Chapter 35- Selena Anderson

162 9 9
                                    



(Naomi's PoV)


"Bye Xander! Ingat pauwi! Baka maaksidente ka hindi ka sa langit mapupunta kasi cheater ka!"pangloloko ko sa kanya


Nasa parking lot na kami at magkatabi lang pala ang pinagparking-an namin

Naisip ko paano kaya nakauwi si Clarisse eh wala yung sasakyan. Siguro nagcommute


"Hahaha. Ingat ka din!"sabi nya at pumasok na sa kotse nya saka nag-drive paalis


Buti na lang close na kami...ulit

Pumasok na rin ako at inayos ang pinamili ko.


Nag-drive na ako pauwi

------------------


Ugh! Traffic!

Nakakabadtrip naman oh!


Tinap-tap ko na lang yung manibela dahil kanina pa ako bored

Isang oras na ako dito oh! 4:00 na nung naka-alis kami ng mall


Nawili kasi kakalaro at hindi ko namalayan na hapon na pala

5:00 na ngayon at kanina pa ako bored


Napatingin ako sa right side ko wich is sidewalk at nakita ko may isang babae at lalaking nagtatalo

Dahil isa akong malaking usisera bumaba ako. Hindi pa naman nausad yung mga sasakyan eh


"Mister! I didn't really mean it okay?!"-Babaeng medyo may edad na pero mukhang mayaman at kagagaling lang sa ibang bansa


"Bayaran mo na lang ang cellphone ko kung ganun"-Yung mama na may hawak na sirang cellphone


"But I don't have a cash. My husband's out there and I only have my cards with me"-yung babae


"Wag mo akong english-in! Bayaran mo to kung ayaw mong masaktan!"-sabi nung mama at umambang sasaktan yung babae


Sobra na yan ah

Napapikit na lang yung babae


Lumapit ako sa kanila at nilabas ang wallet ko

Kumuha ako ng 15k at inabot iyon dun sa mama


"Ayan ang pera! Leave her alone or I will sue you!"sabi ko dun sa mama

Hindi nya pinansin ang perang inaabot ko at tinignan lang ako


"At sino ka naman? Pakialamera. Umalis ka dito dahil hindi ka naman kasali!"sabi nya


Aba't! Masisipa ko to eh


"I'm her daughter! Now here's the money, I'm sure sobra pa yan!"

My name is Naomi TachibanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon