(Naomi's PoV)
Naiinis ako sa sarili ko
Nasasaktan ko na pala si Xander
Masyado akong manhid
Tapos ang bait-bait nya pa. Lalo akong nako-konsensya
Naglalakad na ako ngayon papuntang cafeteria
Nandun daw si Liam eh
Sana lang hindi nya kasama yung Trake na yun
Nang makarating ako sa cafeteria nakita ko na si Liam na nakaupong mag-isa sa isang table at nagce-cellphone
Tapos sa di-kalayuan may grupo ng mga kababaihan na pini-picturan sya
Napatawa ako
Ganun pa rin kasi ang set-up. Nilalabas lang ni Liam ang tunay na sya kapag kasama kami pero kapag kaharap ang iba nag-aaktong lalaki sya
Minsan nga lang hindi maiawasan yung tono ng pananalita nya
Pero gwapo talaga si Liam. Sayang nga eh bading lang
Pero alam ko namang may makakapagpa-straight dyan eh
Umupo na ako sa tapat ni Liam at napatingin sya sakin saka ako nginitian
Napatingin naman ako dun sa mga babae na kanina ay pinipicturan sya
Ang sama ng tingin nila sakin
Hahahaha
Kung alam nila!
"Grabe tignan mo yung mga fans mo kakainin na yata ako kung makatingin"sabi ko sa kanya at kinuha yung isang plato a may lamang kanin at fried chicken
"Eww! As in eww Naomi. Hindi ko sila fans noh! Gross!"pabulong nyang sabi at inabot sakin ang isang tasa na may lamang soup
I mouthed my 'thank you' to him at nagsimula nang kumain
"Ano? Nakapag-usap na kayo ni Xander?"tanong nya
Nakaramdam na naman ako ng guilt
"Oo, actually, umamin sya sakin"sagot ko at uminom ng tubig
"Oh, eh anong ginawa mo?"tanong nya ulit at uminom ng strawberry juice
"Alam nya na pala na may iba na akong nagugustuhan"sagot ko naman ulit at nagbuntong hininga
"Alam nya na si Fafa Trake ang gusto mo?"
Tumango ako sa sinabi ni Liam
At agad napatingin sa kanya nang ma-realize kung ano ang sinabi nya
"A-alam mo?! Paano mo nalaman?!"nagpa-panic kong tanong
"Obvious na obvious ka kaya! Sadyang manhid lang yung lalaking yun"
Eh? Halata ba talaga ako?
Magtatanong pa sana ako kay Liam kaya lang nag-ring na ang bell kaya tumayo na ako at nagpaalam kay Liam
Habang naglalakad ako papunta sa room ko nakasalubong ko si Rixx
Kailan ko nga ba huling nakita ang isang toh?
Para syang mushroom
Lulubog-Lilitaw
"Yo!"bati nya pagkalapit sakin
Tinanguan ko naman sya
"Kamusta ka na? Tagal na nung huli kitang nakita ah. Kailan nga ulit yun?"-sya
Kailan ko nga ba sya huling nakita? Ah! Dun sa Festival! Yung sya dapat ang magpapakasal sakin
"I think huli tayong nagkita dun sa festival. Ikaw kasi may pakasal-kasal ka pang nalalaman!"ako
Bigla naman syang ngumiti. Yung ngiting tagumpay na ipinagtaka ko
"Hahaha. Naomi Tachibana. Nahulog ka sa bitag ko!"biglang sabi nya
Na-realize ko kung ano ang sinabi ko kani-kanina lang
"I think huli tayong nagkita dun sa festival. Ikaw kasi may pakasal-kasal ka pang nalalaman!"
"I think huli tayong nagkita dun sa festival. Ikaw kasi may pakasal-kasal ka pang nalalaman!"
"I think huli tayong nagkita dun sa festival. Ikaw kasi may pakasal-kasal ka pang nalalaman!"
"Ang alam ko kasi, si NOEMI ang kasama ko noon. Hindi si NAOMI, hindi ikaw. So how come alam mo yun eh never pa tayong nag-meet. Its weird right? Sigurado ako na ikaw si Naomi kaya wag ka nang mag-deny"sabi nya habang lumalapit sakin
"Sabihin mo nga, yung Noemi na kasama namin noon, ikaw yun tama?"
Tumungo lang ako at sya naman patuloy pa rin sa paglapit
Pinigilan ko sya
"Secret lang yung nalaman mo please? Please lang!"pagmamakaawa ko
Masaya na ang pamilya namin ngayon at ayaw kong masira yun dahil sa sikreto na yun
"Okay. Madali naman akong pakiusapan. Basta ba ilalakad mo ako dun sa bestfriend mo"
Bestfriend?
"Si Clarisse?"tanong ko at nahihiya naman syang tumango
Hahaha! Tinamaan pala ang isang toh kay Clarisse eh
Pero mukhang hindi naman mahirap ang pinapagawa nya eh. Matangkad sya, hmm gwapo, maputi. Ganyan ang mga type ni Clarisse
"Hmmm. Sige payag na ako"sabi ko at bigla namang umaliwalas ang mukha nya
Bigla ako may naalala
May itatanong nga pala ako sa kolokoy na toh
"Nga pala, magka ano-ano kayo ni Trake? Kasi nung nasa festival tayo tinawag ka nyang pre eh"
"Naging magka-klase kami nung elementary. Sa America"sagot nya
Hmm. Okay. Ganun pala
Nagpaalam na ako sa kanya iniwan ko na sya dun
Naglakad na ulit ako papunta sa room namin
Ano ba yan. May nakaalam na ng sikreto namin
Pagakyat ko sa second floor nakita ko si Trake na nagaantay sa harap ng room namin
Mukha pa syang nagulat nang makita ako peero umiling-iling sya at naging seryoso ulit ng mukha
"Mag-usap tayo"sabi nya agad sakin at naglakad na
Bakit ganun? Dapat galit ako sa kanya pero eto ako, sinusundan sya patungo sa kung saan
Ang gulo ko noh? =__=
Tumigil sya un sa tabi ng storage room kaya tumigil din ako
"Naomi iniiwasan mo ba ako?"tanong nya sakin habang nakatalikod
Oo! Oo iniiwasan kita kasi malandi ka!
Yan dapat ang isasagot ko pero may self-control pa naman ako
"Bakit mo naman nasabi yan?"tanong ko
Humarap sya sakin at nakita ko na naman ang seryoso nyang tingin. Seriously, kinakabahan ako
"Naomi, about the kiss....."
Wag kang magso-sorry kundi sisipain kita!"It's just a mistake. A big mistake. I like...yo-your sister. I like Noemi"dagdag nya pa
Masakit
Ganito siguro yung naramdaman ni Xander nung nalaman nyang may iba akong gustoTrake
Kaya pala. Yung sweetness na ipinakita nya sakin, I mean kay Noemi, may meaning. Nung time na nagpapanggap akong Noemi, lahat ng ipinakita nya, para talaga kay Noemi
"Kailan mo pa sya nagustuhan?"tanong koNaga-assume ako. Inaamin ko
Nagassume ako na baka nagkagusto lang sya kay Noemi nung time na ako yung nasa katayuan nyaNa baka kapag na-meet nya ako, makikita nya yung Noeming yun sakin
But I was wrong
"Dati pa. Simula nung una ko syang makita sa bus"diretso nyang sagot
This is a complete example of EXPECTATION vs. REALITY
"Okay. I'll go then. May gagawin pa ako"sabi ko habang pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang bumagsak
Bumuntong hininga ako at pinakalma ang sarili ko. Tumalikod na ako para umalis pero pinigilan nya ako
"Wait, I have one more question to ask you"
Tumingin ako sa kanya at inantay syang magsalita
"Bakit mo suot yang T-shirt ni Noemi?"
Huh? T-shirt?
Etong Peppa pig? Eh akin kaya toh!
"Akin toh noh! Bigay toh sakin ni Yaya nung highschool ako. Oh sya! Late na ako kala ko naman kung anong itatanong mo"sabi ko at umalis na talaga
Ang gulo nun noh?
Hindi na ako demiresto sa klase ko. Wala namang kwenta yun eh
Nagpunta na lang ako sa garden na tambayan namin ni Pareng Xander
Ang malas ko naman
Minsan na nga lang magkagusto nagkaganito pa. Gusto nga lang ba?
May isang paro-paro ang lumapit sakin kaya itinaas ko ang index finger ko at dumapo naman ito doon
"Hi butterfly. Buti ka pa ang sarap ng buhay mo. Ako ang gulo"pagkausap ko sa kanya
As if naman sasagot yun diba?
Nakarinig ako ng mga yabag sa likod ko at bigla namang lumipad yung paro-pro kaya nilingon ko kung sino yun
Nadatnan ko si Liam na seryosong nakatingin sakin
"Bakla! Binugaw mo yung paro-paro"
Nagulat ako nang bigla na lang syang naupo sa tabi ko at niyakap ako
"You can cry now Naomi. Nandito lang ako, kami, para sayo. Wag ka nang magkunwari bruha"
Pagkasabing-pagkasabi ni Liam ng mga salitang yun automatikong nagbagsakan ang mga luha ko
"Bakla, gusto nya si Noemi"sabi ko habang tahimik na umiiyak
"Assuming kasi ako. Feelingera. Feeling maganda. Hindi nya naman pala ako gusto nilandi-landi pa ako. Napakalandi talaga ng taong yun"paglalabas ko ng hinanakit
"Oks lang yan! Marami pang iba dyan"
Humiwalay ako sa yakap nya at sumigaw"Hindi mo naiintindihan bakla eh! Mahal ko sya eh!"
Bigla kong natakpan ang sariling bibig sa mga salitang lumabas mula doon
"Mahirap nga yan. Mahal mo na nga"sabi ni Liam na umiiling-iling
Pinakalma ko ang sarili ko at pinahidan ang mga luha
"Mahal ko na nga sya Liam"
======
A/N: Ngayon lang po ulit ang ud. Busy po eh
Pagkatapos po ng story na toh may ipu-publish akong bago
Yun nga lang po namimili pa po ako kung ano doon. Mahirap pong pagsabay-sabayin eh
Maggie –action po sya na may kasamang romance
Brain of the Seclerial Gang- connected po sa Maggie
The Warrior of the Lower Class- Fantasy po
I gave him the nickname 'Adi'- short story po ni Noemi. Mga limang Chapters lang po
Dear Warren –tragic love story
Yan po. Hahaha. Ang dami pero hindi ako sure kung kaya kong i-publish lahat. Mahirap mag-type hihihiSalamat sa pagbabasa ng story na toh. Salamat almat din sa pag-follow sakin
Salamat sa pagvo-vote at pagco-commentMahal ko kayo

BINABASA MO ANG
My name is Naomi Tachibana
Novela JuvenilAkala nya ganun-ganun na lang ang buhay nya Mananatili na lang syang dalaga hanggang sa pagtanda nya dahil simula pagkabata hindi sya pinapayagan ng mommy nya na makipag-interact sa mga lalaki. Hanggang sa may nangyayaring hindi inaasahan. Nagkapali...