CHAPTER 26: Contacting Bekilandia
Busyng-busy ang dalawang Beki sa pagsi-set up ng isang bagay na mukhang satellite dish sa third floor ng bahay nila Veron.
Kalahating balcony ang third floor nila Veron. Ang balcony ay napupuno ng samu’t saring tanim na halaman ni Veron. Madaming potted plants, mostly cactus at bonsai. Ang isang pader na gawa sa brick ay may mga gumapang na vines dito. Meron ding mga nakasabit na bark ng puno na siyang ginamit para kapitan ng iba’t ibang klase ng orchids.
Nahahati ang balcony at loob ng bahay ng sliding glass door. Sa ngayon ang sliding glass door ay naka-half open dahil nga sa sini-set up ng satellite dish. Ang ¾ binubuong satellite dish ay nasa loob ng bahay at ang natitira ay nasa balcony na. Medyo malaki ito.
Magi-isang oras ng ginagawa ito ni Alyssa at Andrew at hindi pa sila sure if mapapagana nila ito dito. Pero they wish hard na gumana nga ito.
Gusto na kase gumawa ng communication ni Andrew from Earth to Bekilandia. Gusto niya lang mangamusta kung ano na ang nangyari sa Bekilandia. Gusto lang din nila i-update ang mga tao duon, lalo na ang Beki Police Force tungkol sa progress ng kanilang mission.
Tahimik lamang na nanunuod si Veron sa mga Beki. May hawak itong libro pero hindi siya masyadong nagbabasa. Medyo disturbed kase siya sa mga nangyari kay Andrew the past night.
Nakita na nito si Stanley. Yung mission niya dito sa earth.
Biruin mo yun, ang laki-laki ng earth tapos nasa pilipinas lang din naman pala yung tinutugis nilang kriminal. At sobrang close encounter na yung nangyari kagabi.
What if mahuli na ito ni Andrew? Ano na mangyayaring sunod? Malamang babalik na ang mga ito sa Bekilandia with huge smiles on their faces dahil mission accomplished sila...
At bakit ganito ang mga pinagi-iisip ni mo, Veron? Aren’t you happy na magtatagumpay sina Andrew at Alyssa sa kanilang goal...aren’t you proud as a friend? Look what you’ve done to them...You helped them in their mission. Kailangan mag-rejoice ka dahil kasama ka sa reason kung bakit nagtagumpay ang mission na ito.
Pero may sakit na kumukurot sa puso ni Veron kapag naiisip niya na lilisanin na nila Andrew ang bahay niya o ang pilipinas o ang earth sa mga susunod na linggo kapag tuluyan na nilang nahuli si Stanley.
Baka nga hindi lang linggo...baka nga araw lang.
Sa sobrang lost ni Veron in her thoughts, bigla niyang naibagsak ang libro na nasa kamay niya. Mismong siya ay nagulat sa tunog ng pagbagsak nun dahil medyo malakas. Hard bound eh.
Tumingin sa kanya si Andrew. “Okay ka lang?”
“U-huh” Wala sa sariling reply ni Veron.
“Kanina ka pa diyan tulala eh,”
BINABASA MO ANG
Bekilandia (To be published under LIB)
Science Fiction[EDITED VERSION] Wag na sana ma-restricted utang na loob. Cinensor ko na lahat ng dapat i-censor. Punong-puno na ng asterisk 'tong version na 'to HAHAHAHA "Aliens kayo! Nakita ko yung spaceship n'yo. Nakita ko na tinago n'yo sa ilalim ng kalsadang i...