CHAPTER 24: I Knew You Were Trouble
Pasay City. MOA Arena. 7PM
Napakahaba ng pila ng mga tao. Nag-aabang na papasukin na sila sa loob ng MOA Arena. Excited ang lahat sa concert ni Taylor Swift. Eto yung Red Concert.
Mararamdaman mo ang electric vibe sa paligid.
Kabilang ang kina Stanley at Dan.
Yup, manunuod sila ng concert ni Taylor Swift at as usual, first time ni Stanley manuod ng concert dito sa earth. Pero sa Bekilandia naka-attend na siya ng mangilan-ngilang concert ng mga Beki-pop or Beki rock stars. Kasama ni Stanley madalas ang mga friends niyang chemist. Nope, wala pa siyang date na involved ang isang concert.
So double first time ito since ang pagpunta sa concert na ito ay date nila ni Dan.
Siyempre hindi pwede magtanong si Stanley about kay Taylor Swift dahil malamang sikat ito at makakahalata si Dan. Given na sa isang arena siya magku-concert, malamang sa malamang, well known ito dito sa earth.
So he did his google research the other night and found many things about Taylor Swift. Dahil sa daming nalaman ni Stan about Tay-tay, nagpanggap na itong fan nito at siyang kinatuwa ni Dan.
“You know what, I am also a fan of Tay-tay!” Excited na squeal ni Dan.
“Kaya nga tayo manunuod ng concert di ba? Because we are both a fan!” Kinikilig na sambit ni Stanley.
At sa wakas ay nagpapasok na ang mga guard sa loob ng MOA Arena. Very exciting. Lower Box B ang nabili nilang ticket at libre ni Dan ang ticket ni Stanley. The ticket costs 7,980php each.
XXX
Text conversation between Veron at Andrew
Ano? Pupunta ka ng MOA Arena? Text ni Veron kay Andrew
Eh baka maligaw ka? Isa pang text ni Veron
Hindi naman siguro. Kaya ko ‘to. Nakapagtanong na ko sa mga pulis at random strangers kanina kung paano pupunta ng MOA galing dito sa Cubao
O sige, mag-ingat ka. Mag-text ka na lang if naliligaw ka na. Hindi ba pwedeng ipagpabukas yan?
Hindi na eh. Lumitaw ulit yung green dot sa beki radar. Kailangan na matunton ora-mismo kung saan iyon at sino yun. Kung si Stanley ba talaga yun.
Ayt. Pupuntahan ka daw ni Alyssa?
Magti-text na lang ako if I need a back up.
K daw sabi ni Alyssa. Arte mo daw.
BINABASA MO ANG
Bekilandia (To be published under LIB)
Science Fiction[EDITED VERSION] Wag na sana ma-restricted utang na loob. Cinensor ko na lahat ng dapat i-censor. Punong-puno na ng asterisk 'tong version na 'to HAHAHAHA "Aliens kayo! Nakita ko yung spaceship n'yo. Nakita ko na tinago n'yo sa ilalim ng kalsadang i...