CHAPTER 21: The Fault In Our North Star

455 17 2
                                    

CHAPTER 21: The Fault In Our North Star

 

Gateway Mall, after lunch. Nakatambay sa may Starbucks coffee sina Veron, Andrew at Alyssa. Dun sila sa may loob nakatambay since ayaw nila makalanghap ng amoy ng yosi from the outside. First time lang makaamoy ng yosi si Andrew at Alyssa at hilong-hilo ang dalawang Beki as in. Um-order na sila ng mga kape. Signature choco drink ang in-order ni Andrew at nakwento nito ng pabulong kay Veron na may ganun din daw sa kanila sa Bekilandia. Strawberries and Creme naman ang in-order ni Alyssa at Green Tea kay Veron.

Ang totoong pakay nila talaga ay i-check kung nasa maayos pang kalagayan yung spaceship ni Andrew at Alyssa, which upon checking kanina eh maayos pa naman at wala pa ring nakaka-discover na may spaceship na nakatago sa harapan ng Gateway Mall.

Before tuluyang umuwi ay nag-aya mamasyal muna si Veron at manuod ng sine. Ano daw yung sine sabi ng mga Beki which Veron explained animatedly na merong palabas na pinu-project sa isang malaking monitor or screen. Agad namang naka-relate ang mga Beki since meron ding ganun sa kanila.

4pm pa ang showing ng movie nila kaya naman tumambay muna sila sa Starbucks.

XXX

Pinapanuod ni Veron at Andrew si Alyssa habang kinu-cross out ang mga lugar sa Metro Manila na walang signal na nakukuha galing sa Beki radar. Meron itong dala na mapa ng metro manila at isang matabang red marker.

Simula ng makita nila yung isa pang green dot dun sa beki radar monitor eh hindi na uli ito lumabas at nagtataka sila kung bakit kaya.

Naisip ni Andrew na baka nasira lang ang Beki radar or nag-malfunction since nasa Earth na sila at wala na sa dati nilang planeta. Baka hindi gumagana ng maayos ang Beki radar dito.

Ngunit iba naman ang palagay ni Veron. Naisip nito na sadyang magaling lang mag-conceal ng katauhan ang hinahanap nila kaya nawala na ito ng tuluyan sa Beki radar.

“Ah basta makikita din natin ‘yang Stanley na yan! Humanda siya pag nakita natin siya!”

“Ano bang itsura ni Stanley? Mukha ba siyang monster? May monster ba sa Bekilandia?” Curious na tanong ni Veron

Nagtawanan ang dalawang Beki.

“Hindi siya monster...beki din siya. Uhm itsura? Kamukha ni Andrew.”

“Kamukha ni Andrew? Baka naman magkapatid sila?”

“Ang ibig sabihin ni Alyssa ay kaparehas kong ganito...uhm paano ko ba ie-explain...kaparehas kong mukhang...lalake! Ayun, mukha siyang lalake kapag kinompare dito sa mga taga-earth!”

“Oh I see...gwapo din ba siya?”

“Gwapo?”

“Good looking ganyan...masarap tignan, ganun.”

Bekilandia (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon