AUTHOR'S NOTE

413 11 5
                                    

First ever Novel (if novel nga ba itong nagawa ko) na natapos ko! YEHEY! Gusto ko maiyak wahahaha!

Salamat sa mga taong sumuporta ng kwento ko na ito. Kung wala kayo, hindi ko naman talaga ito matatapos dahil ang tamad ko sa totoo lang.LOL

Gumawa ako ng Wattpad dahil kay ShirlengTearJerky/ Leng de Chavez. Ka-writing workshop ko siya sa Eros Atalia Writing Workshop at kasamahan kong fellow sa The Erotics. Na-curious kase ako sa mga kwento niyang pinu-post dito. Nakita ko lang ito dun sa page niya sa facebook hehe.

Although alam kong hindi ako ang audience ng mga sinusulat niya, naaliw pa rin ako, natawa at kinilig din haha!

Tapos nung mage-end na ng 2013, dun ko unang naisulat ang Bekilandia

Ang idea na ito ay pumasok lang sa aking kukote nung papunta ako ng Quezon Province kasama ang ilang Erotics para magbigay ng writing workshop sa mga taga-PNU Lopez, Quezon.

Hindi ko talaga alam kung bakit ko ito na-conceptualize HAHA. Siguro nasobrahan ako kaka-fangirl ko sa scifi themes? Nasobrahan ako sa pagkahilig ng mga utopian at dystopian concepts? Dahil love ko ang mga Beki? Hindi ko pa rin alam hanggang ngayon.

Eto ang mga gusto kong pasalamatan in no particular order (somehow):

1) Sir Eros Atalia - Ikaw ang unang sumugal sa aking likha, nagtiwala sa aking kakayahan na sumulat at nagkamali na isali ako sa workshop mo. HAHAHAHA. Utang na loob ko sa inyong lahat ito kaya kina-career ko ang pagsusulat ng mga kwento ever since. Hindi ako magsusulat kung hindi niyo ako inampon. Siguro Nursing Care Plans lang ang alam kong isulat ngayon kung hindi dahil sa inyo!

2) The Erotics - Ang aking literary family. Unang nagtiyaga sa wrong filipino grammar ko, lutang na mga character, boses ng mga character na walang consistency at mga settings ko ng story na hindi maintindihan kung nasaan. Hindi ako mahahasa kung hindi dahil sa pango-okray niyo. HAHAHA

3) ShirlengTearJerky/Leng de Chavez - Hindi ko maiisipan mag-wattpad kung hindi dahil sa'yo. Salamat at pinakilala mo ako sa mundo mo.

4)EMPriel/Emmanuel Priel - Hindi ko 'to tatapusin kung hindi mo ko ininspire. Thank you. Stay humble and dedicated.

5)Blue_Mirae - Ang aking number.0 fan! LOL. Hindi ako gaganahan i-update 'to kung hindi dahil sa'yo hehe. Thank you sa support!

At sa lahat ng iba pang readers nito/magbabasa pa lang: Hindi ko alam if maganda ito o matutuwa kayo pag binasa niyo 'to. Nevertheless, I love this story since this is my first baby! Pinaghirapan ko 'to. Halos duguin na ako kung paano tatahiin ang istorya na ito. So whether you love it or not, it is not my concern anymore. I love this story unconditionally. HEHE

Much love to everyone! Thank you.

Bekilandia (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon