Chapter 19- Wala kang pakialam

221 11 0
                                    


(Naomi's POV)

Nande?! Bakit ba ganito yung nararamdaman ko! Crush ko lang sya! Crush lang!

Kanina kasi nakita ko si Trake na may kausap na magandang babae. Tapos mukha pang natutuwa sya

Psh. May pabigay-bigay pa ng teddy bear tapos ganito naman! Hmp.

Nagpapadyak ako at sinipa yung bato sa harap ko

"Aray!"

Hala may tinamaan */\*


"Ikaw Noemi ah. Mas nagiging bayolente ka na. Gorilla ka ba?"

Psh. Si Xander na chimpanzee lang pala

At ano kamo?!

Gorilla?!


"Niloloko mo ba ako? Ha? Chimpanzee? =___=*" tanong ko sa kanya pero may halong pagbabanta


"E-Eto naman! Joke lang"sabi nya na tumatawa-tawa pa

Lumapit sya sakin at sumabay na papuntang room. Habang naglalakad kami pinagtitinginan kami

Problema?


Pagdating namin sa room nagulat ako nang may makita akong bouquet ng roses sa table ko na may kasama pang chocolates

Eh? Para sakin toh?


Tinignan ko kung sino yung nagpadala pero wala namang nakalagay

Tinukso pa nga ako ng mga kaklase ko eh


Close na kami kasi mabait na sila. Share ko lang!

Inilagay ko muna yung bouquet sa gilid tapos inilagay ko naman yung chocolate sa bag ko

Umupo na ako at nag-drawing


Si Xander naman lumipat sa upuan ni Trake since wala pa yung supladong yun


"Ayaw mo dun sa bulaklak?"tanong nya sakin kaya nilingon ko sya


"Hindi naman. Hindi lang talaga ako mahilig sa ganito. Mas gusto ko yung binibigay sakin ng personal since ang creepy kasi kapag patago"sagot ko naman sa kanya at nagpatuloy sa pagd-drawing kung ano-ano


"Ahhh"sabi nya na may kasama pang patango-tango

Wala parin kaming klase kasi di pa tapos ang school Festival


Konti lang din kaming nandito sa room since busy yung iba sa booth namin. Ako? Mamaya pa ako magbabantay kaya paupo-upo muna ako dito


"Noemi!"

Nagulat na lang ako nang bigla akong tawagin ng kaklase kong si Diana na hinihingal pa at halatang galing sa pagtakbo


Binigyan ko naman sya ng nagtatakang tingin


My name is Naomi TachibanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon