CHAPTER 32: Revelations And Explanations

494 17 5
                                    

CHAPTER 32: Revelations And Explanations

 

 

Sa isang village sa Makati naka-locate ang bahay ng Ancient Beki. I mean hindi pala ito bahay kung hindi mansyon. Pagdating ng sasakyan sa may gate ng village ay pinapasok agad-agad ng guard ang gold na sasakyan. Binaba naman ni Ancient Beki ang bintana sa tabi niya at ngumiti sa gwardiya.

Simple lang ang itsura ng mansyon ng Ancient Beki.  Naglalaro lamang sa kulay brown at puti ang labas ng bahay. Halos all white na facade, red na bubong, brown na mga column at brown na gate. Agad binuksan ng maid na naka-uniform din ng lime green at headdress na silver ang gate ng mansyon. Pinasok sa loob ang gold na sasakyan.

Pagbaba nila Stanley ay dumiretso kaagad sila sa loob. Magara naman ang loob ng mansyon kumpara sa labas. Gold ang mga nakasabit na chandelier, gold ang mga sofa, dark red ang mga carpet against sa marmol. Madaming silver at gold na banga sa paligid. May mga brown na estatwang kabayo sa mga gilid. May mesa sa gitna na kulay brown din. May grand staircase din sa may gilid na nagli-lead sa second floor. Gawa iyon sa marmol at mahogany ang hawakan. May red carpet na nakalatag sa gitna.

“Maupo ka,” Utos ng Ancient Beki kay Stanley. Tumalima naman si Stanley.

Tumawag ang Ancient Beki ng isang maid at nag-utos na magtimpla ng kape. Umupo na din ang Ancient Beki sa kabilang sofa naman kaharap ng sofa na inuupuan ni Stanley. Tinitigan ito ni Stanley. Mukha naman itong good-natured sa tingin niya. Ngumiti ito sa kanya.

“S-salamat ho sa pagliligtas niyo sa akin kanina...Ngunit paano niyo ako natunton kanina?”

Naglabas ang Ancient Beki ng Beki radar pero kakaiba iyon sa Beki radar na meron sina Stanley o Andrew. Mas mukha itong sophisticated at hi-tech. Bilog ito at kulay gold.

Wala itong screen sa gitna. Pinindot ni Ancient Beki ang button nito sa gilid at bigla itong tumunog. Maya-maya pa ay bigla itong gumalaw. Nagkaroon ito ng tatlong pares ng paa na color gold din sa magkabilang gilid at lumundag ito sa kamay ni Ancient Beki. Bumukas ang gitnang parte nuon at may nilabas na parang antenna. Umilaw ang dulo ng antenna at biglang nag-project ng parang hologram ng magkaka-interlace na longitude at latitude. Somewhere sa gitna ng hologram ay may nagbi-blink na green dot. Tumayo si Ancient Beki at hinawakan iyon. Nag-expand ang green dot at ipinakita nito si Stanley na kasalukuyang nakaupo ngayon sa gold na sofa.

“A-amazing po, Ancient Beki.” Paghanga ni Stanley.

“George na lang ang itawag mo sa akin.” Nakangiting sambit ng Ancient Beki.

“Sir George!” Sambit ni Stanley.

Kumumpas si George sa imahe ni Stanley sa hologram at nawala iyon. Bumalik ang dating naka-interlace na longitude at latitude. Napansin ni Stanley na meron pang dalawang green na dots sa may pinakadulo ng radar. Hinawakan din ni George iyon at lumabas si Andrew at Alyssa sa hologram. Natigilan naman si Stanley. Natulala iyon sa imahe ni Andrew. Kumumpas uli si George at nawala ang imahe ni Andrew at Alyssa.

“Alam kong sooner or later ay may pupuntang Beki dito sa Earth para maghanap ng kasagutan.” Pagsasalita muli ni George. “Alam ko ang lahat ng pangyayari sa iyo at kay Andrew at Alyssa simula ng pagdating niyo sa Earth. Alam kong wala na ang Beki purifier sa Bekilandia at kasalukuyan na itong sira...”

Bekilandia (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon