Chapter 27- Missing them

163 9 47
                                    


(Naomi's PoV)


"Naomi naman ehhhhh!!!!"-Clarisse


Psh. Ang ingay nya talaga.

But I can see that she's sincere about being friends with me---or should I say Noemi. So...I'll acknowledge her


"What?"


"Samahan mo na ako sa concert ng Seventeen! Dati naman ayos tayo pagdating sa k-pop ah. Bakit ngayon ayaw mo na! Bilis na! Dalawa yung binili kong ticket kasi para sayo talaga yung isa! Samahan mo na ako! Makikita natin don si Hoshi! Tsaka si Mingyu. Pati si---"


Hindi ko na sya pinatapos dahil hindi ko naman kilala kung sino yung mga pinagsasasabi nya


"Shut up. Fine. Sasama na ako basta tumahimik ka lang"sabi ko at niyakap nya naman ako


"Wiiiiiiiihhhhhhhh. Mahal na mahal mo talaga ako noh? Hindi mo ako matiis eh! = u ="-sya


Um-Oo na lang tayo =___=


Tatlong araw na rin ang nakalipas simula nung maka-usap ko sa phone si Liam. Bored na bored nga ako eh pero kahit papano nae-enjoy ko naman ang presence ni Clarisse


Pinakiusapan ko na rin si Noemi na pakitunguhan ng maayos si Xander. Um-Oo naman sya at nag-sorry sa ikinilos daw nya pero sabi ko okay lang since hindi ko naman talaga sya masisisi kung magagalit sya kay Xander


Gaya nga ng sinabi ko tatlong araw na ang nakalipas


At miss na miss ko na sila


"Huy! Naomi!"


Napabalik ako sa realidad nang tawagin ako ni Clarisse. Nasa cafeteria na pala kami. Sabay na kami palagi nito mag-lunch eh kaya kahit papano hindi ako nalulungkot since may kasama ako pero hindi ko parin ibinibigay sa kanya ang buong tiwala ko. Pumila na kami para bumili ng pagkain


"Bakit?"tanong ko sa kanya


"Mall tayo mamaya? Treat ko!"

Ito ang isang dahilan kung bakit ko sya hinahayaang sumama sakin. Hindi sya naasa sakin financially. I mean hindi sya nagpapalibre or something kundi sya pa yung nanglilibre sakin


Masasabi kong hindi nya ako nilalapitan dahil lang sa mayaman kami


"Ok. Wala naman akong gagawin mamaya eh"sagot ko sa kanya


Kesa naman maburo ako sa bahay magga-gala na lang ako


Pagkatapos naming bumili naghanap na kami ng table at ang nakita naming available ay yung malapit sa bintana

My name is Naomi TachibanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon