PLAYBOY DOCTOR 17

4.5K 110 0
                                    


Gusto sanang umayaw ni Elosah sa pag aaya ni Axyn na lumabas sila at maggala. Pero nahihiya naman siyang magsalita, dahil mukhang masaya ito. Habang naglalakad sila nakahawak ang kamay nito sa kaniya. Kaya lalo siyang naiilang, halos lahat ng babae ay nakatingin sa kanila. Lalo na kay Axyn, ang gwapo kasi nito sa suot na sumbrerong Nike habang nakaipit ang buhok nito, black t-shirt at white pants na tenernuhan ng black Nike shoes. Mukha silang real couple.

Huminto sila sa isang Ice cream shop. Pumasok sila sa loob at umupo sila sa bakanteng pwesto. Napansin ni Elosah ang mga tao sa paligid ay nakatingin sa gawi nila.

"Anong gusto mo?" tanong ni Axyn kay Elosah.

"Ahmm.. Ikaw na lang ang bahala"sabi niya.

"Ok, wait me here" nakangiting sabi ni Axyn at hinalikan siya sa noo.

Sinundan niya ng tingin papuntang counter si Axyn. Nakangiti ito habang umuorder ng Ice cream na kakainin nila. Pinagmasdan niya ito. Gwapo ito at every girls dream, mayaman, matalino, may profession, at may ipagmamalaki. Samantalang siya ano? ordinary college student. Tapos marami pa siyang problema. Kung paano siya mabubuhay sa araw-araw na hindi inaalala na mahanap siya ng ama niya. Napabundong hininga na lang siya. At ipinalangin na sana matapos na ang problema niya.

"Lalim non ah?" sabi ni Axyn at nilapag na ang ice cream ang sarap tignan nito dahil puro chocolates, stick-o, nips, mm, chocolate sirup. Chalap! chalap! Samantalang kay Axyn, mango caramel ice cream na may chocolate sirup at stick-o, nips, mm.

(A/N: Imagine ko lang)

"Bakit?" takang tanong ni Elosah habang nilalantakan na ang Ice cream.

"Ahm.. miss can I buy your pony tale?" baling ni Axyn sa isang customer na babae.

"Ah ito po, sayo na lang po" nakangiting sabi ng babae at inabot sa kaniya ang ipit. Pansin ni Elosah na kanina pa tingin ng tingin ang babae na ito at ang mga ka-group nitong mga babae.

"Salamat" sabi ni Axyn at tumayo saka pumuntang likod ni Elosah.

"Ah. Anong gagawin mo?" tanong ni Elosah.

"Ipit ko nag buhok mo" sabi ni Axyn at sinuklay ang buhok gamit ang kamay nito ang buhok niya saka inipit ang buhok niya.

"Yan, mas bagay sayo" sabi ni Axyn at kinurot siya sa pisnge.

Nakamessy bond si Elosah. Nakita niyang inirapan siya ng babae na pinaghingihan ni Axyn ng ipit. Kaya ang ginawa niya tinanggal niya ang ipit.

"Why did you removed?" nakangusong sabi ni Axyn.

"Hindi kasi ako sanay na nakaipit saka may pambili akong ipit. Ayaw ko lang kasi ayos na sa akin ang nakalugay" sabi ni Elosah at tumayo para ibigay ang ipit sa babae. "Salamat sa ipit mo at kung ayaw mong ibigay sa akin sabihin mo, hindi yung iirapan mo pa ako. Hindi mo yon kinaganda" sabi ni Elosah sa babae na natulala. Binalingan ni Elosah si Axyn.

"Salamat sa paglibre mo sa akin. Mauna nako, late na kasi ako sa school" sabi ni Elosah at naglakad na paalis ng Ice cream shop. Napikon kasi siya, ayaw niya ng iniirapan at sinusupladahan siya.

"Wait, hatid na kita" habol sa kaniya ni Axyn.

