Walang title ang chapter na toh >__<
(Naomi's PoV)
Dito matutulog sila Mama ngayon. Si Xander at Liam umuwi na kaya ang nandito na lang ay sila Trake, Terrence, Kuya Grey at Kuya Drei
Magkatabi kami ni Noemi at pinapakita ko sa kanya yung mga photoalbum ko sa kwarto na hindi nya pa nakikita
Nasa kwarto kami ngayon at sila Mama naman nasa baba
"Eto nung first time kong makalabas ng walang bodyguard na kasama pero wala namang katao-tao dahil pinaalis ni mommy"pagk-kwento ko
"Talaga? Grabe si mommy over-protective"sabi ni Noemi kaya tumawa na lang ako
Nag-kwento pa ako sa kanya at tawa na lang kami nang tawa
Maya-maya lang din pinatawag na kami sa baba para kumain
Kakwentuhan ni Mommy si Trake
Ano?! Kakwentuhan ni Mommy?!
Kailan pa sila naging close? Hmm. Hayaan na!
Naghapunan na kami at ang hapunan namin ay puno ng tawanan dahil kay Kuya Grey at Kuya Drei
Puro kasi asaran
Pinaligpit na namin yung mga pinagkainan namin sa mga katulong
Lahat kami nasa sala lang
Si Noemi tinitignan pa rin yung mga pictures
Si Kuya Drey at Kuya Grey naglalaro ng playstation
Si Mama at Mommy nagk-kwentuhan
Si Trake at Terrence nagche-chess
Ako? Nasa sofa pinapanood si Trake at Terrence na mag-chess
"Ano ba yan. Panalo ka na naman Trake"sabi ni Terrence
Hindi talaga magalang ang batang toh. Wala man lang kuya
Pinagpatuloy ko ang panonood at si Terrence wala man lang naipanalo
Grabe ang galing pala ni Trake dito
"Wow! Ang galing mo pala dyan Trake"nasabi ko bigla
Ano ba yan! FC naman ako
"Ah, hindi naman"sabi nya nang hindi nakatingin sakin
![](https://img.wattpad.com/cover/162635475-288-k644115.jpg)
BINABASA MO ANG
My name is Naomi Tachibana
Teen FictionAkala nya ganun-ganun na lang ang buhay nya Mananatili na lang syang dalaga hanggang sa pagtanda nya dahil simula pagkabata hindi sya pinapayagan ng mommy nya na makipag-interact sa mga lalaki. Hanggang sa may nangyayaring hindi inaasahan. Nagkapali...