BEKILANDIA
(Science Fiction)
By: Chenaciousley
CHAPTER 1: Pagpapakilala sa mga baklaaaah
Welcome sa planeta ng mga Beki!
Ang mga Beki ay hindi nalalayo sa mga beki natin dito sa earth. Sila din ay gay, colorful, and peace loving.
Meet Andrew.
Short for Andromeda Polaris Blue. Isa siyang Confused at never pang nata-try ma-inlove. If sa earth, matuturing mo siyang perfect gentleman. Good looking, good body physique, intelektwal. Yun nga lang, kagaya ng uri niya, siya ay confused.
Meet Stanley.
Wala, Stanley lang talaga. Stanley Stellar. Isang Paminta. Galit sa mundo. Bad Vibes palagi. Bitter. May unrequitted love kay...basta. Kalaban ang peg niya dito
.
And lastly, meet Veronica.
Veronica Ellena Dela Cruz. Hindi siya taga-Bekilandia okay.Isang dalagang teacher ng high school na may binibili lang sa National Bookstore sa Gateway Mall, ng biglang nagbago ang mundane niyang buhay.
Kung paano nagtagpo ang kanilang mga landas (kase ‘di ba yung dalawa galing sa Planet Bekilandia tapos si Veronica taga-earth), at anong nangyari after ay ating alamin, now na!
(At siguro naguguluhan pa kayo kung ano yung Confused at Paminta, so in-explain ko naman sa mga next segment. Hihi.)
BINABASA MO ANG
Bekilandia (To be published under LIB)
Science Fiction[EDITED VERSION] Wag na sana ma-restricted utang na loob. Cinensor ko na lahat ng dapat i-censor. Punong-puno na ng asterisk 'tong version na 'to HAHAHAHA "Aliens kayo! Nakita ko yung spaceship n'yo. Nakita ko na tinago n'yo sa ilalim ng kalsadang i...