"Ayos lang ako, saka maglalakad na lang ako" sabi ni Elosah.

"No, hahatid kita" sabi ni Axyn at hinawakan siya sa kamay. Hindi na siya nagsalita dahil hahaba pa ang diskusyon.

***
Habang nasa biyahe tahimik lang silang dalawa. At alam ni Axyn, kung bakit nagkaganon ang si Elosah. Pansin niya rin na insecure ang mga tao sa paligid nila. Mag mula ng pumasok sila ng mall.

"Don't mind them" sabi niya at hinawakan ang kamay ni Elosah. Nilingon siya nito at tanging ngiti lang ang sagot nito.

Hanggang makarating sila ng dorm. Pinagbuksan niya ng pinto ng kotse si Elosah at pagbaba nito ay nakita niyang nanlaki ang mata nito ng makita ang isang matandang lalaki na nagtatanong sa mga college student na nagdorm din dito.

"Shit! paano niya nalaman na nandito ako?" rinig niyang bulong nito.

"Bakit?" tanong niya. Biglang nagtago si Elosah sa likod niya.

"Axyn, alis na muna tayo dito" sabi ni Elosah. Halata rito ang takot. Tinago niya ito sa likod niya habang pasakay ito ng kotse. Agad siyang pumasok sa loob ng kotse at pinaandar ang kotse paalis doon.

"Sino yon? bakit takot ka?" alalang tanong niya. Bigla kasing namutla si Elosah ng makita ang matanda.

"My dad, at nahanap na naman niya ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko para makapagtago sa kanila" sabi ni Elosah na maiiyak na.

"Sshhh.. Don't worry, akong bahala sayo. Just tell me, is this because of the wedding?" sabi ni Axyn.

"Oo, ayaw kong makasal, marami pa akong gustong gawin saka hindi namin mahal ni Bictorio ang isa't isa. Magbest friend lang kami." sabi ni Elosah at napaiyak na ng tuluyan. Tinakpan niya ang mukha niya gamit ng dalawang kamay niya.

"Stop crying, who's Bictorio?" tanong ni Axyn at napikon dahil ipapakasal dito si Elosah. Ewan ba niya bakit nag iinit ang ulo niya kapag namention ang about sa kasal.

"Si Bettie, yong kaibigan din ni Sam" sabi ni Elosah.

"The gay friend of Samantha?" tanong ni Axyn. Gusto niyang makapag mura. Ipapakasal si Elosah sa bakla pa.

"Oo, hindi kasi alam ng mga magulang namin na bakla siya. Tago kasi sa kanila ang totong pagkatao ni Bettie." sabi ni Elosah.

"Wag kang mag alala. Gagawa ako ng paraan. Doon ka muna sa condo unit ko. Habang aasikasuhin ko ang papeles natin papuntang New York. Walang makakaalam na doon ka tutuloy" sabi ni Axyn.

"New York? baka malaman ng Daddy ko. " sabi ni Elosah.

"Malabo niyang malaman, sasakay tayo ng private plane para hindi malaman ng dad mo" sabi ni Axyn.

"Pero bakit sasama ka sa akin? paano na lang ang trabaho mo rito?" sabi ni Elosah.

"Ako ng bahala roon. Basta ang mahalaga ay makalayo tayo" sabi ni Axyn.

"Salamat Axyn" sabi ni Elosah at niyakap si Axyn. Kaya hininto muna ni Axyn ang kotse sa tabi para yakapin pabalik si Elosah.

"I will do anything para hindi ka makasal" sabi ni Axyn at hinalikan si Elosah. Una nagulat si Elosha pero hindi din niya napigilang humalik. Binuhat siya ni Axyn at inupo sa kandungan nito habang patuloy silang naghahalikan.

......

A/N: Sana magustuhan ninyo. Next chapter funny moment ni Axyn. Kung nabasa nyo yong  sa Arrogant Doctor. Makakarelate kayo.

PLAY BOY DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon