Chapter 41- Happy Birthday Naomi

158 10 3
                                    





A/N: Hello po! Nagkamali nga po pala ako ng type dun sa previous chapter. Yung dun po sa part na dinalaw ni Liam si Naomi. Masyado nang maraming laman ang utak ko eh nalilito na. Haha peace! Ie-edit ko na lang poh! ^__^V Tsaka hindi ko na rin po ibo-bold yung mga usapan. Nahihirapan po ako eh

(Naomi's PoV)

Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang mainit na sinag ng araw galing sa bintana na tumatama sa balat ko. Minulat ko ang mga mata ko

Umaga na pala

Dahan-dahan akong bumangon at umupo

Tumingin ulit ako sa bintana at may nakita akong pigura ng isang lalaki doon. Medyo malabo pa ang paningin ko eh

"Gising ka na pala"sabi nung lalaki nung humarap sya sakin

Unti-unti syang lumapit sakin at saka ko lang sya nakilala

"Trake, bakit nandito ka pa?"tanong ko

Hindi nya ako sinagot at umupo lang sa tabi ko. Kinuha nya yung isang apple dun sa basket at kutsilyo sa table na katabi ng kama ko saka binalatan iyon

Pinanood ko lang syang gawin yon dahil hindi nya rin naman sasagutin ang mga tanong ko

Ibinigay nya sakin yug mansanas matapos nyang balatan at hiwain

Nag-alinlangan ako nung una pero tinanggap ko na rin. Sayang effort nya eh

"Kamusta na ang mga sugat mo?"biglaang tanong nya

Kumain ako ng isang hiwa ng apple bago ako nagsalita

"Ayos na naman. Masakit kapag nadadali. Pero okay naman na ang pakiramdam ko"sagot ko at kumain ulit

Actually hindi pa rin talaga malinaw sakin ang lahat eh. Hindi ko maalala kung sino yung nagligtas sakin. Basta ang alam ko lalaki yun. Baka si Trake? O si Xander? O kaya bodyguard ni mommy

Ewan

Pinanood lang ako ni Trake ubusin yung mansanas at hindi na sya nagsalita. Tahimik talaga syang tao

"Salamat nga pala Trake. Sa apple"pagpapasalamat ko at nginitian sya

Pero nakatingin lang sya sakin at hindi nagsasalita. Nailang ako kaya tinry kong mag-open up ng topic

"Sya nga pala Tr---"hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang syang lumapit sakin

As in sobrang lapit. 2 inch na lang ang layo ng mukha nya sakin

Naramdaman ko ang biglaang pag-init ng pisngi ko

Bakit ba kasi sya ganito kumilos?

"Ano bang ginawa mo sakin Naomi?"bulong nya

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin non pero ramdam na ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko

"H-Ha?"

Wala talaga akong alam sa sinasabi nya

"Hindi ikaw si Noemi. Hinding-hindi ka magiging si Noemi. Pero bakit? Bakit ko nararamdaman toh?"pagpapatuloy nya

Hindi talaga ako si Noemi dahil ako si Naomi!

Lumayo sya sakin kaya nakahinga ako ng maluwag. Tinignan nya ulit ako at biglaan na lang lumabas

That was weird

Anong nangyari dun?

Bigla naman ay pumasok si Mommy

My name is Naomi TachibanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon