Chapter 42- Confession

174 11 16
                                    



(Naomi's PoV)

"Bakla bilisan mo late na tayo!"

Isa't kalahating linggo na ang nakalipas at na-discharge na ako

Simula rin ng araw na yun hindi ko pa nakikita si Trake. Hindi na sya dumalaw sakin. Tsaka hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko kapag nagkita kami eh

Aamin na ba ako? Ayoko nga! Nakakahiya mamaya naga-assume lang ako na parehas kami ng nararamdaman

Sa ngayon nasa school na kami ni Liam at eto natakbo. Magaling na yung sugat ko pero sabi nung doctor wag daw akong tumakbo. Pero pasaway ako eh!

Niligon ko si Liam na sobrang bagal tumakbo

"Hoy! Late na tayo wag ka nang rumampa dyan!"sigaw ko sa kanya at inirapan nya lang ako

Sinundo kasi ako ni Liam samin eh na-traffic kaya eto, natakbo kami papunta sa kanya-kanya naming classroom
Hindi daw muna ako pwedeng mag-drive ng sariling kotse dahil baka maaksidente kami

Una naming nadaanan yung classroom ni Liam kaya ayun nagpaalam na ako sa kanya

Nakita ko na yung building kung saan naandon ang classroom ko. Aakyat na sana ako pero may napansin ako sa gilid nun

Si Trake at may kasama syang babae. Nakayakap pa sa kanya ah
Yung babae na kasama nya noon na kung makatingin eh kala lalamunin ako
(A/N: Yung babae po dun sa chapter 19)

Tignan nyo yan! Tignan nyo yang lalaking yan! Nung isang linggo lang kami yung magkasama at hinalikan nya pa ako pero ngayon meron na agad syang iba!

Badtrip! Babaero kang panget ka!

Sa sobrang badtrip ko umakyat na ako at nung nandun na ako sa second floor naghulog ako ng coke in can na nakita ko lang dun sa hagdan

"Ouch!"rinig kong tili nung babae

Buti nga sayo. Pumasok na ako sa classroom ko at humingin ng paumanhin dun sa teacher dahil late ako. Nginitian nya lang ako kaya ayun umupo na ako

Hindi pa rin mawala sa isip ko yung nakita ko kanina. Bwisit na Trake yan!

Anyway o Anyways wala akong paki kung mali ang grammar =___=

Gusto nyo ng update kay Rex?
Ayun nasa mental na ang g*go

May sayad na pala sa utak kaya nagkaganon

Si Noemi? Ayun okay naman
Si Liam? Bakla pa rin (Ang harsh ko = u =)

Si Xander, Hindi ko alam kung bakit pero parang iniiwasan nya ako
At ayun si Trake, nambababae!

Buong klase hindi ko nakinig. Badtrip kasi yang Trake na yan!

=====

*tingin sa ground* Clear!
*tingin sa covered court* Clear!

*tingin sa mga classroom* Clear din!
*Tingin sa tabi ko* No signs of Trake

The coast is clear kaya lumabas na ako sa likod ng halaman na pinagtataguan ko

"Yung totoo Naomi, nakahithit ka ba ng katol?"tanong ni Liam na nasa likod ko at pinapanood lang ako sa kabaliwang ginagawa ko

Naiinis kasi ako kay Trake at ayaw kong makita nya ako.
Ayaw ko rin syang makita!

Maba-badtrip lang ako!

"Hindi, may iniiwasan lang ako"sabi ko at tinanggal yung mga dahon-dahon na kumapit sakin dahil sa pagtatago ko sa likod ng halaman

Mamamantsahan pa ang peppa pig kong T-shirt
Oo yung peppa pig ang suot ko. Yun pala yung pinadala ni Noemi sakin nung araw ng birthday namin

Kaya eto sinuot ko. Pinagtitinginan nga ako ng ibang estudyante eh. Kesyo anong nangyari sakin? Nasan na yung cool na Naomi

I dont care kaya hindi ko na lang sila pinansin
Hindi lang talaga nila kilala ang tunay na Naomi

"Nga pala Liam, si Xander nakita mo ba? Feeling ko kasi iniiwasan nya ako eh"tanong ko

Miss ko na si Xander

"Oo. Nandun sya sa garden at mukhang malalim ang iniisip. Lakad na kausapin mo"

Nagse-senti? Puntahan ko na nga lang. Siguro tatanungin ko na lang din sya kung bakit nya nagkakaganun

"Okay, puntahan ko lang sya ha?"paalam ko kay Liam at tumango lang sya

Naglakad na ako papunta sa garden


======

(Xander's PoV)

Dalawang beses!

Dalawang beses na akong nasaktan
At talaga yung kambal pa ang nakapagparamdam sakin ng ganito

F*ck! Ang saya naman ng buhay na toh!

Nung una si Noemi tapos ngayon si Naomi?
Bwisit!

Sinipa ko yung batong nasa paanan ko at kitang kita ko kung gaano kalayo ang narating nun

Siguro malas lang talaga ako sa babae

(Flashback)

Kakagaling ko lang sa party ni Noemi. Since wala si Naomi doon wala na akong ie-escort
Ang naging escort ni Noemi ay si Drei

Si Trake kasi hindi malaman kung saan nagsuot

Nasa kotse ako at nagd-drive papunta sa ospital kung saan nagpapagaling si Naomi
Tinignan ko ang paper bag na nasa backseat

Napangiti ako. Hindi ko alam pero yung naramdaman ko noon kay Noemi kay Naomi ko na nararamdaman

Ang gaan ng loob ko sa kanya at masaya ako pag kasama sya

Binilisan ko na ang pag-drive at ilang minuto lang din nasa parking lot na ako

Bumaba na ako at kinuha yung regalo ko kay Naomi
Sumakay na ako sa elevator since nasa pinakamataas na floor ang kwarto ni Naomi

Naglakad na ako papunta sa room nya at nakita kong nakasarado iyon. Kakatok na sana ako nang may marinig akong nagsasalita

"Sagutin mo ang tanong ko, bakit ka nandito?"

Panigurado si Naomi yun. Sinong kausap nya?

"Sabi ni Noemi puntahan kita dito"sabi naman ng isang lalaki

Si Trake pala
Nakinig na lang ako sa kanila at hindi na muna kumatok

"At isa pa gusto ko rin naman"dugtong pa ni Trake

Teka...Don't tell me gusto nya si Naomi?
May Noemi na sya ah!

Halata naman sa kanya na gusto nya si Noemi eh. Kung maka-bakod halatang-halata

"S-Salamat ulit"narinig kong sabi ni Naomi

Kakatok na sana ako pero napatigil ako sa sunod na itinanong ni Trake

"Do you like Xander?"

Gusto nga ba ako ni Naomi? I mean...Komportable sya sakin

Gustong gusto kong malaman ang sagot sa tanong na yan

"Oo"
Para akong nabuhayan sa sinagot ni Naomi pero may kadugong pa pala yun
"Bilang kaibigan"

Kaibigan

Yun lang ang tingin nya sakin

"I thought you like him...In a romantic way"-Trake

Narinig ko ang tawa ni Naomi na lalong nagpadurog sa puso ko

"Hindi ah. Para sakin siguro isa na sya sa mga itinuturing kong kapatid. Tsaka isa pa may tao na akong nagugustuhan"

That's enough

I've had enough so I walk away from that place

Nung nasa parking lot na ako itinapon ko yung paper bag sa trash can
Peo makailang hakbang pa lang ako nakakalayo binalikan ko iyon

Bakit hindi kita matiis Naomi?

Kinuha ko yung paper bag. Ang laman non ay isang stuff toy. Katulag nung ibinigay nya sakin noon pero ang isang toh pangbabae

Tumingin ulit ako sa building bago ako pumasok sa kotse at nag-drive palayo

Nasaktan na naman ako

(end of Flashback)

Ang saya lang diba? Kambal pa yung nakapanakit sayo

Nung una, si Noemi ang nagustuhan ko
Simula nung sinamahan nya ako sa lugar na toh at nakita ko syang umiyak nagkagusto na ako sa kanya

Pero nung bumalik ang alaala nya umiwas na sya sakin

Tapos ngayon si Naomi

Akala ko sa kanya may pag-asa ako pero wala pala
Kaibigan

Yan lang ang tingin sakin ni Naomi


"Xander!"

Bigla akong nanigas nang marinig ang boses na yun
Kanina iniisip ko lang sya pero ngayon nandito na

"Anong ginagawa mo dito?"tanong nya at umupo sa tabi ko

Agad akong tumayo kaya sya tumingin sakin

"May gagawin pa ako"sabi ko at naglakad na palayo

Pero napatigil ako nang magsalita sya

"Bakit?"

Nilingon sya at nakita kong seryoso syang nakatingin sakin

"Bakit mo ako iniiwasan Xander?"

Tumingin ako sa ibang direksyon at sinagot sya

"Hindi kita iniiwasan. Busy lang ako"sagot ng hindi nakatingin sa kanya

"You're lying! Sabihin mo na kasi yung dahilan kung bakit mo ako iniiwasan!"

Hindi ko na nakontrol ang sarili ko at nasigawan sya

"Gusto mong malaman ang dahilan? Its because I like you!"

Nagulat naman sya sa sinabi ko. Maski ako ay nagulat din sa lumabas sa bibig ko

"N-Nagbibiro ka lang diba?"tanong nya

Biro lang para sa kanya ang nararamdaman ko

"Seryoso ako Naomi. Pero alam ko namang hindi ako ang gusto mo. You like someone else right?"mahinahon kong tugon

"Sino sya Naomi?"dugtong ko

Nakita kong nakatingin lang sya sa likod ko kaya lumingon ako at nakita ko sa di-kalayuan si Trake na kasama si Liam

I see
Si Trake pala

Imposible namang si Liam ang tinitignan ni Naomi dahil bakla ang isang yun

Hindi kami napansin nung dalawa na umalis na kaya nilingon ko si Naomi na nakatungo na ngayon

"Kilala ko na kung sino"

Nilapitan ko si Naomi at niyakap

"Basta kapag sinaktan ka nya, nandito lang ako"bulong ko at mas hinigpitan ang yakap sa kanya

Nagpaparaya na ako

"Salamat Xander"sabi nya at niyakap rin ako

Naghiwalay lang kami sa yakap nang mag-ring ang phone nya

Nagpaalam na sya dahil hinahanap na daw sya ni Liam at sabay silang maglu-lunch
Nginitian ko na lang sya at pinat yung ulo nya

"Magiingat ka"sabi ko at tumango naman sya bago umalis

Nung panahon na na-kidnap sya. Halos mabaliw ako. Hindi ko alam ang gagawin ko
Nung panahon na nakita kong buhat-buhat sya ni Trake na duguan

Natakot ako at nainis

Natakot na baka mawala sya
At nainis dahil hindi ako ang nakapgligtas sa kanya

Gusto nya si Trake. Kitang-kita ko yun sa mga mata nya
Ayos lang na masaktan ako. Basta masaya sya


========

A/N: Hello po!

Kawawa naman si Xander! Ang sama ko kasi = u =
Salamat po sa pagbabasa, pagvo-vote at pagco-comment

My name is Naomi TachibanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon