CHAPTER 2: Welcome to the land of the Bekis!
Sa isang malayong galaxy, as in million light years away sa earth, matatagpuan ang isang planetang tinatawag na Bekilandia. Bata pa ang solar system nito kumpara sa’tin, pati na rin ang kanilang Sun na tinatawag nilang Istarirayboomboomboom. 20 ang planeta ng kanilang solar system at wala silang dwarf planet.
Dalawa ang satellite (moon sa atin) ng Bekilandia. Tinatawag nila itong moonpowah at buwanishima. Ito ang dahilan kaya uso sa kanila ang high tide at national sports nila ang surfing.
Kagaya lang din sa earth ang composition ng planetang ito, 30% land mass at 70% water. Yun nga lang, isa lang ang kanilang kontinente na tinatawag nilang United Colors of Bekineisha (UNB). Ang tawag sa mga taga dito ay Beki.
Nahahati sa tatlong bansa ang UNB:
Pamin Republic- kung saan Paminta ang tawag sa mga naninirahan. Sila ay biological na lalake kung ihahambing sa human male specie ng earth. Lalake din sila kumilos at manalita. Attracted sila sa mga kapwa nila Paminta o kaya minsan ay sa mga Ladlad.
Ladiland- Ladlad ang tawag sa mga taga rito. Sa bansang ito, uso ang retoke, padagdag-bawas ng parte ng katawan. Kung ihahambing sa earth, mukha silang human female specie pero biologically, hermaphrodite ang katumbas nila. Ito yung mga nilalang na hindi malaman if girl or boy ba ang sex. Sila ay attracted sa mga Paminta.
Confuderation – Confused ang tawag sa mga taga dito. Kadalasan sa mga nakatira dito ay nagkaka-crush sa mga Paminta, pero hindi sila nagiging emotionally involved. Sa history ng Confuderation, wala pa ni isa sa mga naninirahan dito ang nakaranas ma-in love. Magkahalo dito ang mukhang human male and human female. Pero isa lang ang sex.
Kung tutuusin ay halos human din naman ang mga nakatira dito. Ang tawag sa specie nila ay Beki sapien. Kung sa earth ay “xx” ang chromosome ng babae at “xy” ang chromosome ng lalaki, ang mga Beki dito ay merong chromosome na “xyb”. Yung “xx” ay galing sa normal human species (kung bakit galing sa human ay tiyaka ko na ikukwento) at yung “yb” ay galing sa super rare na element na matatagpuan sa planetang ito, ang Bekirillium.
Ang Bekirillium ay inihahalo sa pool of genes para ma-fertilize ang mga ito. You see, ang Bekirillium ay may properties like the normal human egg cell to give or generate life, yun nga lang ang chromosome n’ya ay “yb”, thus the ”xyb” chromosome for the Bekis.
Lahat ng naninirahan dito ay produkto ng in-vitro fertilization o yung sa test tube sa laboratory lang binuo. (basta talaga yung whole story kung bakit eh next time na)
Peace and fun loving ang mga Beki. Kagaya lang din sila ng mga tao na nag-aaral, nagta-trabaho, may hobbies, nagmamahal, at nasasaktan.
Kadalasan nga lang na kaso na naitatala ng Beki Police Force (BPF) ay sabunutan kapag nagka-agawan sa last piece ng blush on o body wash na on sale. Pero nagki-kiss and make up din naman ang mga Beki kapag nahimasmasan na sila afterwards.
Isa lang ang maituturing na hindi peace loving na Beki, si Stanley.
Si Stanley ay galing sa bansang Pamin Republic at nagtatrabaho sa UNB International Laboratory. Isa siya sa nagpu-purify ng Bekirillium.
After kase minahin ang Bekirillium ay hindi pa ito readily available for fertilization process. Kailangan pa dumaan sa ilang purification process, at isa si Stanley sa mga senior chemist na nagbabantay ng purification ng super rare element na ito. 2 years bago ma-purify ang element na siyang dahilan din kung bakit every 2 years lang ang production ng mga baby na Beki.
10 years ng nagta-trabaho si Stanley dito, at ni minsan ay hindi siya natuwa sa ginagawa niya
BINABASA MO ANG
Bekilandia (To be published under LIB)
Science Fiction[EDITED VERSION] Wag na sana ma-restricted utang na loob. Cinensor ko na lahat ng dapat i-censor. Punong-puno na ng asterisk 'tong version na 'to HAHAHAHA "Aliens kayo! Nakita ko yung spaceship n'yo. Nakita ko na tinago n'yo sa ilalim ng kalsadang i...