(Naomi's POV)
Mga 10:00 na ng gabi ako nakauwi samin kasi malayo din pala yung pinuntahan namin.
Tapos 30 minutes pa yung byahe papuntang bahay galing sa park then traffic pa kaya naging one hour. Pagpasok ko sa bahay patay yung ilaw. Tulog na siguro sila
Pagbukas ko ng ilaw sa sala halos atakihin ako sa puso nang madatnan si Trake na nakaupo dun at nakatingin sakin
"Jusko Trake! Wag ka namang manakot!"sabi ko habang hawak ang dibdib ko
Hindi nya pinansin ang sinabi ko at lumapit lang sakin. As in sobrang lapit. Bigla naman akong kinabahan. Ang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit
"San ka galing?"tanong nya
Daig nya pa ang isang tatay na nagagalit sa anak dahil hindi nagpaalam na aalis kung makatingin
"S-Sa kaklase ko"pagsisinungaling ko
Kinakabahan pa rin ako kasi ang lapit nya sakin. Jusko ano bang demonyo ang sumapi dito at ganito kumilos?
"Tsk. Liar"-sya sabay layo sakin at pumunta sa kusina
Sumunod naman ako sa kanya para mag-explain. Mamaya magsumbong pa yan kay mama
"Ano kasi....Trake may group project kasi kaya ginabi ako"sabi ko sa kanya pero mukhang hindi naman sya nakikinig. Pinagpatuloy nya lang yung pagluluto nya
Wait nagluluto sya?
Naamoy ko yung mabangong amoy. Adobo?
Bigla tuloy kumalam yung sikmura ko. Gutom na ulit ako.
"Ang bango naman ng niluluto mo"sabi ko nang wala sa sarili
Na-hypnotize yata ako nung pagkain. Narinig ko syang tumawa
Wait tumawa sya? Ngayon ko lang ulit narinig yung tawa nya ah
"Saan ka ba talaga galing"tanong nya ulit pero halata ang pag-aalala sa tono nya
"Sa....Sa mall! Oo sa mall! Traffic lang kaya gabi na ako nakauwi. Sorry sa pagsisinungaling"-ako
Lord alam ko pong marami na akong kasalanan. Dapat talaga mangumpisal na ako
"Tsk. Oo na. Kumain ka na"-sya sabay abot sakin ng isang platong may kanin at may adobo
"Ikaw? Kumain ka na ba?"tanong ko sa kanya. Umiling naman sya
"Nope. Hinintay talaga kita"-sya
Hindi ko alam pero parang bigla akong sumaya. Wait...Ang weird mo Naomi!
"S-Sabay na tayo kumain"sabi ko nang hindi makatingin sa kanya kasi nahihiya ako
Malamang hinintay ka nya kasi pinsan ka nya wag kang mag-isip ng kung ano-ano!
Umupo sya sa katapat ko at nagsimula na ring kumain. Ang tahimik namin hanggang sa natapos na kaming kumain. Ba't ba ang bilis ng tibok ng puso ko?!
Hinuhugasan na nya yung pinag-kainan namin pero hindi pa rin ako uma-akyat sa kwarto ko
Hindi ko alam kung anong espirito ang sumapi sakin pero nagtanong ako
"Ahh.....Trake ano bang meron....Bakit ganito ka kumilos? Nung isang araw naman wala kang pakial---" Hindi na natapos ang pagtatanong ko kasi bigla syang sumagot
Isang sagot na lalong nagpagulo sa isip ko
"I'm just worried. Thats all"sya sabay alis
ANO KA BA NAOMI! WORRIED BILANG PINSAN ANG IBIG NYANG SABIHIN WAG KANG ASSUMING!
Nang makaget-over na ako dun sa sinabi nya umakyat na rin ako sa kwarto ko. Hinawakan ko ang dibdib ko at naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko
Ano bang nangyayari sakin?
=Kinabukasan=
2:00 na yata ako nakatulog dahil sa I'm just worried na yan!
Bakit ba kasi napakabig-deal non sakin!
Tapos nagising pa ako ng 6:00 am. Yung mata ko may itim na sa ilalim. Darck circles! >__<
Tinignan ko sa calendar ko kung anong date na ngayon.
Matagal na rin pala ako dito
October 7 nung magising ako from coma
October 9 nung nakalabas ako ng ospital
October 12 dumating si Trake
October 19 na ngayon
What?! October 19 na ngayon?! Birthday na ni Trake ah!
Wait nasan ba yung pang-regalo ko mabalutan na
Nung natapos kong balutan yung regalo ko lumabas na ako. Nadatnan ko sila mama na nag-aayos na para sa almusal
" Ma nasan si Trake?"tanong ko
Hindi kasi mahagip ng radar ko eh haha
"Ah yun ba? Umalis eh. Pero babalik daw sya maya-maya"
Ok. Naligo muna ako saglit at since Sunday ngayon walang pasok
"Noemi! Noemi!"
Napalingon ako kay kuya Grey na parang batang excited na excited sa di malamang kadahilanan
Baka nasapian? Hahaha
"Ano yun kuya?"
"Pupunta tayong EK!!! Nakumbinsi ko kasi si Trake na manlibre ng ticket ayun pumayag! Hahaha. Ang lakas talaga ng charms ko"-kuya Grey na parang baliw
Um-Oo na lang tayo para hindi malugi
Pero teka.....EK.........Ano yun?
"Ano yung EK kuya Grey?"tanong ko sa kanya
Napatingin naman sya sakin na hindi makapaniwala
"Seriously? Hindi mo alam kung ano ang EK. Sabagay may amnesia ka nga pala. Enchanted Kingdom ang ibig sabihin non. Isa yung amusement park. Alam mo naman siguro kung ano ang amusement park diba?"
Tumango na lang ako pero ang totoo never pa akong nakapunta sa ganon. First time ko toh kung matutuloy
=====
![](https://img.wattpad.com/cover/162635475-288-k644115.jpg)
BINABASA MO ANG
My name is Naomi Tachibana
Roman pour AdolescentsAkala nya ganun-ganun na lang ang buhay nya Mananatili na lang syang dalaga hanggang sa pagtanda nya dahil simula pagkabata hindi sya pinapayagan ng mommy nya na makipag-interact sa mga lalaki. Hanggang sa may nangyayaring hindi inaasahan. Nagkapali...