CHAPTER 8: Bekirillium purifier, found missing

620 26 2
                                    

CHAPTER 8: Bekirillium purifier, found missing

Umagang-umaga ay may sunog sa UNB International Lab.

Abala ang mga Firebekimen sa pag-apula ng apoy.

Madaming tumitiling Beki sa paligid, hindi kase uso ang sunog sa Bekilandia.

"Owemgeee! Sunowggggg! Sunowwwggg!" sigaw ng isang Beki na passerby.

Ang pinagmulan ng sunog?

Yung dating laboratory ni Stanley Stellar.

Bakit nasunog?

Ini-start kase yung machine para mag-purify ng Bekirillium.

Ang problema,

wala yung purifier.

Kaya ayun. Nag-react ang Bekirillium against the metal machine. Highly combustible pa naman ang element na 'yon lalo na kapag wala yung purifier.

Kaya ayun, umagang-umaga may sunog.

Second day na absent si Stanley. Ang bahay niya ay walang tao.

Hindi pa ichi-check yung bahay niya kung hindi pa nasunog yung UNB International Lab.

Abandonado ang buong bahay.

Malakas ang kutob ng marami na si Stanley Stellar, senior chemist, ang may kagagawan kung bakit nawawala ang Bekirillium Purifier.

  

Ang unang naghinala? Si Alyssa Gliese. Bestfriend ni Andrew. Isa ring opisyal ng Beki Police Force.

Matagal ng sinusubaybayan ni Alyssa ang mga kilos ni Stanley. Kinutuban siya na Stanley's up to something nung minsang naiwan ni Stanley yung search engine ng isang computer sa UNB Int. Lab na naka-open.

He was searching ways on how to perfect the purification of Bekirillium.

Sa 2nd tab ay makikita ang isang article tungkol sa mga Confused, bilang Glitch ng Beki Society.

At ang 3rd tab ay may larawan ng Earth. Ang planetang naririnig niya lang sa mga alamat at kwentong beking barbero.

Hindi naman sineryoso ni Alyssa ang mga nakita niyang ito na pinagre-research ni Stanley. Siguro ay kung may evil plan si Stanley eh mas magiging maingat siya sa pagri-research at hindi niya iiwan bastang nakabukas kagaya ng ginawa niya ang search engine.

Bekilandia (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon