PLAYBOY DOCTOR 2

7.5K 142 4
                                    

I dedicated this chapter to nozaroClarroC
This for reading my story Lovelots😘
......................................................................

Ilang araw ng hindi umuwi ng Mansion si Zander. Alam na rin ng parents nila kung bakit. Ito ay dahil sa pagtataksil nila kuno ni Nutella. Ang sabi ng parents nila para hindi tumagal away nilang magkapatid. Humingi na lang ng sorry si Axyn. But no way! Hindi niya ugali na mag sorry kapag wala siyang kasalanan.

A/N:Like me.

Pumunta siya ngayon ng condo para kuhanin ang mga naiwan niyang gamit. May nabili kasi siyang condo at doon na siya mag stay hanggat hindi pa siya magpupunta ng New York. Tuloy parin kasi siya roon. Kahit na anong mangyari. Pag labas niya ng Elevator nakita niya na nagmamakaawa si Nutella kay Zander. Napalingon sa kaniya ito. Ang sama ng tingin sa kaniya ng kapatid niya. Pero hindi siya papasindak.

"Ang kapal talaga ng mukha mo para magpakita sa akin!" Galit na sabi ni Zander sa kaniya. Hindi niya ito pinansin at nagtuloy-tuloy papasok ng unit.Hinawakan siya nito sa braso.

"Bro, pwede ba ayaw ko ng gulo "mahinahon na sabi niya. Ayaw niya kasing gumatong sa galit nito. Ito ang pagkakaiba nila ni Zander. Si Zander kasi hindi nito makontrol ang galit. Siya kaya niyang kontrolin ang sarili niyang emosyon. Tumawa ito ng sarcastic.

"Really? Ayaw mo ng gulo pero ako na kapatid mo tinalo mo ah?"hinawakan siya nito sa damit.

"Zander please! Tama na iyan!"awat ni Nutella. Nanlilisik ang mata ni Zander sa galit niya.

"Grabe Axyn, hindi ko akalain na kaya mo akong taluhin. Ako na kapatid mo. Bakit? Hindi ba sapat sayo ang mga babae mo at pati si Nutella idadamay mo. Napasugapa mo naman ata!"galit na sabi ni Zander at sinapak siya. Napahiga siya sahig. Marahas niyang pinunasan ang dugo sa labi at sinugod din ng sapak si Zander.

"Oo aminado akong playboy ako. Pero ni minsan hindi ko naisipan na taluhin ka. Why don't you ask Nutella. What is the truth?"masama niyang tinignan. "Bakit nga ba Nutella? I treat you like my own sister. Bakit kailangan mo pa kami pag awayin mag kapatid hah!"mahinahon na tanong ni Axyn. Humikbi lang si Nutella na nagpapa-awa. "ANO NUTELLA!! Maatim mo na magkasira kaming magkapatid, dahil sa Kagagawan mo?"galit na sabi ni Axyn.

Hindi talaga siya marunong magalit lalo na sa babae pero kay Nutella ay inuubos nito ang pasensiya niya.

"Ano bang problema mo? Lahat na nga binibigay ng pamilya ko. Mga luho mo. Pinag aral ka pa. Hindi ka naman namin pinagmamalupitan pero nagawa mo pa sa amin ito."mapait na sabi ni Axyn.

He really love his brother. Sa totoo lang ayaw niya na magkaaway sila. Ngayon lang sila nagkaroon ng serious fight.

Samantalang si Zander ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. Hindi alam kung kanino maniniwala.

"TELL ME!"galit na sabi niya kay Nutella.

Humarap si Nutella kay Zander na parang nang hihingi ng tulong.

"Zander, I really love you. Please believe me! Nagsisinungaling lang si Kuya Axyn"sabi ni Nutella.

Napangiti na lang siya na mapait.

"You are a real actress Nutella. It's up to you bro. Kung sino ang paniniwalaan mo."sabi ni Axyn at mas pinili na lang na umalis. Nawalan na siya ng gana na kuhanin pa ang mga gamit niya.

★★★

Nasa lobby na siya ng nakasalubong pa niya ang mga kaibigan nilang mag kapatid. Sila Kiel, Mark, Anthony at Allen na naghihikahos. Napatampal sa noo si Kiel.

"Shit! Nahuli na naman tayo. Nagkasapakan na naman ang Muller brother's"sabi ni Kiel. Lumapit sa kaniya ito.

"Ano na naman ang nangyari at nasapak ka na naman ni Zander?"tanong ni Mark.

PLAY BOY DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon