Chapter 31- Press conference

163 10 5
                                    



(Naomi's PoV)

Babaeng nang-reject kay Rexxon Sanchez na nagngangalang Naomi Tachibana, nanakit ng fans


=____=


Pigilan nyo ako susugudin ko ang studio ng mga nagbabalita na to. G*go ba sila? Malamang igaganti ko yung kakambal ko! Sipain ko sila eh! Tch


Tsaka bakit ba big deal sa kanila yang reject thingy na yan?!


"Ate okay lang yan. Maaayos din ang lahat"pagpapakalma sakin ni Noemi


Bumuntong hininga ako at nginitian na lang sya


Sana nga maayos na ang lahat


Nasa bahay kami ngayon at nagpapahinga. Kumalma na rin si Noemi kaya nakakausap ko na sya ng matino ngayon


Si mommy naman hindi ko alam kung nasaan. Panigurado inaayos nya ang gusot na ginawa ko


Ilang oras pa lang ang nakakaraan pagkatapos nung 'bugbugan' scene pero eto na at nasa tv na ulit ako


Ipinalabas pa nga yung video na nambubugbog ako saka yung pagbibigay ko ng threat eh

Pero okay lang, at least alam na nila na hindi si Noemi yung nang-reject dun sa lecheng Rexxon na yun


At least safe na sya



Safe nga ba? Ewan. Pwede pa rin syang mapahamak dahil sa gulong ginawa ko


Isa pa hindi ko alam kung anong ie-explain ko kila Trake


Paano ba naman bigla na lang akong sumulpot sa harap nila at nagpakilalang kakambal ni Noemi tapos isinama ko pa si Noemi dito


Malamang magsu-supetsa sila na matagal na kaming magkakilala


Nakatulala lang ako sa tv at walang maintindihan sa pinapanood pero napabalik ako sa realidad nang mag-ring ang phone ko

Tinignan ko ang screen at nakita kong si mommy ang natawag


"Oh?"sagot ko


Narinig ko naman ang mga mahihinang tawa sa kabilang linya

Isang lalaki at si mommy


"Grabe ka talaga sweetie! Wala man lang hello!"-mommy

Wala ako sa mood para makipag 'hi' 'hello' no!


"Bakit PO?"in-emphasize ko pa yung 'po'

My name is Naomi TachibanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon