CHAPTER 10: Missionbells ni Andrew Sa Earthlalou
Sa headquarters ng Beki Police Force.
Nagpupulong ang mga beking pulis para sa kanilang mission impossible attempt - Ang sundan si Stanley sa Earth at ma-recover ang Bekirillium Purifier.
Medyo natagalan ang paghahanda sa mission. Halos one month din ang naging preparasyon. Paano ay clueless talaga ang mga Beki sa pupuntahan ni Stanley. Marami ang naniniwala na patay na ngayon si Stanley. Na hindi totoo ang earth. Na joke time lang yung wormhole na sinasabi nito.
Gumawa muna sila ng series of experiments para ma-determine ang reliability nito. Gumawa sila ng satellite na pwede ipasok dun. Sakto pagdaan ng satellite sa sinasabing spot na may wormhole, nawala ito. Subalit hindi nila malaman if na-teleport ba ito sa kabilang dulo ng universe o kung saan mang lupalop dahil hindi na ito nag-transmit ng radio signals pabalik ng Bekilandia.
Failed first attempt.
Pero hindi nawalan ng pagasa ang mga Beki. Sa ngayon kase ay ito muna ang naiisip nilang solution para hindi ma-extinct ang Beki race.
Ang isa pa nilang alternative ay ang paghahanap ng element na pwedeng ipanggawa or ipang kopya sa Bekirillium Purifier, which is way harder. Kase ni hindi nga sila sure if sa Bekilandia nga ba galing ang purifier dahil walang ganung trace ng element ang makikita sa planeta nila...But still, pinu-push pa rin nila ang paghahanap.
Doomed ang Beki race.
Salamat kay Stanley Stellar. Na nag-emote lang at na-bitter, eh magiging dahilan na ng katapusan ng legacy nila.
Kaya naman kinuha kaagad ni Andrew ang misyon na pagpunta sa Earth.
Hanggang ngayon ay sinisisi pa rin ni Andrew ang sarili. Kung sana ay hindi na lang siya naging honest at pinagbigyan na lang niya si Stanley na makarelasyon siya.
Okay lang sa kanya na mag-suffer siya forever dahil hindi siya masaya. Kesa naman ngayon, ang laking dilemma ang hinaharap ng buong Kabekihan.
Naging seryoso si Andrew sa misyon na 'to. Kahit out of duty na niya ay palagi niya pa rin tinatanong ang mga Astronomers, AstroPhysicists ,Physicists, Scientists at kung sino-sino pa if kamusta na ba yung mga pananaliksik na ginagawa nila. Balisa si Andrew. Wala pa siyang matinong tulog since the day na nagpakita ng mukha si Stanley sa bawat television screen ng Bekilandia
"Wag mong pahirapan ang iyong sarili," sabi ni Alyssa
"Kailangan mo magpalakas. Matulog ka na please. Kumain ng tama. Kung ikaw talaga ang ipapadala sa earth, kailangan mo ng fit na body."
"Ako ang dapat ipadala Alyssa. Dahil ako ang may kasalanan ng lahat ng ito," weak na sagot ni Andrew.
"Andrew..." Hinawakan ni Alyssa ang kamay ng kaibigan.
"Alam mong suicide mission ito. Hindi tayo sigurado if may earth ba talaga...Or reliable yung wormhole. Lahat ng ito ay hindi sigurado. Paano kung nababaliw lang talaga si Stanley at gusto niya lang mag-suicide ng may art at magastos? Hindi mo 'to kailangan gawin."
"Alyssa, wala akong pakialam kung suicide mission ito. Kung oo man, at least malalaman ng mga taga-Bekilandia na myth lang talaga ang earth, therefore, hindi na sila mag-aaksaya ng panahon para hanapin ang purifier. Siguro by that time, nakahanap na sila ng alternative solution para wag mag-vanish ang beki race. Pero sa ngayon, ito pa lang talaga ang paraan."
"At pananagutin ko si Stanley. Bibigyan ko ng hustisya ang lahat ng Beki."
"Sasama ako sa'yo Andrew."
"Alyssa..." tinignan ni Andrew ang kaibigan, hindi makapaniwala sa narinig.
"Sasamahan kita. Naniniwala akong makukuha natin pabalik ang purifier. Naniniwala akong madadakip natin si Stanley at mabibigyan ng hustisya ang buong kabekihan."
"Naniniwala ako sa'yo, Andrew."
Tuluyan ng nag-emote si Andrew at muli na namang niyakap si Alyssa. Kung saan-saan na lang sila nagyayakapan. Teenager palagi ang peg. Pero hayaan n'yo na, diyan sila masaya.
"Sasabihin ko sa Beki Police Major General natin na isasama kita. Dalawa tayong lulutas ng problemang ito. Salamat sa tulong at support mo, Alyssa."
"Basta ikaw. Alam mo namang handa akong mag buwis buhay peg para sa'yo"
XXX
"Sir Beki Police Major General. I, Andromeda Polaris Blue, accept the mission to earth to recover the Bekirillium Purifier at hulihin si Stanley Stellar, ex senior chemist ng UNB International Lab. I plan to bring along Alyssa Gliese, isa ring Beki Police officer. I need his/her (whatever) expertise and knowledge and I trust that he/she (whatever uli) will be the most helpful assistant I can have."
"Very well Lt. Andrew. Kakatapos lang i-test ng isa pang Satellite sa wormhole. Nawala ito dun sa spot na sinasabi at nakapagbigay ito ng radio signals mula sa kabilang dulo ng universe. Mukhang tama ang calculations ni Stanley. Mukhang totoo ngang may earth."
"Kung gayon ay asahan n'yo po ang pagka-recover ng Bekirillium Purifier at pagbalik ko dito kay Stanley sa Bekilandia."
"Gagawin ko lahat ng aking makakaya maging successful lang ang misyon na 'to"
"Bukas Lt. Andrew ay ang araw ng pagpunta mo sa earth. Maghanda ka na."
"I'm always prepared, Major General."
"See you soon, Stanley."
BINABASA MO ANG
Bekilandia (To be published under LIB)
Science Fiction[EDITED VERSION] Wag na sana ma-restricted utang na loob. Cinensor ko na lahat ng dapat i-censor. Punong-puno na ng asterisk 'tong version na 'to HAHAHAHA "Aliens kayo! Nakita ko yung spaceship n'yo. Nakita ko na tinago n'yo sa ilalim ng kalsadang i...