CHAPTER 40: Taking Chances

327 19 1
                                    

CHAPTER 40: Taking Chances

Patuloy sa pagtakbo si Stanley, pilit hinahabol ang hindi nakikitang nilalang na kumuha ng sapilitan kay Andrew. Pagod na pagod na siya at tagaktak na ang pawis nito, ngunit mas nangingibabaw pa rin sa kanya ang takot sa kung ano ang pwedeng mangyari sa kanila.

At sa wakas ay natapos din ang madilim at mahabang lagusan at siya ay lumabas sa isang maluwang na kweba. Sobrang taas ng pinakatuktok na bahagi ng kweba na halos hindi na ito makita at nababalutan na ng dilim. Makikita naman ang nagkalat na stalactite at stalagmite sa paligid, mga patulis na bato na tumubo mula sa kisame ng kweba at sahig nito.

Naga-adjust pa lamang ang mga mata ni Stanley sa liwanag ng biglang may nagsalita.

“Kamusta, Mr.Stellar? Na-miss mo ba ako?” Malambing ang tinig at kilala ni Stanley kung kaninong boses iyon.

“Camilla!” Wika nito at hinanap si Camilla sa paligid.

Nakita niya naman ito na nakapwesto sa isang elevated part ng kuweba. Kasama nito ang napakaraming Nelestrum na para na silang mga itim na langgam na may pulang ulo.

Nakita niya si Sir George na nakabitin mula sa ere at may mga naka-konekta na tubo dito. Ang mga tubo ay konektado sa kakaibang itsura na machine na kulay itim at bumubuga ng kulay berdeng usok. Nakakaamoy si Stanley ng amoy maasim na masakit sa ilong. Napagtanto niya na marahil ay naglalaman ng matapang na asido ang makina kung saan nakakabit si Sir George.

“Sir George!” Tawag ni Stanley dito ngunit wala itong malay.

“Hindi ka niya maririnig, dear. Mahimbing siyang natutulog. Hihi.” Pang-aasar ni Camilla.

“Ano bang kailangan niyo sa kanya? Wag niyo siyang sasaktan!” Sigaw uli ni Stanley.

“At talaga namang hindi siya masasaktan, Stanley dear...Wala siyang malay at kapag hinigop namin ang kanyang lakas ay hindi na uli siya magigising sa kanyang pagkakahimbing. Ahihi.” Tumawa ng parang witch si Camilla.

Nakita naman ni Stanley na nakatali si Andrew sa isang sulok. May pasa ang mukha nito at wala rin itong malay. Nakita naman ni Camilla na nakatingin si Stanley dito. Ngumiti ng malaki si Camilla.

“Ang gwapo pala ng friend mo no?” Nilapitan ito ni Camilla.

Inis na inis na si Stanley. Itinutok nito ang baril kay Camilla. “Wag mo siyang sasaktan!” Sigaw nito.

“Oops. If I were you, hindi ko gagawin iyan. Ahihi.” Wika ni Camilla. Pumitik ito at may lumapit na Nelestrum sa kinalalagyan ni Sir George. Ibinaba ng kaunti si Sir George mula sa pagkakasabit sa taas sa makinang nagku-contain ng asido.

Hindi na malaman ni Stanley ang gagawin. Nanigas na lamang ito sa pwesto niya. Galit ang nararamdaman niya ng panahon na iyon kay Camilla.

Umusok naman ang isang parte ng pants ni Sir George. Halatang matapang ang asido na naruon at konting dikit lang ay maaari ka ng masunog subalit wala pa ring malay si Sir George.

Bekilandia (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon