Chapter 37
"Dave Dave Dave!!" Tawag ko sa kanya pagkapasok palang namin ng suite niya. Naabutan ko siyang pinapakain ni Nanay.
"Goodmorning po." Sabi ni Art. Nagbless kami pareho sa nanay at tatay ni Dave.
"Goodmorning po pala." Sabi ko naman. Hehe excited ako makita kapatid ko.
"Magandang umaga mga anak. Lalo ka ayang gumaganda Iha." Sabi ni Nanay.
"Oo naman po. Alagang alaga po ako nitong mapapangasawa ko weh." Sabi ko naman sabay akap kay Hubby. Hehehe
"Naku panigurado maganda ang magiging anak niyo." Sabi ni Tatay. Nagblush ako. Ihhh magkakababy na kami ni Art. Kinilig ako.
"Kinikilig ka nanaman Shine!" Pang-aasar sakin ni Dave.
"Panigurado pong magaganda mana sa mommy nila." Sabi ni Art sabay wink pa sakin. Hatawin ko nga. Masyadong inienjoy ang usapan.
"Heh! At oi Dave baka gusto mong baliin ko yang kabila mong binti." Banta ko sa kanya. Tumawa lang si Dave.
"Aray aray..." Sabi niya sabay hawak sa may ribs niya.
"Karma na yan bro." Sabi ko sakanya. Nagtawanan kami.
"Nanay ako na po dyan. Pahinga muna kayo." Sabi ko at ako na nagpakain sa kapatid ko. His my brother. Kapatid ko si Dave. Ang saya ko. I know from the start pa lang may something weh.
"Ayoko ikaw magpakain sakin haharassin mo ko." Nakangising sabi ni Dave.
"Ang arte mo Dave. Dali kumain kana!" Pamimilit ko sa kanya ng spoon.
"Wala naman kasing lasa yan. Ayoko niyan." Sabi ni Dave. Tiningnan ko naman yung food. Ihhhh kahit MMC to hospital food pa din at as usual hindi masarap.
"Pagtyagaan mo muna yan bro." Sabi naman ni Art.
"Oo nga. Bali na nga ang bunto ang arte mo pa." Sabi ko sabay taas ng kilay.
"Sungit ng fiance mo bro. Pabaitin mo yan ha." Sabi ni Dave kay Hubby. Habang nakangisi.
"Excuse me. Mabait kaya ako. Pagbuhulin ko kayo ni Art weh." Sabi ko naman saka ako tumayo. Binuksan ko yung ref nakita ko may sandwich pa kahapon yung dala namin. Ininit ko yun sa toaster habang nagkwekwentuhan si Art and Dave.
"Here. I sliced it already para mabilis mo makain. Its ham with cheese and veggies. Eat that. We will buy food for you para makakain ka." Sabi ko naman sabay subo ko sa kanya ng sliced sandwich. He smiled naman.
"Wag na nagbibiro lang naman ako. Ang dami dami niyo nang natulong sakin. From the hospital sa lahat." Sabi ni Dave with his genuine smile.
"Ang arte. Masaya kami ni Hubby na tulungan ka Dave. Kaya dont worry about it. About anything." Sabi ko naman. Pinaubos ko kay Dave yung sandwich. Sabi naman ng doctor wala naman daw bawal sa kanya. So bago kami umalis ni Art nagpadeliver ako ng max's for them. Umalis na kami ni hubby dahil I texted my family na may family meeting kami tonight.
"Anu kayang magiging reaction nila hubby?" I asked hubby. Were on our way home.
"Well one thing is for sure magugulat sila." Sabi ni hubby habang concentrate sa pagdridrive niya. Napahinga ako ng malalim. Well I cant stand looking my brother na nasa ganung state he deserves the Santillan wealth. Pagdating namin sa bahay sinabihan kami ni manang na nasa library na sina mom and inaantay kami. Pumasok na kami ni Art. Bumati muna kami ni Art.
"Ok. Mom Dad Duke. This is important. Dave Gideon Martinez is our brother." Sabi ko sabay lapag ng DNA results. Nakita ko naman na gulat na gulat si mom. Si Dad binasa niya agad yung results.
"What?" Sabay tayo ni Duke. At lumapit kay Dad nakibasa sa results.
"May ibang babae kaba Julian?" Naiiyak na tanong ni mom.
"Mom! No! Walang babae si Dad. That results shows that my DNA, dads and yours are matched with his. Which means kapatid namin siya ni Duke. Triplets kami." Sabi ko kay mom na nagsstart na maghysterical.
"Pero how can that happen?" Tanong ni Duke at naupo sa tabi ko.
"Yung ob ng mommy mo sabi twins lang." Sabi ni Dad. Habang nakatingin sakin. Lumapit naman siya kay mom at inakap ito.
"Well baka nagkamali siya dad. There's a big posibility right?" Duke said na naiirita na din at naguguluhan.
"We need to find it out." Nakita ko ang galit sa mukha ni Dad. Bihira ko siya makitang magalit and even Duke I can sense his mad. Really mad.
"Tita Tito. Naghire na po ako ng detective. And as soon as possible po magkakaron na tayo ng explanation." Nagsalita na din si hubby.
"Ill help bro. May mga kilala din ako na pwede makatulong." Sabi ni Duke. Nag-usap silang dalawa ni Art.
"Mommy. Wag kana masyado magisip. Ang mahalaga ligtas na si Dave and his here. I found him. We found him." Pag-aalo ko kay mommy. Umiiyak na siya. Dad join Art and Duke.
BINABASA MO ANG
Call me Sunshine.
Non-FictionIts a Story about Sunshine who met her lost brother accidentally na pinagselosan pa ng boyfriend niya. Boyfriend niyang pinahirapan ng kapatid niya bago pinayagang makapangligaw. Magulo? oh yes her life is quite interesting with all her money, power...