CHAPTER 38: Plans

325 16 2
                                    

CHAPTER 38: Plans

Matapos maisaayos ang master plan ng kanilang gagawin ay naghiwa-hiwalay na ang magkakasama.

Hinanap muna ni Stanley ang mga guwardiya ni George na sina One, Two, Three, Four and Five para maisali sa plano. Ang napagkasunduan ay maiiwan sa spaceship sina Veron at Dan kasama sina One and Two. Nuong una ay ayaw pumayag ni Dan mahiwalay kay Stanley pero it’s for the best daw sabi ni Andrew. Mahihirapan daw sila gumalaw if may mga kasama silang tao na aalalahanin. Hindi naman daw niya gusto maging rude pero inaalala lang nito ang kaligtasan ng lahat. Inirapan na lamang ni Dan si Andrew. Kinonsole naman ni Stanley ito.

“Baby. Wag ka na sumama sa pupuntahan namin...mapanganib. Mabilis lang naman kami...” Malambing na sabi dito ni Stanley.

“Hindi naman yung panganib sa pupuntahan niyo ang kinakatakot ko eh,” Irita pa rin ang tono ni Dan.

“Eh, ano?”

“Basta.”

Nagmukmok na sa sulok si Dan at hindi na ito nakisali sa iba pang pinag-uusapan nila Andrew. Basta ang plano, iintayin nila Dan at Veron makabalik sina Andrew at agad-agad aalis sa building na ito. Sa bahay ni Veron sa Binondo didiretso.

Inaya na ni Veron si Dan at yung dalawang guwardiya ni George pumunta sa likuran ng building para duon mag-antay sa may spaceship na naka-park. Bago umalis ang mga ito ay binigyan ni Veron si Andrew ng isang mahigpit na yakap at sinabing mag-ingat ito. Niyakap naman ito pabalik ni Andrew at pinag-ingat din ito.

Tuluyan ng lumabas sina Veron, Dan at mga guwardiya ng building. Naiwan naman sa loob sina Andrew.

Binigyan ng mga maliliit na armas ni Andrew si Stanley. Yung tatlong guwardiya ni George ay no need na daw dahil meron ang mga ito.

Kinompyut ni Alyssa ang coordinates ng kinaroroonan nilang lugar para matunton kung asaan kayang banda nanduon si George. Malaki ang building at madami itong palapag.

“Most probably ay nasa 15th floor si Ancient Beki. Hindi ako sure...pero kailan ba ako nagkamali, right?” Smug na sabi ni Alyssa. Naglabas ito ng compact mirror at lipstick na red...nakuha pa nitong mag-retouch.

Hindi naman napigilan ni Stanley na mairita kay Alyssa. Sa isip-isip nito ay Wow. Ang bespren na pulis ni Andrew ay isang major pain in the ass!

Pinabayaan na lamang ni Andrew ang namumuong tensyon between Stanley at Alyssa. Sinabihan niya ang mga ito na get ready na sa gagawin nila. Sa senyas niya daw ay magsisimula na silang kumilos.

One, two, three...

At sumenyas si Andrew. Bigla siyang nagtapon sa sahig ng isang device na nag-e-emit ng green at purple na usok. Malakas ang pagsabog na nagawa nuon at nagkagulo ang mga tao. Pinuntirya ni Alyssa ang lahat ng CCTV at sinira niyang lahat iyon. Nakakuha naman ang mga guwardiya ni George ng isang elevator na paakyat ng 15th floor. Sinira din ng mga ito ang camera na nakakabit duon. Dali-daling sumakay sina Alyssa, Andrew at Stanley sa elevator at kaagad pinindot ang close. Pinindot ng isang guwaridya ni George ang number 15 button at nagsimula ng umakyat ang elevator.

Matapos mawala ang usok na green at purples sa ground floor at lobby ng building ay takang-taka pa rin ang mga tao kung ano ang nangyari. Tumunog naman ang fire alarm dito dahil akala nila ay may sunog na nangyari. Ini-announce sa buong building na mag-evacuate muna ang lahat ng mga tao para masiguro ang kaligtasan ng lahat. Dali-dali ay nagsilabasan lahat ng tao sa building.

Sa wakas ay dumating na sa 15th floor ang elevator na naglululan kina Andrew.

Ang buong 15th floor ay...Isang office? Pagtataka ni Andrew.

Naghiwa-hiwalay sila upang hindi masyadong maging obvious ang ginagawa nilang pagi-imbestiga.

Sinabi ng isang guwardiya ni George kay Andrew na parang isa itong call center. In-explain nito na tumatawag o tumatanggap ng tawag ang mga tao dito galing sa mga customers o consumers ng iba’t ibang produkto at serbisyo.

Na-gets naman ka’gad ni Andrew kung para saan ang lugar na iyon. Nadaaanan nila ang madaming hilera ng mga computer at nakakabit sa mga computer ay isang espesyal na uri ng telepono na tinatawag na Avaya.

Nilibot pa rin nila ang kalakihan ng 15th floor. Halos wala ng lamang tao ang palapag na ito ngayon dahil na nga rin sa fire alarm kanina. Nag-evacuate na ang karamihan sa palapag na ito.

Wala naman silang nakitang kakaiba sa buong floor...Tama kaya ang computation ni Alyssa?

  

XXX

Sa may likuran naman ng building, sa may parking lot ay nanduon nakatambay si Veron at Dan kasama ang mga guwardiya ni George na sina One at Two. Wala naman silang ibang ginagawa kung hindi ay antayin ang pagbabalik ng mga Beki. Pinapanuod lamang ni Veron ang mga dumadaang sasakyan mula sa labas ng parking lot. Itinuro naman sa kanya ni Dan kung asaan nakakubli ang Spaceship na dala nila. May nakataklob dito na car cover at hindi mapapagkamalan na spaceship...Mukhang kotse ang silhouette nito.

Nagkwentuhan sina Veron at Dan ng mga pangyayari. Napagkwentuhan nilang dalawa kung paano nila unang nakita ang mga Beki na kaibigan na nila ngayon. Nagka-relate-an naman ang dalawa dahil parehas nilang gusto ang mga Beki na friends. Naka-relate din si One and Two dahil gusto rin nilang amo si Sir George aka Ancient Beki.

Maya-maya ay biglang napatayo si Veron mula sa pagkakaupo. Nagulat naman dito si Dan.

“B-bakit?” Alalang tanong ni Dan

“May mga nakatingin sa atin...” Halos pabulong na reply dito ni Veron.

At maya-maya pa ay nagsilabasan ang mga nakaitim na lalake na may pulang helmet mula sa magkabilang side ng parking lot.

“Mga Nelestrum!” Wika ni Dan.

“Sila yung sumusunod kanina sa amin!” Wika ni Veron.

“Kanina pa kaya nila tayo sinusundan?” Tanong ni Dan

“Wala akong idea...”

At biglang tumakbo ang mga Nelestrum papunta sa pwesto nila Veron, Dan at mga guwardiya ni George

Bekilandia (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon