CHAPTER 22: Sunday Morning
As usual, kahit weekends ay maagang gumigising si Veron. Nagpaalam ito kay Andrew at Alyssa na mamamalengke lang. Gusto sanang sumama ni Andrew pero sabi ni Veron ay wag na daw. Mas gusto niya mamalengke mag-isa.
Hindi naman na ito pinilit ni Andrew at sinabing maglilinis na lang ito ng bahay. Mas mainam pa nga daw sabi ni Veron.
Inuna linisin ni Andrew ang first floor. Sala, Dining table, Kitchen. Nagtanong pa ‘to kay Alyssa kung para saan yung walis tambo at dustpan na binigay sa kanya ni Veron kaninang bago ito umalis. Malay daw ba ni Alyssa. Kaya naman nagbukas pa ng computer at ginoogle muna ni Andrew kung para saan ang mga yun.
After malaman kung para saan ang mga iyon ay sinimulan na niya maglinis. Nag-agiw siya ng kisame, tinanggal niya rin yung mga sofa para walisin ang ilalim. Ganun din ang ginawa niya sa may dining table at kitchen.
Naalala tuloy ni Andrew ang Bekilandia. Mas hi-tech kase dun ang paglilinis. Nilalagay lang ang kwarto sa disinfection mode. Lahat ng kwarto o building sa Bekilandia ay may built in na mga ganun. Pati kung anong climate ang gusto mo sa isang kwarto o building. Kaya nilang i-manipulate ang weather sa kahit saang parte ng Bekilandia.
Unlike dito sa pinas. Kapag mainit, magdi-disintegrate ka. At yun ang problema, akala mo buong araw tirik ang araw eh hindi na uulan. Magugulat ka na lang, biglang uulan sa hapon at ang masaya pa dito, biglang nagkaka-swimming pool ang mga kalsada. Yun lang ang wala sa Bekilandia –ang instant swimming pool ‘pag umuuulan.
Nakwento naman ni Veron dati nung nag-Earth101 sila na tropical rainforest ang biome ng Pilipinas kaya ganito ang panahon sa atin. Nakwento naman ni Andrew in exchange na sa Bekilandia, manipulado na nila ang mga panahon. Kaya mas malaya ang pamumuhay nila sa planetang iyon.
Balik sa disinfection mode ng mga building sa Bekilandia. Ang kailangan lang gawin ay pindutin ang switch na nagsasabi ng disinfection mode. Before gawin iyon ay aalis muna ang mga tao for 15minutes sa building o kwartong iyon. Once a week lang ang disinfection mode dahil thorough cleaning naman ang nagagawa nito. Parang ang nangyayari kapag naka ganung mode ang mga kwarto eh may autoclave sa loob.
Sa earth, ang autoclave ay ginagamit sa mga ospital pang-sterilize ng mga gamit. So parang ganun ang effect ng disinfection mode, pero hindi high temperature ang ginagamit kundi laser beams na kayang mag-disinfect ng paligid at mag-disintegrate ng kahit anong dumi sa kahit anong parte ng kwarto o building.
After niya matapos ang first floor ay pawis na pawis si Andrew. Nakakapit na sa katawan niya ang medyo basang sando. Kitang-kita tuloy ang well-defined na katawan ni Andrew. Oh well, years of training ba naman bilang isang Beki police and that’s what you’d get – a hot bod.
Nang biglang tumunog ang doorbell.
Akala ni Andrew ay si Veron pero nagtataka ito dahil ang bilis naman bumalik ni Veron...wala pang 30 minutes ang nakalilipas ng umalis iyon...
Dumungaw si Andrew sa bintana at nakita niya sa labas si...
...Byron.
BINABASA MO ANG
Bekilandia (To be published under LIB)
Science Fiction[EDITED VERSION] Wag na sana ma-restricted utang na loob. Cinensor ko na lahat ng dapat i-censor. Punong-puno na ng asterisk 'tong version na 'to HAHAHAHA "Aliens kayo! Nakita ko yung spaceship n'yo. Nakita ko na tinago n'yo sa ilalim ng kalsadang i...