PLAYBOY DOCTOR 22

4.7K 110 7
                                    

A/N ; Axyn Zeland Muller

The photo is not mine. Nakita ko lang sa fb. Then I imagine his Axyn. Ang hot kasi niya hihihi.

.............

"Salamat sa pagsurprise mo sa akin kanina" mahinang sabi ni Elosah.

Nakahiga na sila sa kama ni Axyn. They cuddle or shall I say. Axyn cuddling with her. Na discover din ni Elosah na habang tumatagal na kasama niya ang binata. Napapansin niyang ang clingy nito. Touchy at mahilig manurpresa.

"Hindi lang yun ang kaya kong ibigay sayo, babymess" sabi ni Axyn at hinalikan siya sa ilong saka ngumudngod sa leeg niya. Habit nito na nakadikit sa, leeg niya ang mukha nito.

"Pero, salamat parin sa lahat. Una yung pagtulong mo sa akin na makalayo kay Dad. Pangalawa yung ginawa mong pagkanta sa akin" sabi ni Elosaha at sinuklay ang buhok ni Axyn.

"Bakit nga pala ang haba ng buhok mo Axyn?" tanong ni Elosah.

"Why? Axyn lang?" nakabusangot na tanong ni Axyn at binaliwala ang tanong niya about sa buhok nito.

"Eh ano itatawag ko sayo?" takang tanong ni Elosah.

"Baby" nakangiting sabi ni Axyn at niyakap siya. Muli na naman itong sumubsob sa leeg niya.

Kaya medyo naiilang siya. Pinipigilan din niyang gumalaw at huminga. Amoy na amoy niya din ang mabangong amoy panlalaki nito.

"Ahm. Pero marami ng may tawagan ng baby diba?" sabi ni Elosah.

"Bakit? gusto mo ba unique ang atin?" sabi ni Axyn at nilaro ang daliri niya.

Tumango siya.

"Hmm.. Babyneat na lang. Kabaligtaran ng Babymess" nakangiting sabi ni Elosah.

Ngumiti si Axyn. Saka tumango.

"Sige yon na lang" sabi ni Axyn at sumubsob sa leeg niya saka siya niyakap ng mahigpit. "I love doing this with you everytime. Gusto ko na lagi kang kayakap sa bawat oras ng buhay ko" sabi ni Axyn against on her neck skin. Kaya ramdam niya ang init ng hininga nito.

"Ako rin" sabi ni Elosah at sinusuklay ang buhok ni Axyn. "Bakit nga pala mahaba buhok mo? hindi ka ba naiinitan man lang?" dagdag pa ni Elosah.

"Why? You don't like my hair?" kunot noong tanong ni Axyn.

"Hindi naman. Natanong ko lang" defense ni Elosah.

"You really want to know story about my hair?" seryusong tanong ni Axyn at face to face sila.

Tumango si Elosah.

"Hmm.. Its funny but ok I will tell you. Before I promised to myself that I will cut my hair If I fund the girl I will truly love and ofcourse she love me back" nakangiting kwento ni Axyn.

"Seryuso?" natawa si Elosah. "How many years your hair have been long?" dagdag ni Elosah.

"Two" sagot ni Axyn. "Tommorrow, You will go with me" dagdag ni Axyn.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Elosah.

"Salon, I will cut my hair" nakangiting sabi ni Axyn.

"Wag, bagay sayo. Saka ang gwapo mo kaya sa hair style mo" sabi ni Elosah at namula ng halikan siya ni Axyn ng smack.

"Really babymess?" tanong ni Axyn na may ngisi sa labi.

"Oo" namumulang sabi ni Elosah.

"Shit, kinikilig ako" sabi ni Axyn at ngumudngod sa leeg niya. Pansin din ni Elosah na namumula ang tenga nito. Natawa bigla si Elosah ng halikan siya ni Axyn sa leeg.

PLAY BOY DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon