CHAPTER 31: About Memories & Marriage
20 years ago
Sa isang pre-school sa Maynila. Ang pre-schooler na si Veron, 5 years of age ay nakikipag-away sa mga kapwa kaklase. Napapalibutan ng mga batang mag-aaral si Veron na kasalukuyang nakasalampak sa sahig dahil tinulak siya ng isang batang lalake.
“Totoo ang mga aliens! Alam kong somewhere out there andito sila!” Mangiyak-ngiyak na sabi ni Veron.
“Hindi totoo ang aliens! Sabi ng Daddy ko, kalokohan lang daw yun!” Sagot sa kaniya ng batang lalake na tumulak sa kanya kanina. Hinila pa nito ang isa sa mga pig-tails ni Veron.
“Aray! Bakit mo ginawa yun? Pinag-hirapan ng Mommy ko itali yan! Uwaaa!!!” At tuluyan ng umiyak si Veron.
“Waa! Iyakin! Iyakin!!!” Pang-aasar pa ng batang lalake mas lalo kay Veron.
Wala namang kaklase na gustong makialam sa away ng dalawa. Nanunuod lamang ang mga nakapalibot. Nag-aantay sa susunod na mangyayari. Nag-aantay na dumating na ang titser nila. Nang biglang...may sumuntok sa batang lalake.
“Aray ko! Waaa!!!” Iyak nito. “Isusumbong kita sa Daddy ko! Kala mo!” Iyak ng batang lalake.
Natigilan naman sa pag-iyak si Veron. Nag-punas ito ng luha at sabay tumayo. Inayos nito ang palda at itinaas ang mga medyas na lagpas-tuhod. Hinanap ang dahilan kung bakit umiiyak na rin ngayon ang kaninang nag-papaiyak sa kaniya.
Nakita niya si Byron!
“Wag mong binu-bully si Veron kung hindi, makakatikim ka uli ng ganyan sa akin!” Galit na sabi ni Byron.
Gulo-gulo ang buhok nito. Naka-bukas ang polo at puro mantsa ito pati ang sando na nasa loob. Lukot-lukot naman ang color blue na shorts nito at hindi pantay ang dalawang medyas.
“Hindi naaa waaa!! Hindi ko na uli aasarin si Veron!” Iyak pa rin ng batang lalake.
Nang biglang dumating ang kanilang guro. “What’s happening here?!” Nakita ng guro ang umiiyak na bata na hawak-hawak ang parte ng mukha na sinuntok ni Byron. Nakatayo naman sa tabi nito si Byron na naka-kuyom pa rin ang dalawang kamao.
“Byron, ikaw ba ang may gawa nito?” Tanong ng titser dito.
Tumango lamang si Byron, nakakunot pa rin ang nuo. Hindi inaalis ang tingin sa sinapak na lalake.
“Why did you do this Byron?” Tanong ng titser.
“Inaaway niya po kase si Veron. Tinulak niya ito at binully po.” Hindi pa rin nag-aalis ng tingin si Byron sa batang lalaking hindi pa rin tapos umiyak.
“Totoo ba ito, Jason?” Tanong ng titser sa batang lalaking umiiyak.
BINABASA MO ANG
Bekilandia (To be published under LIB)
Science Fiction[EDITED VERSION] Wag na sana ma-restricted utang na loob. Cinensor ko na lahat ng dapat i-censor. Punong-puno na ng asterisk 'tong version na 'to HAHAHAHA "Aliens kayo! Nakita ko yung spaceship n'yo. Nakita ko na tinago n'yo sa ilalim ng kalsadang i...