CHAPTER 28: Start Of Something New
Nagkalat ang mga gamit at papel sa loob ng unit ni Stanley. May papel sa kama at sa sahig. May pinaggupitan din ng papel kung saan-saan. Busyng-busy naman si Stanley sa harap ng computer nito. Kanina pa siya nagta-type ng kung ano. Katabi ng computer niya ang printer at naka-on din ito. Pinress ni Stanley ang print document sa computer at nagsimula itong mag-print.
“Baby naman eh, paano pag napahamak ka?” Wika ni Dan na kausap ni Stanley sa phone. Naka-loud speaker ito. Nakapatong ang cellphone sa ibabaw ng computer. Dinampot iyon ni Stanley at dinala sa kama niya. Humiga ito.
“I can fend for myself babe. Isa pa I can always flee when I get caught.” Reply ni Stanley dito. Rrrrrrrrr...tunog ng printer sa background. Na-print na ang tinatype ni Stanley kanina.
“Ah ganon... you’d leave me?” Pagda-drama ni Dan sa other line.
“Hindi naman baby. That’s the worst scenario if ever lang naman. Wag mo naman ipagdasal na I get caught doing this...illegal thing.” Tumayo na si Stanley at kinuha ang pinrint. Ginupit-gupit niya iyon at dinikit.
“Saan mo ba nakuha ‘yang mga pang-falsify ng documents na iyan? Daig mo pa ang Recto eh.”
“Dala ko galing Bekilandia. I prepared for my life here on earth. It was all planned before I left my planet. I knew sooner or later that I need to survive on a stranger’s planet...” Sabay bumuntong-hininga ito.
“Ang swerte ko nga...Who would have thought that everything in this planet and my planet is almost the same? It is as if yours was designed to fit mine...” Patuloy pa nito.
“Like me who fit you?” Mapang-akit ang tono ni Dan.
“Tigilan mo ako babe. Bukas pa matatapos ang duty mo...Don’t let me f*eel t*hirsty for you!” Asar na sagot ni Stan kay Dan.
Natapos na lahat ng finalsify na document ni Stanley – Passport, TOR, Diplomas, Licenses, etc. Masaya naman si Stanley para sa sarili.
“T*hirsty talaga ang term? Mine is i*nsatiabl*e h*unge*r.” S*ultry ang boses ni Dan sa kabilang linya.
“Nakakainis ka babe! Asan ka ba? Legal ba sa hospital duty yang mga pinaggagagawa mo?!” Natatawang reply n Stanley.
“I’m in the male intern lounge babe. No one’s here right now.”
“So are there many hot male interns that come there?” Curious na tanong ni Stan.
“Why do you want to know?” May hint ng selos na sambit ni Dan.
“Uuuy. Selos! I’m only just joking!” Panunuya ni Stan.
“I h*ate you babe. You’re making fun of me.”
BINABASA MO ANG
Bekilandia (To be published under LIB)
Science Fiction[EDITED VERSION] Wag na sana ma-restricted utang na loob. Cinensor ko na lahat ng dapat i-censor. Punong-puno na ng asterisk 'tong version na 'to HAHAHAHA "Aliens kayo! Nakita ko yung spaceship n'yo. Nakita ko na tinago n'yo sa ilalim ng kalsadang i...