CHAPTER 18: Earthlalou 101

489 18 0
                                    

CHAPTER 18: Earthlalou 101

 

 

Saturday morning. Amoy ang aroma ng kape sa buong sala ng bahay ni Veron. Usually, maaga pa rin nagigising si Veron kahit weekends. Dini-devout niya kase ang Saturdays sa pagbabasa ng novels. Certified bookworm ‘tong si Veron as in.

  

Nasa Chapter 4 na siya nitong The Fall of Five ni Pittacus Lore.  Book 4 ito ng I Am Number Four series na naging movie na rin. Tungkol ito sa mga aliens na naninirahan din dito sa earth. Mahilig talaga sa Sci-Fi itong si Veron kaya nga kahit sa mga novels, ito pa rin yung gusto niyang genre.

I wonder if totoong fiction lang ‘tong sinulat na ‘to ni Pittacus Lore. Parang sobrang totoo eh. Hindi kaya nakasalamuha niya talaga itong mga taga-Lorien? At sinulat niya ang mga buhay ng mga ito? At kunwari Fiction lang? What if nakakilala din siya ng mga Aliens kagaya ko...OMG!

 

Biglang naalala ni Veron na hindi na pala siya nagi-isa sa bahay niya!

Nag-panic siya ng husto dahil naka sleeveless siyang shirt at naka-underwear. Dali-dali siyang tumayo mula sa pagkakaupo at tumakbo papuntang hagdanan.

Madilim pa noong time na yun dahil mag-6am pa lang at ang tanging bukas lang na ilaw ay yung sa sala. Yung hagdan ay nasa bandang kusina at medyo madilim sa part na yun pero aninag pa rin naman kahit papano.

Tiyaka kahit wala naman ng ilaw yun, kabisadong-kabisado naman ni Veron ang bahay na’to. Hello, 23 years na siyang nakatira dito.

Nagmamadaling umakyat ng hagdan si Veron, halos patakbo... ng bigla siyang humampas sa kung saan man. Na-out of balance siya at muntik ng malaglag ng stairs pero may humila sa braso niya.

“Veron?”

“A-andrew?”

“Anong ginagawa mo ang aga-aga eh tumatakbo ka sa hagdanan? Nage-exercise ka ba?”

Napansin ni Andrew na naka-sleeveless na shirt si Veron at wala itong pang-ibaba bukod sa underwear.

Muntik ng mabitawan ni Andrew si Veron na nakatip-toe lang ng panahon na yun sa edge ng isang hagdan.

“Aaah!!” Sigaw ni Veron.

Hinila nito si Andrew sa damit at ng dahil doon ay na-out of balance na rin si Andrew. Sabay silang gumulong pababa ng hagdanan.

“Arekup...Nabali ata ang likod ko.”

Nakapatong si Andrew kay Veron sa may dulo ng hagdan. Mukha silang dalawang magkapatong na gagamba dahil sa bale-balentong na posisyon ng pagkakahulog nila.

Tinry tumayo ni Andrew at hindi niya napansin na natuunan niya ang isang boobs ni Veron dahil sa dilim ng paligid.

“Hoy! Aray naman! Yung boobs ko!” Hinampas ni Veron ang kamay ni Andrew at natumba uli si Andrew sa ibabaw ni Veron.

Bekilandia (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon