Chapter 49

111 8 2
                                    


(Naomi's PoV)


2 years later---


Charot! Hahaha. Hindi pa 2 years ang nakakalipas kundi 2 days lang


Nag-outing kaming pamilya nung nakaraang araw since wala na namang pasok. Kahapon naman may simpleng salo-salo kami sa bahay ni Mommy. Kasama din namin si Dad. Mas pagtutuunan nya na raw kami ng pansin


Mukha ngang nagkakaayos na sila ni Mommy eh kasi minsan nalabas sila nang silang dalawa lang

December 22 na ngayon at malapit nang magpasko


Ang plano namin sa Christmas eve ay isang simpleng salo-salo lang. Bumili na nga rin ako ng mga pangregalo sa pamilya ko eh haha. Excited ako kasi first Christmas naming toh na magkakasama

Ilang buwan lang ang nakalipas mula nang maaksidente ako pero ang dami nang nangyari. Dumaan sa point na nakidnap kami at nasaktan pero heto kami lumalaban pa rin


Hindi pa din alam ni Xander ang totoo. Kaya heto ako ngayon makikipagkita sa kanya

Sana hindi sya magalit

Pero hindi ko naman sya masisi kung magalit sya. Yung mga taong nanakit sa damdamin nya iisa lang pala


Nakareceive ako ng text message. Galing pala kay Xander


From: Xander

Nandito ako sa tapat ng Jollibee. Kita na lang tayo ;)


Makakausap mo pa kaya ako ng ganyan kapag nalaman mo na ang totoo?

Pumunta na ako sa lugar na sinabi ni Xander at nakita ko naman syang nakatayo dun. Agad syang kumaway sakin at ngumiti nang makita ako

Lumapit ako sa kanya at nginitian din sya


"Hello. Kamusta?"tanong ko sa kanya


"Ayos naman. Tara sa loob"sagot nya at niyaya ako sa loob ng Jollibee

Sumunod naman ako at huminga nang malalim. Kaya mo toh Naomi!


Sya na ang um-order para samin at ako naman ay humanap na ng table

Maya-maya lang rin dumating na sya pero hindi ako kumain


"Bakit ayaw mong kumain? May sakit ka ba?"

Umiling ako at nginitian sya


"May kailangan akong sabihin sayo"seryoso kong sabi at nakikinig naman sya

Huminga ako ng malalim at tinignan sya ng diretso sa mata


"Yung Noemi na nakasama mo noon...At yung Naomi na nakakasama mo ngayon, iisa lang sila"


Pagkasabi ko noon nakatingin lang sya sakin. Tapos maya-maya ngumiti sya

o___O

My name is Naomi TachibanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon