Chapter 10- Trake's Attitude

207 11 0
                                    




           

(Naomi's POV)

Wooooohhhhhhh

Kakagaling ko lang ng school. Kala ko nga hindi na ako makakauwi eh

Ikaw ba naman mag stay sa detention room buong klase nyo ng hapon? Buti nga pinauwi pa ako eh

Muntik ko pa ngang matapakan yung tae dun sa kalsada. Buti na lang nakita ko >___<

Tapos hindi pa ako sinundo ni Terrence may practice daw sila ng basketball

Poor me!

Pagdating ko sa bahay dumiretso ako sa kwarto ko at binaba ko agad yung gamit ko

Wait lang....... Hindi ko na napapansin ngayon si Trake ah

Bat parang hindi yun napunta dito? Bumaba na ako at pumunta sa sala.

Naabutan ko doon si Kuya Drei at Kuya Grey na may pinapanood sa laptop nila

Sinilip ko sila at ginulat

"Ano yan ha?! PORN?! Oh my god  susumbong ko kayo kay Mama!!!"sigaw  ko at nagulat naman sila

"Sira! Anong Porn ka dyan. Basketball yan oh!"-Kuya Drei

Hahhahaha. Defensive

"Jokie jokie!!"sabi ko at binelatan sila

Nakipaghabulan naman sila sakin at nung mapagod kami umupo na kami

"Hahaha. Hiningal ako doon"-Kuya Grey

"Gurang ka na kasi!!"sabay naming sabi ni Kuya Drei

"Ah ganon pinagtutulungan nyo na ako ngayon"pagmamaktol ni Kuya Grey at nag pout pa

Haha. Parang bata

"Ah! Nga pala, nasan si Trake ba't parang hindi ko nakikita?"tanong ko

"Ah yun ba? Andun nabubulok na sa condo nya--Hehe joke. Ganun talaga yun. Mas gusto nun ang mag isa lalo na kapag may problema. May sayad yata yung pinsan kong yun eh"-Kuya Drei

"Kaya nga bampira tawag dun eh. Ayaw lumabas ng bahay"- Kuya Grey

eh? Ganun pala si Trake. Siguro nga ganun talaga ang ugali nya

"Pero kasi iba naman ang pinakita nya sakin nung kararating nya lang dito ah"-ako

"Ah yun ba? Nagtataka nga rin ako eh. Cold kasi yung tao. Alam mo na kakaiba yun para samin kasi once a year lang yata yun ngumiti"-Kuya Drei

Ganun ba? Kaya pala

So ayun nga napagdesisyonan kong ipa-background check si Trake

Curious lang ako. Paano ko sya napabackground check? Kay Hanah at ang gaga sinisingil ako ng sampung libo

Napag-alaman ko na ganun nga pala yon. Si Trake daw kahit sa America ganun na ang ugali, cold at malayo sa tao.

Hindi ko alam pero bigla akong naawa sa kanya

Humiga na lang ako sa kama ko--este ni Noemi

Feeling ko habang nagtatagal ako dito mas nagiging aware ako sa outside world. Na bukod sakin marami pang tao ang may problema. Na hindi dapat sarili ko lang ang iniisip ko

Mrami akong mga bagay na nadidiskubre ngayon na hindi ko alam nung na kay mommy pa ako

Bumaba lang ako nang gabing yon para kumain at pagkatapos non ay natulog na ako

My name is Naomi TachibanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon