"Morning...." Bati ko kina mom. Its saturday and after lunch pa naman ang training namin so eto kagigising ko lang.
"Goodmorning Sunshine!" Biglang may bumati sakin. Hinanap ko yun.
"What the?? Anung ginagawa mo dito ng ganito kaaga Art????" Gulat na sabi ko kababa ko lang ng hagdan. I saw mom and Dad sa dining. Si Art andun din sa dining at kasalo nina dad.
"Goodmorning anak." Bati ni dad sakin. Lumapit ako at naupo sa gilid ni dad at katabi ko si Art. Tiningnan ko si Art. Ok naghilamos naman ako and nagtoothbrush pero hindi ako nagsuklay nagpony lang ako.
"Bakit ang aga mo?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Hmmmm hindi kasi kita nakita kahapon. I was busy with our baby thesis so eto ako ngaun. Hehehe." Sabi nito. Nagblush naman ako.
"Art intsik ka ba? Bakit sa umaga ka nanliligaw ha?" Si Duke lumabas mula sa kitchen may dalang mga waffles and mushroom corn omelette.
"Morning bro." Bati ko dito lumapit siya sakin ang kissed me sa cheeks. Bago naupo sa tabi ni mom.
"Hahaha wala akong lahing chinese Duke. Gusto ko lang makasama si Shine. Nagpaalam na ko kina Tita na sasamahan ko si Shine sa practice niya today.
"Bakit sakin hindi nagpaalam?" Tanong ko dito. Ngumiti lang ito.
"Ohhh bago ko makalimutan." Tumayo ito at may kinuhang boquet of flowers sa may couch namin.
"For you." Sabi nito at inabot sakin. Tapos bumalik na sa upuan niya.
"Ganda naman nito. Thank you ha." Sabi ko naman habang inaamoy ang pink roses na bigay nito.
"Alam mo ba yang si Art pati mom mo nililigawan ata." Sabi ni Dad. Napatingin ako dito.
"Bakit po?" Tanong ko naman.
"Binigyan niya din ako ng flowers anak." Kinikilig na sabi ni mom.
"Kinikilig lang mom?" Sabi ni Duke sabay taas ng kilay kay mom. Natawanan naman kami. Inabot ko na kay manang yung flowers ko at pinaayos sa vase para ilagay sa room ko. Ng matapos kami kumain nagaya si Duke maglaro ng xbox. Ako naman inayos ko na yung mga dadalin ko for the practice. Nagshower na ako at nagayos. Nagshorts lang ako ang razorback at my training shoes. Nasa balikat ko na din yung gym bag ko. Naririnig ko nagkakagulo si Art at Duke. Binaba ko sa couch yung bag. Aba hindi ako pinansin nung dalawa masyadong busy. Layasan ko nga.
"Mom, need any help?" Tanong ko naman.
"Naku anak wag ka lang magpapabali ng buto ngaun ok na sakin yun." Sabi ni Mom. Natawa naman ako. Naglunch kami ng sabaysabay syempre kasama ang gwapo naming bisita. Tas nagpaalam na kami na pupunta ng practice.
"Lets watch movie later Shine." Sabi nito habang nagdridrive. Ako naman nagpopony ng buhok ko and naglalagay ng headband.
"Hmmmm sure. Teka aantayin mo ba ako matapos?" Tanong ko naman sa kanya.
"Yup." Sagot naman nito.
"Hala. Hanggang 6 pa kami. Maiinip ka nanaman." Correct nanaman. Every saturday he would fetch me at home tapos sasamahan niya ako sa training. At aantayin niya ako. Kamusta naman sa katyagaan diba? Ilang weeks na din siyang nanliligaw sakin. And napalapit na din siya sa family ko. Si Duke ok naman sila naging magtropa na din silang dalawa. Ligawan niya ba naman si Dad, sinasamahan niya si Dad maggolf. Si mom naman aba minsan pinagdridrive niya papuntang grocery or magpasalon. Akalain niyo un ang bonding nila? Minsan naman bonding sila ni Duke sa kitchen o kaya sa bar. Gumagawa sila ng mixed drinks. At everytime na may session sa bahay grabe siya umeffort para lang mapalapit sa mga pinsan ko. At sa kin grabe naman pala ang lalaking to sa ksweetan maliban sa araw araw niyang pagbibigay ng kung anuanu sakin sagana ako sa flowers. Sa lambing at pagaalaga niya.
"Ok lang Sunshine ko. Kahit magintay ako magdamag ok lang sakin atleast kasama kita." Sweet na sweet na sabi nito.
"Ay naku Art. Tama na yan ha. Kapag kasama talaga kita hindi ko na kailangan ng blush on." Sabi ko dito sabay kurot sa braso nito. Nakatshirt kasi ito ang pants lang. Oo I must admit his hot. Not just hot. Now ko narerealize bakit siya ang The Hottie ng university.
"Aray. Sunshine ko ha nahahawa kana kay Queen palagi ako minamaltrato." Sabi pa niyo sabay pout. Hahaha minamaltrato panu palagi siyang hinaharass ni Queen. Pinanggigigilan pa siya.
"Aww wag ka nga magpout Arthur!" Saway ko dito.
"Bakit? Naiinlove ka sakin no?" Sabi nito sabay pout ulit.
"Wah!!!! Arthur Lobregat IV!!" Sigaw ko dito. Pinagtawanan niya lang ako. Hay hindi na ata ako sanay ng hindi ko nakakasama ang lalaking to. His the second guy na naging close sakin outside my family.
BINABASA MO ANG
Call me Sunshine.
Non-FictionIts a Story about Sunshine who met her lost brother accidentally na pinagselosan pa ng boyfriend niya. Boyfriend niyang pinahirapan ng kapatid niya bago pinayagang makapangligaw. Magulo? oh yes her life is quite interesting with all her money, power...