CHAPTER 12: First human contact ng isang taga-Bekilandia
Kitang-kita ni Andrew ang malaking signage. Ang sabi ng signage- Gateway Mall.
Nagtataka siya kung bakit nasa ibang planeta na siya ay same lang ang letters.
Naiintindihan niya rin ang mga sigaw ng tao sa paligid.
Paano ba namang hindi magkaka-commotion sa Cubao, eh doon lumapag ang spaceship nila Andrew at Alyssa.
XXX
Pagka-hit ng spaceship nila sa atmosphere ng earth ay biglang naloka ang spaceship nila. Mukhang medyo mali sila ng computation ng atmospheric pressure ng earth, pero 'di naman nabahala si Andrew, composed ever pa rin ang itsura ng papa niyo. Ito namang si Alyssa, mega emote ang peg ng lola niyo, habang nagba-bounce ang OA sa laki na boobs kase umaalog-alog sa loob ng spaceship.
"ANDREW MADI-DEADS NA ATA TAYO! MAY HINDI PA 'KO NAPAPA-RETOKE SA KATAWAN KO!"
"Kalma lang teh. Alam mo namang suicide mission 'to from the very start. Ngayon mo pa naisip mag-panic?!"
"Ay, oo nga noh. Sige, chill lang ako dapat. Ikaw na bahala d'yan Drew. Mag-meditate lang ako. Chos. Nasisira ganda ko teh!"
"Akong bahala Alyssa, makakaapak tayo sa legendary planet na 'to! Chillax ka lang!"
XXX
Lumapag naman sila ng almost safe, yun nga lang, near death experience talaga ang nangyari sa kanila, kaya naman tulala silang dalawa pagka-landing. Ang naiisip niya lang ngayon ay itago muna ang spaceship pansamantala.
Nagpakawala si Andrew ng purple at green smoke para maikubli pansamantala ang spaceship. May dalang "land beki blaster" si Andrew, which is, yun nga, pang-blast ng lupa.
Ang pagsabog na dala ng paggamit ng land beki blaster ang sanhi ng commotion this afternoon sa Cubao.
Magkatulong na binaon ni Alyssa at Andrew ang spaceship and after which, gumamit si Andrew ng "land beki healer device" which is, ayun nga, pang-ayos ng lupa, kahit sementado pa, carrybells. After gamitin ang device ay parang walang nangyari, parang hindi pinasabog yung lupa.
Ang mga device na dala ni Andrew ay normal lang na gamit sa bekilandia. Actually marami pa siya at nagulat siyang gumagana ang mga ito sa legendary planet earth. Parang halos wala talagang pinagkaiba ang planet Bekilandia sa Earth!
Pinahinto na ni Andrew ang purple and green smoke emitter, at tinry nila umalis kaagad dun sa pinag-landing-an nila.
Rinig na rinig pa rin ang fire alarm sa paligid, rinig ang "wang-wang” ng mga pulis at bumbero. Ang dami pa ring taong nagtatakbuhan at naghihiyawan. Super commotion pa rin ang peg.
Kalmadong naglakad palayo sa scene si Andrew at Alyssa ng biglang...
May humarang sa kanilang babae.
Si Veron. Nanlalaki ang mga mata behind her glasses.
Napangiti ito at sinabing, "Nakita ko ang lahat!"
"Hello, Aliens!"
Nagkatinginan si Andrew at Alyssa.
BINABASA MO ANG
Bekilandia (To be published under LIB)
Science Fiction[EDITED VERSION] Wag na sana ma-restricted utang na loob. Cinensor ko na lahat ng dapat i-censor. Punong-puno na ng asterisk 'tong version na 'to HAHAHAHA "Aliens kayo! Nakita ko yung spaceship n'yo. Nakita ko na tinago n'yo sa ilalim ng kalsadang i...