CHAPTER 6: Lahat ay nagmamahal at nasasaktan...kahit isang Beki

689 31 4
                                    

CHAPTER 6: Lahat ay nagmamahal at nasasaktan...kahit isang Beki

Magdamag na hindi nakatulog si Stanley Stellar, senior chemist ng UNB International Laboratory.

Maaga siyang pumasok sa trabaho.

Maayos na naka-pony tail ang blonde niyang buhok.

Pantay-pantay ang bangs na bumabagay sa high cheek bones niya at matangos na ilong.

May kakaibang kinang sa mga mata ni Stanley ng umagang iyon. At nakadaragdag yun sa kanyang pagiging good looking.

Mukha siyang Greek God sa kanyang lab coat na white.

"Angelic at maamong mukha." Sabi ni Stanley sa sarii. "Ang mukhang ito ay para lamang kay Andrew."

XXX

Lunch break.

Inaantay ni Stanley si Andrew sa cafeteria.

Nakapatong ang dalawang kamay ni Stanley sa mesa. Halatang tensed ang bruha.

"Oy, Stanley! Zup?" Bati ni Andrew na kararating lang.

"Oh Hi Andrew! I didn't see you coming!"  wika ni Stanley sabay ngiti ng pinaka charming smile niya.

Stunned lang si Andrew. Na-weirduhan kay Stanley.

"Okay ka lang ba Stanley? You kind of look weird today.May sakit ka ba?"

"No Andrew. Ikaw naman. I'm perfectly fine. Hehehehehehehe...uhm, may sasabihin ako sa'yo,"

"Ano na naman yan Stan? I bet tungkol na naman yan sa work mo no? Ikaw talaga, you are a very hard working creature, you deserve a break from all your work load...ayaw mo ba magbakasyon?"

"Andrew, may gusto ako sa'yo."

"...I can recommend various surfing spots sa Confuderation if you like. They are the best...Anong sabi mo?"

"Andrew, may gusto ako sa'yo matagal na. Simula pa lang ng ma-assign ka sa Lab namin ay crush na kita. Type na type kita, owemgee. I don't know how to tell it na mas cool ang dating, sorry...pero there you go."

"Stanley..." Tulala lang si Andrew. Shocked sa mga narinig.

"I know Andrew na isa kang Confused. I don't mean to scare you and all...Pero gusto ko lang malaman mo na willing ako i-try makipag relasyon sa isang Confused...kahit walang guarantee. Basta para sa'yo."

"Hindi lang kita gusto Andrew, Mahal kita."

"Wow Stanley, I don't know what to say...pero salamat,"

"Kaso alam mo namang isa akong Confused. At never kong maibabalik ang nararamdaman mo para sa akin... Dahil alam nating pareho na wala akong mararamdaman kahit kanino...for life...forever..."

"Ayaw mo ba i-try?" Malungkot na titig ni Stanley kay Andrew.

"Alam mo namang hindi magwu-work para sa'kin...sa atin... Wala akong nararamdamang anything romantic para sayo Stanley. At never magkakaroon. I'm sorry."

"Bibigyan muna kita ng space Stanley. Maybe I'm too harsh & hard for you. Pero ayoko magpaasa."

"No Andrew. I'm okay. I'm perfectly fine." Pa-men na sabi ni Stanley. Halatang pinipilit maging brusko yung tono ng boses.

Hinawakan ni Andrew sa balikat si Stanley. "Are we cool, Bro?"

"Yes. Definetely."

"No hard feelings then?"

"Wala, of course."

"Tara order na tayo."

XXX

Kinabukasan, for the first time in 10 years, ay hindi pumasok si Stanley sa UNB International Lab.

Bekilandia (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon