CHAPTER 36: Under Siege
Nagising sa isang malakas ng pagsabog si Stanley. Bumangon ito at nagsuot ka’gad ng pants at t-shirt. Ginising nito ang natutulog pa rin na si Dan.
“Babe, gising!” Inalog nito ang kaninang katabi sa kama.
“Bakit babe?” Inaantok pa na reply ni Dan.
“Magbihis ka, madali. May narinig akong pagsabog!” Mahinang sabi ni Stanley dito na parang kulang na lang ay ibulong iyon kay Dan.
Isa uling pagsabog ang naganap at this time ay yumanig ang kwarto na kinaroroonan nilang dalawa. Nagmadaling magbihis si Dan.
Lumabas ka’gad sila sa kanilang kwarto at pinuntahan nila ang kwarto ni George. Kumatok muna sila bago tuluyang pumasok sa loob.
Pagpasok ay nakatayo sa may malaking bintana si George. Nakadungaw ito sa baba.
“S-sir George?” Tawag ni Stanley dito.
“Nasundan tayo ng mga Nelestrum.” Seryosong wika nito.
“Ho?” Nag-panic naman ka’gad si Stanley.
“Sa ngayon ay hindi pa nila nakikita ang mansyon ko.”
“Paanong hindi po nila nakikita?”
“Isa sa mga kapangyarihang taglay ng mga Ancient Beki ay gumawa ng ilusyon. Sa ngayon ay tanging bakanteng lote lang ang nakikita ng mga umaatake sa atin ngayon...Pero hindi dahil hindi nila tayo nakikita ay hindi nila tayo naaamoy at nararamdaman...”
“Ibig sabihin ang mga pagsabog ay?”
“Miscalculated na pag-atake sa atin ng mga Nelestrum. Kung saan-saan lang nila diniderekta ang kanilang pagtira. Walang kasiguraduhan. Walang target.”
“Isa pa ay napapalibutan ng shield ang buong mansyon...Hindi tumatalab ang kanilang mga atake...Pero dahil sa lakas ng mga iyon ay nararamdaman pa rin natin ang impact...”
Bigla uling yumanig ang mansyon. Pinagpawisan naman si Ancient Beki. Lumapit dito si Stanley at inalalayan ito.
“Kung mas bata sana ako ay kaya kong panatilihin ang ilusyon at shield kahit ilang oras pa...Pero dahil sa sobrang katandaan ay medyo humina na ang aking abilidad...pero kaya ko pa naman...”
“Sir George...” Pag-aalala ni Stanley para dito.
“Wala ba kaming pwedeng gawin?” Suhestiyon ni Dan.
“Oo nga po, Sir George...wala ba kaming pwedeng gawin?” Dagdag ni Stanley.
“Meron kaso delikado...”
“Kaya po namin ang aming mga sarili...” Wika ni Stanley.
BINABASA MO ANG
Bekilandia (To be published under LIB)
Science Fiction[EDITED VERSION] Wag na sana ma-restricted utang na loob. Cinensor ko na lahat ng dapat i-censor. Punong-puno na ng asterisk 'tong version na 'to HAHAHAHA "Aliens kayo! Nakita ko yung spaceship n'yo. Nakita ko na tinago n'yo sa ilalim ng kalsadang i...