CHAPTER 44: Need Help?

338 14 5
                                    

CHAPTER 44: Need Help?

 

 

Chineck up ni Dan si Andrew at mukhang okay naman na ito. Stable na ang vital signs nito like heart beat, pulse rate, respiratory rate...pero hindi siya sure dahil hindi naman nito alam ang normal rate ng mga iyon para sa isang Beki. Ang pinagbatayan niya lamang ay what is normal para sa isang tao, but still, malaki ang paniniwala niya na gumagaling na unti-unti si Andrew.

Naging masyadong worried si Dan dito dahil hindi nito nagawa na mag-blood transfusion kay Andrew. Yun naman talaga ang pinaka-mainam na medical intervention na pwede nitong ibigay kay Andrew dahil he lost too much blood, pero ayaw eksperimentuhin ito ni Dan, given na hindi naman ito tao...baka may masamang mangyari kapag nag-transfuse ng human blood or Beki blood dito. Nagtanong kase si Dan kay Alyssa and Alyssa said to Dan na there’s no such thing sa Bekilandia. Hindi uso blood transfusion dun. Asking for the opinion naman ni Ancient Beki, he never tried blood transfusion on Ancient Bekis or Bekis pa. Titignan pa lang daw niya sa future if pwede yung ganung procedure sa mga Beki, so Dan didn’t take the risk na lang.

However, it didn’t stop Dan from infusing intravenous fluids to Andrew that can help him restore his blood volume somehow.

Mukha namang nag-improve ang kalagayan nito that on his third day, gumising na nga ito at nakakapagsalita na. Mukha ring conscious and coherent na ito dahil may sense naman ang mga sinasabi nito at hindi ito nalilito kung nasaan ito or kung anong oras na. Usually, patients that lost consciousness or went coma have a hard time staying in their right mind as soon as they wake up...luckily Andrew isn’t one of them.

Tinanong ni Andrew if pwede na itong maligo. Ang sama na daw ng pakiramdam niya dahil almost 3 days na itong hindi nagsa-shower. Even though di naman nagkulang si Veron na punas-punasan ito, still, a good bath can be considered a better option.

Pinayagan naman ito ni Dan na mag-ambulate o gumalaw pero dahan-dahan lang. Hindi niya kaagad pinatayo ito. Una ay pina-dangle muna nito ang mga paa ni Andrew sa sofa. Tinanong ni Dan if may napi-feel bang sensation si Andrew sa mga paa nito. Tinanong ni Dan if may numbness ba or tingling sensation...Pinakiramdaman ni Andrew ang sariling mga binti at okay naman sabi nito. Normal daw ang pakiramdam ng kanyang mga binti.

After which eh pinatayo ito but with assistance first. Inalalayan ito ni Veron at Byron habang nakatayo. Pagkatapos ay pinag-practice munang maglakad with support tapos dahan-dahan hanggang sa wala ng alalay. Andrew did great.

Pinayagan na ito mag-shower mag-isa. Si Veron naman ay hindi mawala ang pag-aalala at sinabi nitong aantayin nito si Andrew sa may pintuan ng shower room just in case may mangyaring unpleasant.

Pumasok na sa loob ng shower room si Andrew. Nagtanggal ng tshirt, pants at underwear. Tinignan nito ang magulong itim na buhok sa salamin. Tinignan din ang mukha na tinubuan na ng mangilan-ngilang facial hair. Nagsimula itong maglagay ng toothpaste sa toothbrush nito at nagtoothbrush ito habang nakaharap sa salamin. After matapos ay nagsimula naman itong mag-shave.

Para namang baliw si Veron sa labas ng shower room. Di ito mapakali at kanina pa palakad-lakad. Nagaalala kung ano nang nangyayari sa loob ng shower room.

“Tignan mo kaya if ano ng ginagawa ni Andrew sa loob?” Pakiusap ni Veron kay Byron. Si Dan ay kakaalis lang ng time na iyon sa bahay ni Veron. Papasok ng duty.

Bekilandia (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon