negative na ang ibabalita?" malumanay na pagtatanong ko sa kanya
Ang unfair kasi ang tanong agad ng Dad nito ay kung may nagawa itong masama. Ang bad lang diba?
"Alam mo kasi hija, ganan na yan simula pagkabata. Kaya nga hindi ko sinipot kahit isang pagpapatawag ng teachers nya saki----" Hindi ko na sya pinatapos
"Mawalang galang na sir. Pero lahat ng pagpapatawag ng mga teachers nya sayo ay hindi tungkol sa kalokohan. About yun sa mga achievements nya! Hindi nyo ba alam nya simula pre-school sya ang nangunguna sa klase nya?"

BINABASA MO ANG
My name is Naomi Tachibana
Teen FictionAkala nya ganun-ganun na lang ang buhay nya Mananatili na lang syang dalaga hanggang sa pagtanda nya dahil simula pagkabata hindi sya pinapayagan ng mommy nya na makipag-interact sa mga lalaki. Hanggang sa may nangyayaring hindi inaasahan. Nagkapali...