CHAPTER 16: Karinderya Beki Dilemmas
Sa isang karinderya sa may Cubao kumain ng tanghalian si Veron kasama ang dalawang bagong meet na alien.
Maliit lang ang karinderya. Nasa harap ang mga malalaking kaldero na may lamang iba’t-ibang ulam. Ang mga mesa ay nakahilera sa magkabilang pader. Ang mga upuan ay green na monoblock naman. Yung ibang monoblock na upuan ay nakapatong-patong para kahit papaano ay lumuwag naman yung daanan. Aalisin na lang sa pagkaka-stack ‘pag may bago ng mga kakain.
Singkwenta pesos isang order ng kanin at ulam. Sampung piso ang softdrinks. Nilibre ni Veron ang mga alien acquaintances. No choice siya. Walang pera ang mga bagong kasama.
Pare-pareho nilang hindi alam if pwede bang kainin ng mga taga Bekilandia ang mga pagkain dito sa Earth. Walang nakapag-research sa kanila. Sabi ni Alyssa, “It’s do or die na,” dahil alam naman nilang umpisa pa lang eh suicide mission ‘to kaya whatever happens, tanggap na nila ni Andrew. And besides, talagang gutom na sila at appetizing naman para sa kanila yung amoy ng Chicken Adobo na in-order ni Veron para sa kanilang dalawa. Tig-isang order. Mayaman.
Tinitignan ni Andrew ang mga butil ng kanin. Kumuha ng isang piraso. Inobserbahan. Halatang kinakabahan ito sa gagawing pagkain ng mga unknown food.
Kabado din si Veron. Hindi niya alam mag-resuscitate ng alien sa totoo lang. Marunong siya mag-perform ng CPR dahil nag-training dati siya sa Red Cross (Para sa mga interesado, sa Red Cross QC Chapter siya nag-training) at hindi pa expired ang lisensya niya...pero ang CPR knowledge niya ay para sa mga TAO...hindi para sa mga taga Bekilandia...kinakabahan siya.
At kung sakaling dadalhin niya sa ospital ang mga ito ‘pag may nangyaring masama...patay. Malalaman na hindi tao ang mga ito, delikado. Maku-kwestiyon pa siya.
Pero alam na niya ang mga consequences na kinahaharap niya nung napag-desisyunan niyang tulungan ang mga Beki na ‘to. Alam niyang mahirap at mapanganib...pero gusto niya pa rin.
Para kay Veron, eto na yung adventure na inaantay niya buong buhay niya. Masyado ng naging monotonous ang buhay niya simula ng...basta tiyaka na lang daw niya sasabihin sa’tin, kase ayaw niya mag-emo ngayon, at gusto niyang mag-focus on one problem at a time daw muna.
Iniisip niya na ang pagtulong sa mga alien na’to ang magiging diversional activity niya...At last may way na siya para hindi isipin ang mga wala niyang kwentang problema.
At isa pa sa mga reason niya eh, gusto niya talaga ng mga alien. Childhood dream niya ang makatagpo ng mga alien kaya hindi na niya bibitawan ang pagkakataon na’to. It’s once in a lifetime.
At isa pa magkakaroon na ng occupant yung second floor ng bahay nila. Naisip niya na sawa na rin naman siyang mag-isa sa malaking bahay nila. Matagal ng nasa ibang bansa ang mga magulang ni Veron. Ang kuya naman niya ay may sarili ng pamilya at meron na silang sariling bahay. So solong-solo ni Veron ang bahay nila.
“Baka it’s destiny talaga na makilala ko sila at kupkupin...” ani Veron
BINABASA MO ANG
Bekilandia (To be published under LIB)
Science Fiction[EDITED VERSION] Wag na sana ma-restricted utang na loob. Cinensor ko na lahat ng dapat i-censor. Punong-puno na ng asterisk 'tong version na 'to HAHAHAHA "Aliens kayo! Nakita ko yung spaceship n'yo. Nakita ko na tinago n'yo sa ilalim ng kalsadang i...