CHAPTER 43: Now na!

347 15 0
                                    

CHAPTER 43: Now na!

 

 

Magta-tatlong araw ng walang matinong tulog si Veron at ang pagkain niya ay sapilitan lamang. Halos hindi nito iniiwan ang tabi ni Andrew. Inaantay nitong muling magising ito at magmulat ng mga mata. Hawak-hawak ni Veron ang isang kamay nito. Nakaupo si Veron sa comforter sa sahig habang ang ulo nito ay nakahiga sa sofa kung saan dun din nakahiga si Andrew. Nakatulog si Veron sa ganitong pwesto.

Pumanhik naman si Byron sa third floor upang dalhan si Veron ng meryenda. Nakita nitong natutulog ito kaya naman iniwan na lamang nito ang pagkain sa katabing mesa. Kinuha naman nito ang kumot sa tabi ni Veron at ikinumot iyon dito.

Nang biglang nagising si veron. Halatang nagulat ito. Nabigla naman si Byron at inakala nito na siya ang may dahilan kung bakit ito nagising.

“Naku Veron , sorry, nagising kita.” Paghingi ng paumanhin ni Byron.

“G-gumalaw si Andrew!” Wika ni Veron at clearly, hindi si Byron ang nakagising dito.

Lumapit si Byron dito at tinignan kung anong nangyayari. Nakita nito na kumukunot ang noo ni Andrew sabay dumilat ito.

“A-andrew?” Mahinang tawag dito ni Veron.

“Nauuhaw ako...” Wika nito.

“Ako na ang kukuha ng tubig...wait lang.” At mabilis na bumaba sa kusina si Byron.

“Kamusta ka na?” Hindi na napigilan ni Veron na umiyak at niyakap nito si Andrew. Niyakap naman ito pabalik ni Andrew.

“Anong nangyari? Bakit ka umiiyak? Wag ka na umiyak Veron...” malumanay na wika ni Andrew.

“A-akala ko hindi ka na magigising...” Wika ni Veron sa gitna ng mga hikbi.

Dumating na si Byron at may dala itong isang basong tubig. Tinulungan nilang mai-angat ang ulo ni Andrew at tinulungan nila itong uminom. Uminom ito ng kaunti at pagkatapos ay nahiga na uli.

“Sinaksak ka ni Camilla ng blade...at ang daming nawalang dugo sa iyo...magta-tatlong araw ka na ring walang malay.” Wika ni Veron. “Ginamot ka ni Veron at tinulungan siya ni Dan.”

“Salamat sa inyong lahat...” Wika ni Andrew.

“Ayan buti naman at gumising ka na, tatlong araw na halos di kumakain ng maayos ‘yang si Veron. Ni hindi na yan natutulog at hindi na umaalis sa tabi mo!” Sabat ni Byron.

Namula naman si Veron dahil sa ini-offer na information ni Byron kay Andrew.

“Sorry, pinag-alala kita...” Hinawakan niAndrew ang kamay ni Veron.

“W-wala yun,”

Bekilandia (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon