Chapter 39

170 13 9
                                    


(Noemi's PoV)


"Sa ilalim ng tulay! Bilis! Ililigaw ko sila"sabi ni ate at akamang tatakbo na kaya hinawakan ko ang kamay nya


Hindi pwede! Mapapahamak sya!


"Pero ate--"hindi nya ako pinatapos magsalita


"Gawin mo toh para sakin. Clarisse, ikaw na ang bahala sa kanya"


Tumango naman si Clarisse at tumakbo na si Ate patawid nung tulay


Nagtago kami ni Clarisse sa ilalim ng tulay


Napaiyak na lang ako. Hindi ko alam ang gagawin ko

Kailangan naming mailigtas si ate


Tinakpan ko ang bibig ko para walang kumawalang mga hikbi

Si ate! Mapapahamak sya


Kaya ako napunta dito sa lugar na yon ay dahil sa text message na galing kay mommy

Sabi umuwi daw ako sa bahay dahil susukatan daw kami ng gown


Pero nung palabas na ako ng school bigla na lang may humampas sakin at paggising ko nandito na ako at nakatali

Tapos maya-maya lang din may dumating na mga lalaki at nakita kong dala nila si ate Naomi


Ngayon naman kasama ko na si Clarisse at si ate naman ay nagsakripisyo para maging ligtas kami


Kumirot ang sugat ko sa pisngi kaya napatungo na lang ako

Napaiyak na lang ulit ako


Eto lang naman ang alam kong gawin eh, ang umiyak. Kasi nga mahina ako


Ilang minuto pa at narinig namin ang tunog ng makina sa ibabaw ng tulay.


Nagsimula na akong kabahan para kay Ate

Sana ayos lang sya


Mga ilang minuto pa at narinig ulit namin yung sasakyan

Sumilip si Clarisse at bumalik sya sakin nang may malungkot na mukha


"Tara na Noemi. Nakuha nila si Naomi. Malapit na tayo sa bayan ng *toot*"sabi ni Clarisse sakin at umakyat na kami sa tulay


Nang makaakyat kami ay tumakbo na kami patungo sa kabilang direksyon

Ate, sana ayos ka lang



=======


Nandito kami ngayon sa isang bayan. Marami nang tao dito kaya marami na kaming mahihingan ng tulong


My name is Naomi TachibanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon