Nakarating na kami kina Dave. Hindi naman magulo. Madami lang tao. Mukhang ok naman pero compare nga naman sa tinitiran namin ni Art theres a big difference.
"Baba muna kayo." Sabi ni Dave. Bumaba naman muna kami ni Art at holding hands pa na sumunod kay Dave.
"Nay nandito na ko." Sabi ni Dave makabukas ng door.
"Anak! Nagpadala na ng disconnection ang ilaw nasa ibabaw ng ref." Sigaw ng nanay nito.
"Kuya may project kami. Alam mo na." Sabi nung isa. Feeling ko kapatid niya yun pero hindi niya kamukha hehehe.
"Nay may kasama po ako mga kaibigan ko." Sabi ni Dave. Lumabas naman yung nanay ni Dave. Nakaduster ito at mukhang may idad na din.
"Naku bata ka. Bakit hindi mo naman sinabi na may bisita ka. Nakakahiya ang dumi ng bahay." Hindi mapakali yung nanay ni Dave ikot dito ikot dun hehe.
"Naku ok lang po." Sabi ko naman.
"Nay si Art saka si Shine mga kaibigan ko ho." Pagpapakilala samin ni Dave sa nanay niya na nakatayo sa harap namin at inaayos ang sarili.
"Hi po. Pasensya na po ha." Sabi ko sa nanay ni Dave na natataranta.
"Nely kumuha ka ng maiinom dyan. Nakakahiya." Sabi ng nanay ni Dave.
"Naku wag na po kayong mag-alala ma'am." Sabi naman ni Art nakaupo na kami sa sofa.
"Ngaun lang kasi nagdala ng kaibigan tong si Dave dito sa bahay." Sabi ng nanay ni Dave, si Dave naman busy sa paghahanda ng maiinom kasama yung kapatid niya.
"Pasensya na po sa istorbo ha. Oo nga po pala isasama po sana namin si Dave. May maliit na handaan po sa bahay namin. Sa bahay na din po siya matutulog." Sabi ko dun sa Nanay ni Dave.
"Walang problema iha. Masaya ako at may kaibigan na tong si Dave." Ngumiti lang kami ni Art. Tumingin ako sa paligid at may nakita akong mga pictures.
"Boyfie..." Tawag ko kay Art.
"Yes?"
"Look at this pic. Kamukha niya si Duke dito." Sabi ko. Tinitigan naman ni Art yung pic.
"Magjuice muna kayo." Sabi ni Dave.
"Thank you Dave. Is this you?" Sabay turo ko sa pic.
"Oo I think 8yrs old ako dyan." Sabi ni Dave naupo sa tapat namin.
"Kamukha nga niya." Sabi ni Art sabay inom ng juice.
"Pasensya na kayo sa bahay namin ha." Sabi ni Dave sabay kamot sa batok.
"Its ok anu kaba. Kami nga tong biglabigla na lang. Oo nga pala I told your mom na sasama ka samin. Hehe." Sabi ko sakanya. Napatawa na lang siya.
"Sige aayusin ko lang dadalin ko." Sabay tayo ni Dave. Pinicturan ko naman yung pictures ni Dave.
"Parang twin sila ni Duke. Boyfie? Hindi kaya ampon ako." Natawa naman si Art.
"Girlfriend minsan talaga kung anuanung naiisip mo." Sabi ni Art sabay akbay sakin.
"Ay napagkalambing naman ninyong dalawa." Sabi nung Nanay ni Dave. Nagblush naman ako.
"Mahal na mahal ko po kasi itong si Shine. Ayaw palang ako pakasalan weh." Tiningnan ko siya ng masama.
"Naku mga kabataan talaga." Sabi ni Nanay.
"Wag po kayo mag-alala imbitado kayo sa kasal namin." Hala puro kalokohan tong si Art kahit kailan. Nakita namin si Dave na ready na kaya nagpaalam na kami.
"Ayos lang ba talaga na kasama ako?" Tanong ni Dave.
"Yes its ok. Dont worry about it Dave. Mababait lahat ng dun." Sabi ko sakanya. Dumating na kami sa bahay. Aba nandun na din sina Craig kasama ang 4 niyang kateam.
"Were here!" Sabi ko pagpasok namin. Bitbit ni Art at Dave yung pinamili ko.
BINABASA MO ANG
Call me Sunshine.
Non-FictionIts a Story about Sunshine who met her lost brother accidentally na pinagselosan pa ng boyfriend niya. Boyfriend niyang pinahirapan ng kapatid niya bago pinayagang makapangligaw. Magulo? oh yes her life is quite interesting with all her money, power...