CHAPTER 33: Revelations And Explanations PART 2

366 15 3
                                    

CHAPTER 33: Revelations And Explanations PART 2

 

 

Bago magpatuloy sa kwentuhan si George at si Stanley ay nakiusap muna si Stanley na kung pwede makitawag. Tatawagan daw nito ang..uhm...friend niya. Sinabi naman ni George na aminin na nito na boyfriend niya itong tatawagan niya. Okay lang naman daw. He’s not judging naman daw.

Pinahiram ni Ancient Beki ang gold nitong iphone5s kay Stanley. Luckily, Stanley knew Dan’s number by heart since you know...that’s how mag-jowas work. They unintentionally memorize the cellphone number of their significant other.

Bawat ring ng phone ay parang lalabas na mula sa rib cage ni Stanley ang kanyang puso.

May sumagot na sa kabilang linya...”Hello?” Boses ni Dan.

“DAN!” Hindi na napigilan ni Stanley na sumigaw at maluha. Gosh ayaw niyang pag-alalahanin ever ang kanyang loving jowa.

Nakilala naman ka’gad ni Stanley ang boses ni Dan at nag-panic ito. “OMG Stanley! Where are you?!” Umiyak na rin ito from the other line.”God, I’m so worried...I-I can’t...I thought you were dead and I can’t live anymore with that knowledge, Omg, I’m gonna die!” Sunud-sunod na rant nito.

“Baby...wag ka na mag-alala. Sobrang daming nangyari grabe, you won’t believe everything that happened...and everything that I found out...” Tumingin si Stanley kay George.”Pwede ko po ba siyang papuntahin dito?” Tanong nito kay George.”Of course Stanley, pwedeng-pwede.” Reply naman ni George.

“Baby, punta ka dito sa Makati, I’ll text you the address so it would be much clearer,” Excited na sabi ni Stanley.

“Oh god, oh god, I’ll do it asap! I’ll come to you!” Excited na reply din ni Dan.

  

XXX

Habang inaantay ang pagdating ni Dan ay itinuloy na ni George at Stanley ang discussion about sa mga nakalipas at misteryo ng Bekilandia. Unti-unti ay naa-uncover na ang mistery ng race na ito...

“After ng successful na experiment kung paano gamitin ang Bekirillium at human genes para sa massive production ng baby Bekis, ay bumalik naman ang tatlong Ancient Beki uli sa earth. Napagkasunduan nilang lima na hindi pu-pwedeng lagi silang magkakasamang lima dahil delikado, malalaman ng mga Nelestrum na may mga buhay pang Ancient Beki at baka hunting-in sila hanggang sa tuluyan ng mawala ang Ancient Bekis. Ayon sa alamat, kapag tuluyang naubos ang mga nilikha ng Ancient Beki Tree gamit ang enerhiya ng elemento ng Bekirillium ay titigil na din ang enerhiya sa pag-create ng mga bagong nilalang. Kasamang mamamatay ng mga Ancient Beki ang Bekirillium.”

“Ayaw na namin malaman pa kung totoo ang alamat kaya naman as much as possible ay hindi kami nagsasama-samang lima ng matagal na panahon. At hindi din kami naglalagi ng matagal sa Bekilandia dahil malapit ito masyado sa planeta ng mga Nelestrum at baka ma-detect kami ng radar nila at muling sumalakay sa Bekilandia.”

“However, ang mga modern Beki ay safe naman sa Bekilandia...why? Natatabunan ng human genes ang element ng Bekirillium sa sistema nila. Hindi sila nagre-register sa radar ng mga Nelestrum.”

Bekilandia (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon