PLAYBOY DOCTOR 20

4.5K 97 4
                                    


"Are you ready buddy?" tanong ni Axyn kay Zero na buhat ni Elosah.

Si Elosah halatang kinakabahan dahil sa operasyon. Kahit alam niyang tanyag na doctor si Axyn. Hindi niya parin mapigilang kabahan. Pero may tiwala siya kay Axyn.

"Opo, Tito" sabi ni Zero.

Halata sa bata ang pagiging positibo. At kailangan din nila na maging positibo.

"Di ka ba kinakabahan, baby?" tanong ni Elosah kay Zero.

Mukha kasi itong chill lang.

"Kinakabahan po, pero kailangan ko po kayanin para kila Mama at Papa para di na sila mamublema sa sakit ko" nakangiting sabi ni Zero. Bumaling si Zero sa kaniyang tiyuhin at hinawakan ang kamay. "Tito, pagalingin mo po ako ah. Para maging masaya na sila Mama at Papa. Gusto ko pa pong makita yong mga kapatid ko" sabi nito.

Binalita kasi ni Axyn na buntis si Samantha. Tuwang-tuwa si Zero. Dahil noon pa man ay nais nito na magkaroon ng kapatid.

"Don't worry buddy. Mag tiwala ka sa akin. Hindi ko hahayaang masayang ang pangalawang buhay na binigay sayo" nakangiting sabi ni Axyn.

"Doc, the O.R is ready" sabi ng nurse.

Sinuot na ni Axyn ang cloves. Nakaipit din ang buhok niya at may nakapatong sa ulo niya para di malaglag ang buhok niyang maliliit. Nakasuot na rin siya ng pang operang damit. Ganon din si Zero ayos na din ito para sa pag opera dito.

(A/N: Intindihin nyo na lang ah! hahahhaha)

"Goodluck" nakangiting sabi ni Elosah.

Kinuha na ni Axyn si Zero at hinalikan sa noo ang dalaga.

"Thank you" sabi ni Axyn at pumasok na sa operating room.

Today is Zero's heart transplant. Nagpapasalamat sila na may namatay na bata na kaedad ni Zero sa mismong hospital sa Newyork. Ang bata ay taos pusong binigay ang puso para kay Zero. Malala kasi ang sakit ng bata at ang hiling nito sa magulang na once na binawian siya ng buhay ay kay Zero ibigay ang puso niya. Healthy kasi ang puso nito. Naging matalik na kaibigan din ito ni Zero nung mga panahong sinasama ni Axyn ang pamangkin. Dahil nais nitong malaman ang tungkol sa ginagawa ng mga doctor. Zero want to be a doctor someday.

"Buddy, kailangan kitang turukan ng pampatulog para di mo maramdaman ang gagawin naming operasyon" sabi ni Axyn at hinahanda ang pang injection.

"Tito, pag di po ako nabuhay sa gagawin mo pong pagpapagaling sa akin. Sabihin mo po kila Mama na babantayan ko sila sa heaven nila Baby" sabi ni Zero at napaluha.

"Don't cry buddy. Hindi ko hahayaan na mamatay ka. You are very important to me" sabi ni Axyn. At tinurukan si Zero ng pampatulog.

Father in Heaven, please help me to success this operation. Zero deserve to live. And thank you for giving a him chance...

Taimtim na dasal ni Axyn. He know, he is a great surgeon but life is too playful. Hindi natin kabisado ang takbo ng tadhana. Kahit pa nag tatagumpay siya sa operation na ginagawa. Mamaya magluko ang tadhana.

"Lets do this" sabi ni Axyn at nagmask.

***

Hindi mapakali si Elosah habang naghihintay sa waiting area ng hospital. Halos ilang buwan na din niyang nakasama ang bata kaya nag aalala siya. She know Zero is a very kind child. Talagang pinalaki ito ng mabuti ni Samantha.

Naisipang pumunta ni Elosah sa chapel ng hospital. May mga tao rin doon na taimtim na nanalangin. May umiiyak, nakaluhod at nakapikit ng mahigpit. Pumunta siya sa upuan at pumukit.

Sana po maging matangumpay ang operasyon ni Zero. Ama, gamitin nyo po si Axyn para tulungan ang bata. taimtim na dasal ni Elosah. Para na rin kasi kapatid si Zero. And, she want to have a baby brother dati. Kaso malabong mangyari dahil nga namatay ang mommy niya pagkasilang palang sa kaniya at ang daddy niya ay di na muli pang nag asawa. Masiyado kasi nitong mahal na mahal ang ina niya. Iyon ang kinabibilib niya sa daddy niya. Hindi din ito nag uuwi ng babae sa mansion nila.

At kahit umalis siya sa puder nito ilang taon na ang nakakaraan. Iniisip niya parin kung kamusta na ito.

Pag tapos niyang magdasal ay umalis siya sa chapel at lumabas muna ng hospital para bumili ng pagkain.

Agad din siya nakabalik dahil malapit lang sa hospital ang binilhan niya ng pagkain. Bago pa siya umupo sa may upuan sa waiting area. Lumabas si Axyn sa operating room. Pawisan ito sa noo. Nilapitan niya ito. Hindi niya mapigilang kabahan dahil seryuso itong tumingin sa kaniya. Habang tinatanggal ang gloves.

"K-Kamusta?" nauutal niyang tanong.

Hindi ito sumasagot at seryuso lang itong nakatingin sa kaniya.

"Ano?" ulit niyang tanong.

Seryuso parin ito. Hindi na niya napigilang umiyak.

"Kawawa naman ang bata. Ang bata pa niya para mawala sa mundo" umiiyak na sabi ni Elosah.

Hindi na napigilang mapahalakhak ni Axyn.

"B-Bakit ka tumatawa ?" tanong ni Elosah at pinunasan ang luha.

"Ikaw kasi" nakangiting sabi ni Axyn.

Sinamaan ng tingin ito ni Elosah.

"Na saan si Zero? gusto ko siya makita" sabi ni Elosah.

"Doc, lilipat na po namin sa -"

"Pwede ba mo nang makita ko si Zero bago dalhin sa morgue" umiiyak na sabi ni Elosah.

Nakunot ang noo ng nurse na kapwa Pilipino nila.

"Kanina ka pa tawa ng tawa riyan. Masasapak talaga kita Axyn!" inis na sabi ni Elosah.

"Sige, Quennie. " nakangiting sabi ni Axyn.

"Ok po Doc" pabebe na sabi ng nurse na babae at namula pa.

Sinamaan ng tingin ni Elosah si Axyn.

"Ano ba? sabi ko gusto ko makita si Zero" sabi ni Elosah at umiiyak.

Niyakap na ni Axyn ang dalaga.

"Bitawan mo ko!" sabi ni Elosah at nag pupumiglas.

Kaya ang ginawa ni Axyn. Binuhat siya. Umupo si Axyn at saka siya kinandong. Kaya nagulat si Elosah at namula.

"B-Baka may makakita sa atin" nahihiyang sabi ni Elosah at sinubsob ang mukha sa dibdib ni Axyn. Lalo marinig nila na lumabas ang mga tao sa O.R.

"Congrats po Doc" sabi ng mga assistant ni Axyn.

"Congrats din" sabi ni Axyn.

"Sige po, Doc mag lunch lang po kami" sabi ng mga ito.

"Sige, ingat" sabi ni Axyn. "Lets go, Babymess puntahan na natin si Zero." sabi ni Axyn sa kaniya.

"Ok" sabi Elosah na nagtangkang umalis ngunit pinigilan siya ni Axyn.

"I'll carry you" sabi ni Axyn

...............

A/N: Mapapa sana all ka na lang

PLAY BOY DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon