CHAPTER 11: Veronica Ellena Dela Cruz
Isang normal na araw sa Cubao, isang lugar sa bansang Pilipinas which is known internationally as Philippines, na nasa kontinente ng Asia, na isa sa 7 continents ng planet earth.
Mainit. Ma-trapik. Masikip. Walang may pakialam. Sanay na ang lahat.
Kung saan-saan naglalakad ang mga tao, papunta dun, dito, diyan...papuntang National Bookstore.
Meet Veronica Ellena Dela Cruz, isang babaeng papunta ng NBS that time.
Veron for short. Medyo mahinhin, kikay, medyo preppy yung look, cute naman, petite(?), basta pa-tweetums most of the time. Very kind and positive na person like kapag may nasaktan na puppy eh tutulungan niya, or tutulungan niya yung isang elderly na makatawid ng kalsada, yung mga ganyang effect.
No Boyfriend Since Birth ang peg niya at naniniwala siya sa mga fairy tale, true, forever, romantic love and the like, magic, rainbows and unicorns (lol) mga bagay na sobrang jologs at cheesy sa pananaw ng mga kasing-age niya.
Veron is 23 years old. Isa siyang teacher sa isang high school na nasa Cubao din. At the same time, she's taking up her masters in one of those UAAP schools. Sobrang busy na tao. Pero kahit gaano siya ka-busy, hindi siya mawawalan ng time para dumalaw sa NBS.
Pinakamalapit sa kanyang NBS eh itong nasa Gateway Mall so she frequent this bookstore more than any other bookstore. Though open naman siya to explore other bookstores, eh ito kase yung pinaka-accessible sa kanya.
And what does she do sa mga bookstores?
Mag-adik sa mga libro!
Sometimes when she has enough money to spend on books, talagang nagbu-book shopping siya. As in libo-libo ang nagagastos niya kakabili ng book. Alam mo yung ang dami niya pang hindi nababasa sa mga nakaraang purchase niya eh bibili pa rin siya. A certified book hoarder. Pero 'la siyang pake. Books are her life. Books are her happiness. Basta may books, she feels complete.
There are times naman when she's kinda broke that she opt na lang to browse books and read yung mga sypnosis sa likod or tinatapos niya up until Chapter 1 if nakabukas yung book. Masaya na siya ng ganun. Then she'll make a promise to herself that someday, she gonna purchase and OWN that particular book!
Hindi naman anti-social si Veron, it's just that she enjoys the company of books as much as she enjoy the company of her friends. Madami namang social circles si Veron. Meron din siyang mga best-friends-forever type of friends, so ayun, masasabi ni Veron na she's very content with her life. She is a happy person.
XXX
Busy si Veron na naghahalungkat ng books sa Sci-Fi section ng NBS. As in wala siyang pakialam sa paligid niya.
Nang biglang may commotion.
May mga nagsisigawan na tao, may tumatakbo kung saan man papunta.
So of course, nawala sa momentum si Veron at napansin ang kaguluhan sa paligid niya...Napansin niya ang green at purple na usok sa labas sa tapat lang ng NBS.
Wala naman siyang narinig na sumabog or what, pero ang kapal pa rin ng usok at wala pang nakakalapit dun sa pinagmumulan ng OA na smoke.
May mga dumating ng pulis, bumbero. Biglang tumunog ang fire alarm sa NBS at buong Gateway Mall.
Sobrang na-curious si Veron kung ano nangyayari kaya imbis na sumama siya dun sa mga nage-evacuate na mga tao from the scene eh pabaliktad yung lakad niya.
Papunta siya dun sa usok na green at purple.
BINABASA MO ANG
Bekilandia (To be published under LIB)
Science Fiction[EDITED VERSION] Wag na sana ma-restricted utang na loob. Cinensor ko na lahat ng dapat i-censor. Punong-puno na ng asterisk 'tong version na 'to HAHAHAHA "Aliens kayo! Nakita ko yung spaceship n'yo. Nakita ko na tinago n'yo sa ilalim ng kalsadang i...