"Duke... Dito kana matulog please!" Pilit ko kay Duke. Kakatapos lang namin manuod ng The Grudge ULIT. Argh.
"Ihhh dun na ko sa room ko." Sabi nito na naghihikab.
"Duke naman sige na please???" Pilit ko dito.
"Kaya mo na yan. Sige na." Sabi nito. Ah hindi! Nagpiggy back ride ako sa kanya.
"Sunshine anu ba!" Malakas na sigaw nito.
"Hindi ako bababa dito hanggat hindi ka pumapayag." Sigaw ko naman.
"Ang tanda mo na. Tawagan mo si Art bulabugin mo!" Sabi nito na naiirita.
"Duke naman weh!" Nakapasan pa din ako sa kanya. Ng biglang bumukas ang pinto ng room ko.
"Anu ba yang ingay na yan??" Ay galit si mom mukhang nabulabog namin.
"Hi mom." Bati namin pareho ako nakapeace sign.
"Ang tatanda niyo na naglalaro pa kayong dalawa?" Saway nito. Bumaba na ako sa likod ni Duke.
"Si Duke kasi sabi ko dito na matulog natatakot kasi ako." Sumbong ko.
"Shine kaya mo na yan." Sabi nito sabay lapit kay mom.
"Pasaway talaga kayong dalawa. Hala tulog na." Pinatay na ni mom yung ilaw and kasabay si Duke lumabas. Wah gising ako nito magdamag. Huhuhu mga after an hour nakatalukbong pa din ako ng kumot.
"Shine?" Narinig ko bumukas yung pinto ko. Binaba ko yung kumot ko. Si Duke pala bagong shower nagbihis lang. Ngumiti ito at tumabi na sakin.
"Yay alam ko naman hindi mo ako matitiis Duke. I love you." Sabi ko inakao na niya ako. Syempre ganyan kami ni Duke. Magkarugtong kami ng bituka niyan weh. Hahaha
"Inaantok pa ko..." Sabi ko sabay ubob sa desk ko.
"Puyatera bakla?" Tanong ni Queen habang busy sa pagsusulat. Si Duke naman busy magsoundtrip.
"Katetext. Hehe." Aba naririnig pala kami nitong kapatid ko.
"Hahahaha kakatext kay Papa Art." Sabi naman ni Queen na kinikilig nanaman. Hindi nalang ako kumibo. Mayamaya nagtahimikan lahat. Maaga pa naman ah.
"Hot Coffee for you Shine ko." Kilala ko yun. Napatingin ako sa nagsalita. I saw Art holding a cup of hot Coffee from sbux. Napasmile ako.
"Thank you. Kasalanan mo naman bat ako napuyat weh." Sabi ko sa kanya sabay smile. Nakita ko naman yung mga classmate ko pigil na pigil magreact.
"Sorry na Shine ko." Sabi ni Art sabay smile at nagblublush pa.
"Ahhhhhh!! Papa Art kami din pengeng coffee." Sigaw ng classmate ko.
"Inggit ako kay Shine!!" Sigaw pa nung isa.
"Sorry girls. I only give coffee to the most special girl in my life and thats Shine ko." Sabi nito sabay ngiti pa sakin. Napangisi naman si Duke.
"Kyah.... Ang haba haba ng hair mo bakla." Sigaw naman ni Queen. Nagblush naman ako. Langya talaga tong Art kahit kailan. Showee lang talaga?
"Mr. Lobregat ang aga aga nanliligaw ka na. Labas na magstart na kami." Sabi nung prof namin.
"Ohhh sorry Sir. See you later Shine ko." Sabi nito saka nagnod kay Duke at lumabas na. Kinikilig naman ang puso ko. Hahaha
"Ang landi landi niyo ni Art!" Kinikilig pa din si Queen may aftershock pa? Napailing na lang ako saka uminom sa kape ko.
BINABASA MO ANG
Call me Sunshine.
Non-FictionIts a Story about Sunshine who met her lost brother accidentally na pinagselosan pa ng boyfriend niya. Boyfriend niyang pinahirapan ng kapatid niya bago pinayagang makapangligaw. Magulo? oh yes her life is quite interesting with all her money, power...