CHAPTER 34: First
Matapos kumain nina Stanley at Dan ay umakyat na sila sa 2nd floor ng bahay ni George. The 2nd floor is as majestic as the 1st floor. Para silang nasa palasyo ni Cleopatra dahil namumutakte ng ginto ang buong paligid. They concluded na George really do like the color gold. Meron pa nga silang nadaanan na mga halaman na nakatanim sa gold na mga paso. Madaming full body length mirror everywhere making the 2nd floor seems more spacious. Then may mga painting ni George na naka-hang from every corner. Painting of George from each era, time or place he had been with.
May isang painting dun na nakasuot si George ng malaking white na wig at may ribbons ito na blue sa dulo. May lipstick ito na red. High collar at naka-close ang leeg ng damit niyang red. May nakasabit na sash ang damit na red at may mga naka-pin na ribbon dito na color blue. Background ni George sa painting na iyon ay ang isang black na black na kabayo na may makinang na buntot. Dan concluded that it must be a portrait from England during 1500 century or so.
Hindi lang painting ang meron duon. May mga old photographs hanging on the wall too. Merong isang photograph si George duon na naka-sando ito at puro uling ang katawan. Naka-painter’s cap ito at may pipe na naka-subo sa bibig. Isang suspender lang nito ang may hawak sa trousers nito at ang kabila ay nakalaylay sa balikat nito. Ang boots nito ay puro putik. Kahit ganuon ang itsura ni George duon ay mukha namang masaya ito sa larawang iyon. It must be from the industrial revolution somewhere between the 1820s to 1840s, sabi ni Dan kay Stanley.
“Ikaw na talaga!” Pabirong pahayag ni Stanley dito kay Dan.
Then they explored the 2nd floor even more...Along the hallway naman ay may mga sculpture ni George from different eras again. They saw sculptures ranging from bronze, iron, gold-coated, marble...Pero isang sculpture ang pinaka nakatawag sa kanila ng pansin...ang isang marble sculpture ng babaeng naka-greek costume. Ang damit na suot nito ay body hugging at lagpas paa ang laylayan. Meron din itong wreath sa ulo. May naka-ukit na symbols sa may base nito na sa palagay ni Dan ay mga Greek letters.
“Malamang siya si Agave...” wika ni Stanley.
“Ang true love ni George?”
“Oo.”
“Nakakatuwa ang true love no...Biruin mo, ilang milenya na ang lumipas at siya pa rin ang tinitibok ng puso ni George...kung ano mang meron yang si Agave, siya na...siya na talaga!” Natatawang sabi ni Dan.
“Sana may kagaya din ni George na magmahal sa’kin...yung kahit ilang milenya na ang lumipas eh ako pa rin ang nasa puso niya...” Dreamy na sagot ni Stanley.
Niyakap ni Dan from behind si Stanley. Nagulat naman ito.
“Ako baby...Mamahalin kita kahit ilang milenya pa ang lumipas...kung totoo ang after life o kaya reincarnation, hahanapin kita sa panahong iyon...” wika ni Dan.
Inilapat ni Dan ang mga labi nito sa may likod ng tenga ni Stanley.”...ikaw pa rin ang mamahalin ko...”
BINABASA MO ANG
Bekilandia (To be published under LIB)
Science Fiction[EDITED VERSION] Wag na sana ma-restricted utang na loob. Cinensor ko na lahat ng dapat i-censor. Punong-puno na ng asterisk 'tong version na 'to HAHAHAHA "Aliens kayo! Nakita ko yung spaceship n'yo. Nakita ko na tinago n'yo sa ilalim ng kalsadang i...