CHAPTER 13: Mga Beking Aliens

566 22 0
                                    

CHAPTER 13: Mga Beking Aliens

"Aliens kayo! Nakita ko yung spaceship n'yo. Nakita ko na tinago n'yo sa ilalim ng kalsadang ito yung spaceship n'yo!" Malakas at excited na sabi ni Veron sa dalawang taga-Bekilandia.

"Sabi ko na nga ba, totoo ang mga aliens! Nababasa ko lang dati ang mga aliens at napapanuod! Sabi color green sila tapos maliit yung height tapos malaki yung eyes na parang almond-shaped tapos kadiri sila tignan, para silang slimey na ewan...Tapos hindi naman pala talaga!" Halos walang tigil na daldal ni Veron.

Tahimik lang si Andrew at Alyssa habang dumadaldal si Veron. Na-shock ang dalawa sa mga pangyayari. Sobrang naka-focus sila na suicide mission itong gagawin nila ni hindi man lang sila naghanda sa mga possible na human interaction na magaganap, kagaya na nga lang nito.

Ni hindi nila naisip na maaring may makakita sa kanila sa kabila ng pagdi-disguise nila ng purple at green na usok at kahit papaano ay calculated naman yung moves at plans nila.

Wala sa hinagap nila na makaka-encounter sila ng...ano 'to? Isang maingay na human being...mukhang Ladlad kase may boobs? Sa isip-isip ni Andrew , may Ladlad rin pala sa earth.

"Blah blah blah blah blah... ay teka shet sorry, baka hindi niyo pala ako naiintindihan. Shet baka patayin n'yo na lang pala ako bigla akala niyo inaaway ko kayo, or baka i-abduct n'yo ako para pag-experimentuhan, huhu wag naman. Pero if katapusan ko na nga ngayong araw na 'to, okay lang. Gusto ko pa nga mag-thank you, gusto ko maiyak actually kase isa 'to sa mga pangarap ng mga nerds at geeks like me, huhu. Thank you Lord for this opportunity!" Daldal pa rin ni Veron.

"Hoy human being...isa ka bang Ladlad? At bakit alam mo ang Beki dialect?" Pag-interrupt ni Andrew sa pagdaldal ni Veron.

Biglang bumalik sa katinuan si Veron. Napatitig siya kay Andrew.

"Shet. Nagta-tagalog ka? What the F." sabi ni Veron.

"Anong Beki dialect eh tagalog 'to. Filipino language. As in ito yung ginagamit sa Philippines! Nakakaloka ka. ang Beki dialect ata eh sounds like this - wis ko carryboomboom ang muk-up ni atey! - Parang ganyan. Haha! Pero seryoso, omg, nagkakaintindihan tayo! So hindi n'yo ko papatayin or ia-abduct?"

"Siguro nasa isa kayong secret mission noh?” Patuloy pa rin na pagdaldal ni Veron. May ililigtas kayo something ganyan, sige don't worry hindi ko kayo ibubuko. Basta spare my life!"  Pagmamakaawa ni Veron.

"Human being, ibang daldal mo. Medyo may jet lag pa kami kase alam mo yun galing pa kami sa ibang galaxy at ibang planeta, hindi naman namin ine-expect na may ganito kadaldal kaming mae-encounter."

"Pero thank you. Thank you kase hindi mo kami ibu-buko. Pero first, sagutin mo muna tanong ko, Ladlad ka rin ba?"

"Ano bang Ladlad? As in out of the closet gay ganun? Shet ha, mukha ba akong bakla? Nakakaloka. Ni hindi nga ako mahilig mag-make up, napagkamalan pa akong bakla!"

"Hindi ba Beki din ang mga Human Being?"

"Merong beki teh, pero meron din lalake at babae!"

"Lalake? Babae? Ano yung mga 'yun?"

"Ako babae! Ayan, yang kasama mong malaki ang hinaharap, babae din yan. Ikaw, lalake ka."

"Hindi ako isang lalake, isa akong Beki."

"Di nga? Seryoso? Baklang alien? So my boyfriend ka?"

"Ahm, 'di pa ako nagkaka-boyfriend since birth." Pag-amin ni Andrew.

"Ay, bakit naman?" Usisa ni Veron.

Nang biglang kumalam ang sikmura ni Alyssa. Malakas. Nakakatawag pansin talaga, ganun.

"Ahm Human Being, baka naman may alam kang kainan dito? Gutom na kami. And it seems na you're interested with us, at mukha ka namang mapagkakatiwalaan, at dahil wala na kaming choice kung hindi pagkatiwalaan ka, samahan mo naman kami kumain?" Sabi ni Alyssa.

Naglabas si Andrew ng isang maliit na pouch at pag bukas ay may lamang malalaking diamonds.

"Ay putek kang bakla ka, wag ka maglabas ng ganyan dito. Maraming mandurukot dito!"

"Bakit, wala bang pulis na nagbabantay ng kapayapaan sa lugar na ito?"

"Uhm sadly meron, kaso sobrang limited lang nila at pag nadukutan ka, good luck di mo na mare-retrieve forever yung nadukot sa'yo, so ingat-ingat din. Walang pake ang mandurukot kung Alien ka man or hindi, okay?"

"Isa akong pulis sa Bekilandia. Iyon ang planetang pinanggalingan namin." Sabay labas ni Andrew ng isang pink na laser gun.

"Ay teh, 'di ba nagtatago kayo ng identity? Baka gusto mong itago yang mga weapons of mass gayness mo, at baka masita tayo na may something fishy sa inyo. At kase, naka-costume pa kayo ng ganyan, nakakaloka. It's either mapagkamalan kayong Alien or mapagkamalan kayong baliw at galing sa mental hospital."

"Uhm ganito, kumain muna kayo, ako ng bahala muna tapos sumama kayo sa'kin pauwi."

“I can definitely keep your secret. Interesado ako sa inyo at wala kayong choice kung hindi pagkatiwalaan ako. Pero sa totoo lang, katiwa-tiwala naman talaga ako, wag na kayo umangal, K?"

Si Alyssa ang nakikipag-deal kay Veron. Si Andrew ay kanina pa tulala, Nakatitig kay Veron.

Babae daw siya. 

 

Babae.

 

Babae?

Bekilandia (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon